String 2: Chiba

9 0 0
                                    

Halos twenty minutes ang kanilang biniyahe, mula Narita Airport to Chiba Prefecture at dahil sa medyo traffic ay unti unting nakatulog ang dalawa sa sobrang pagod. Maya maya lamang ay dahan dahang ihininto ni Mr. Nakamura ang sasakyan at saka pinindot ang "open window" button sa front seat.


"Good Afternoon, Aiko-san...", bulong ni Mr. Nakamura sabay ngiti at yuko for greeting.

"O!", mahinhing sagot.


Nakatigil si Mrs. Aiko sa kanyang ginagawa at lumapit sa sasakyan ni Mr. Nakamura.


"Ren-san... kamusta na?!", gentle smile.

"Ok naman ako...", napakamot ng konti sa ulo.

"Mukhang maganda ang business natin ah?", napatingin sa mga paninda.

"ikaw naman... medyo matumal ako ngayon...", giggles.


Si Mrs. Aiko Suzuki ay nagmamay-ari ng may karatulang "Happy Veggie", sa Ichinomiya Chiba Prefecture. Sa katabing tindahan ni Mrs. Aiko ay isang klinika na may dalawang palapag . Ang -san - is a suffix added to the names, it's like respect for older people. In English, I think the appropriate "san" is Mr., Mrs., Ms. followed by their last name or first name. It's like Mr. or Ms. It's used for adults and older girls.


"Bakit nga pala napaparito ka ngayon?", pagtataka ni Aiko-san at napasilip siya sa back seat.

"Ren-san may pasahero ka...", tumingin kay Ren-san.

"Oo nga pala... nandyan ba si Daisuke?", magalang na tanong nito.

"oh?! Sa wakas may pasyente na si Dai-kun...", napapalakpak ng isang beses.

"nandyan siya... pero mukhang nag-puyat na naman siya dahil sa thesis niya...", pag-alala.

"hmmm... kung ganun pakitulungan na lang ang mga batang ito... at babawi na lang ako sa iyo...", itinaas ang kanyang sombrero at nakiusap.

"Ako na bahala... Ren-san...", giggles.


Bumalik si Aiko-san sa kanyang tindahan at ginising na ni Ren-san ang dalawa na nasa back seat.


"Mga bata, nandito na tayo sa clinic na sinasabi ko at isa na rin ako sa mga pasyente dito..."


Nagising ang lalaki at naghihikab sabay nang pag-iinat ng kanyang katawan. Hanggang sa naibaling niya ang kanyang mga mata sa klinika na kanyang tinutukoy.


"Ito mismo ay klinik? Isang Children's Clinic?!...", pagtataka.

"Wag kang mag-alala, tumatanggap din yan nang kahit sinong pasyente. Mapabata at matanda..."


Pinindot ni Ren-san ang open door sa back seat at bumaba ang lalaki para suriin ang klinika. Ang Children's Clinic ay isang lumang klinik na parang nakatayo ito since Edo Period. Sa sliding door ay may nakaukit na "Dr. Ono Daisuke" at sa taas ng pinto ay ang karatulang "Children's Clinic".


"Ang klinik ay klinik at saka magaling ang doktor dyan.... sige na at gisingin mo na ang gf mo.", napapangisi.

2 StringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon