One of THEM part 2

78 3 0
                                    

Eunice Delgado's POV

Pagdating ko sa bahay wala si mama.

Nag iwan nalang sya ng note sa ref ang nakalagay??

" My beautiful bebi nerd girl katulad ko. :)

Umalis ang 'yong Oh-so-beautiful na mama. Pupunta lang ako sa aking friend at baka gabihin ako ng uwe.Susunduin naman ako ng iyong Oh-so-handsome-but-under na papa. May pagkain dyan sa mesa ikaw na bahala.

--the most beautiful mama of Eira. Hart hart! <3"

Napangiti nalang ako sa nabasa ko..haha..

Ang kulit lang tlga ni mama. Pabata pa dun sa note eh..

Kinain ko nalang yung naiwang pagkain ni mama tapos nagpahinga ng saglit.Nag ayos nadin ako dahil pupunta ako sa Inspirit kasi sigurado nandoon na yung mga asungot na yun.

(A/N:She's pertaining to Xavier and friends. Barney and friends?! xD. )

*INSPIRIT BAR*

Pagdating ko dito sa bar tiningnan ko na yung paboritong pwesto nila Xavier at pag sinuswerte ng naman nandun na sila.

Nakahinto pa din ako dito sa may tapat ng pintuan kasi naghahanap ako ng pwesto na malapit lapit sa kanila para mapansin nila ako at makagawa ng moves.

(-.- ) *hanap* ( -.-) *hanap*

Yun! (-.-)

Patungo na sana ako kaso nga lang...

"YAHHH~~!!! EUNICEEE!!!" narinig kong sigaw ni..

Thyra?! O.O

Nandito din pala sila Claire. Di ko alam..

(A/N: Pano mo naman malalaman eh puro yung mga boylet mo yung inaatupag mo?!)

Sabagay.. Sorry naman. Si Author oh.. Ang init nanaman ng ulo.

(A/N: TSss.. -_- )

Haha.. Bipolar mo talaga author! Balik na nga tayo dito sa bar.

"Thyra!!!" sigaw ko pabalik kahit na alam kong hindi nya rin ako maririnig. Pano ko narinig yung tawag ni Thyra kanina? May nakaka kabit kasing megaphone sa lalamunan nyan kaya malakas ang boses. haha..

Ngumiti nalang ako habang papalapit sa kanila.

Pagdating ko sa table nila syempre beso beso muna sa aking mga girlfriends dito na sina: Claire, Ashley,Thyra,Anna at Jessica. Hindi naman nila kilala si Eira. Kelan ko lang sila nakilala at dito lang din sa bar yun since wala naman akong kakilala dito ay sa kanila nalang ako nakiki hangout pag nandito sa bar.

"Girl! kamusta naman? aga nating dumating ha?" sabi ni Claire na may pagka sarcastic.

"Haha.. Sorry naman.Alam mo na madaming ginagawa eh.." sagot ko naman sa kanila.

Nagkwentuhan nalang kami lahat ng mga nangyari at syempre hindi nawawala ang tawanan lalo na kapag mga kapalpakan nila yung topic.

Mag share na sana ako ng kwento ko kaso nga lang biglang may tumabi sakin sabay akbay. Nilapit nya yung yung ulo nya tapos ay bumulong sakin.

"Hi Babe." sabi nya na may pagka seductive.

"kilala ko na toh.." napa smirk nalang ako. Pero syempre kailangan ng show kaya..

biglang tulak ko sa kanya dahilan para matanggal yung pag kaka akbay nya sakin sabay bago ng expression na parang diring diri.

"eww~! ano ba?! sino kaba sa tingin mo?? Disgusting piece of.. yuck!" sabi ko sabay tayo at kunwaring pagpag dun sa lugar kung san nya ako hinawakan.

Napansin ko naman na nagtatawanan na sila Xavier sa nakita nila.

"Pero babe! it's me. I was the one with you last night! Remember??" sabi ni Cole sabay lapit ng mukha nya at nakipag titigan.

*FLASHBACK*

"Ikaw ang pinaka magandang babae na nakita ko. Kahit tingnan nalang kita habangbuhay ayos lang sakin..." sabi ni Cole at dahang dahan na lumalapit para halikan ako.Nilagay ko ang dalawang daliri ko sa labi nya para mapigilan sya.

"Alam ko babe. Pero kailangan ko ng umalis. Magkita nalang tayo sa susunod ha?" sabi ko at mas lalong nilapit ang mukha ko sa kanya kaya biglang pumikit.

Tch..*Smirk*

Sabay tayo ng seductive at tingin sa kanya using my most captivating gaze.

*wink* ^_~ sabay alis.

*END OF FLASHBACK*

"Kakasabi mo lang kagabi na ako ang pinaka maganda sa paningin mo tapos kaninang umaga naman ako ang pinaka panget na nakita mo sa buong mundo.tss..PLAYER..." (=.= ") Sa isip ko. Sabay smirk at harap sa kanya.

"Sorry pero HINDI TALAGA KITA MATANDAAN. Ni hindi ka nga pamilyar sakin e.. pero baka isa ka lang sa mga lalaking pinaglaruan ko at tinapon kinabukasan. Wag ka mag alala, nangyayari talaga palagi 'yon okay?" sabi ko sabay hawak sa cheeks nya at tap ng mahina. Tumalikod na ako at tinuloy ang pakikipagkwentuhan kila Claire.

Nahagip naman ng mata ko si Cole na naglalakad patungo kila Xavier na bagsak ang dalawang balikat at mukhang walang kayabangan sa katawan.

Medyo malapit na pala sila sa amin at kita ko sila kaya narinig ko pa ang sinabi ni Steven sa kanya.

"Ayos ka lang bro? parang kang nalugi dyan ng sampung milyon. Ok lang yan. Chicks lang yun at madami ang ganun sa paligid." sabi nya sabay tap sa balikat ni Cole.

Napa smirk nalang ako lalo dahil sa pagkapanalo ko ngayong araw.

"One down five to go." sabi ko sa sarili ko.

Pero may napansin akong isang lalaki na kasa-kasama nila Xavier.

Hindi ko pa sya nakikita na kasama sila Xavier simula dati pero sigurado ako na katulad nya rin sila. He's one of them. Mga stupidong lalaki na kala nila ay makukuha nila ang babaeng gusto nila at kayang kayang mang api ng kung sinu-sino.haayyss,.. I guess madadagdagan na ang list ko ngayon ng target.

"Watch out pretty boy. Hindi mo kilalaang makakasalubong mo." >:)

The Nerd and The Player (Ay Iisa?? Wait!! Parehas pa sila!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon