Chapter 1

71 7 1
                                    

Kurt's Pov

"Alam mo ha? Pare-pareho lang kayong mga lalaki eh! Mga manloloko!!!"

"Oh ano? Ang kapal naman nang muka mo na magpakita pa sa akin ... Matapos nang lahat nang kagaguhan na ginawa mo sa akin wow lang"

"Tss. Ano ba yan. Yung totoo? Laging pagmumuka mo nalang ba ang bubungad sa akin?"

"PWEDE BA KURT!!?! TAMA NA OKAY. TAMA NA!! Di ka pa ba napapagod ha? Kahit anong gawin mo maglupasay ka, talunin mo ang building o ano man HINDING HINDI NA AKO BABALIK SAYO"

Tangina naalala ko na naman yan. Tsk puta ang tanga! Ang tanga tanga ko talaga!!!

"Waiter!?! Isang bote pa nga oh please" Kasalukuyan akong nag iisa ngayon sa bar dito sa may quezon city. Kailangan na kailangan ko nito ngayon, tsk. Wala eh broken!

Sa tuwing naalala ko mga ginagawa ko sa kanyang effort noon para lang bumalik na ulit sya sa akin grabe maiiyak ka nalang talaga eh . Oo alam ko na nakaka baklang tignan ang pag iyak lalo na kung lalaki ka, pero shet lamang masakit talaga. Sa tuwing magpplay sa utak ko yung masasakit pa nyang salita sa akin eh talagang mapapaiyak nalang lalo.

Nang dumating na yung Order ko. Inumpisahan ko nang uminom ng uminom. Wala akong pake kung gaano man ako malalasing ngayong oras na toh basta ako iinom ako!!

Napaparami na rin gaano ang amats ko dahil nararamdaman ko na ang pagkahilo ko pero wala akong pake inom lang kailangan kong makalimot

"Ku-kuya ishaaaang order pa nga powsss", Ano ba yan nagiging jeje na ako shet ew.

"Nako sir , kaya nyo pa po ba? Lasing na lasing na po kayo oh" Sabi sa akin nung waiter

"OhOw! Kaya ko pa ... Ako pa ba wag mo akong minamaliit tsk"

"Okay sir."

Tumango nalang ako sa kanya. Tanong tanong pa kasi kaya ko pa naman di ako weak!!! Haha.

"PUTANGINAMO GINO!!!! WHOOOO PAKYU KA DAHIL SAYO KAYA KAMI NAGHIWALAY NI LORRAINE KINGINA KA PAKYU KA HAYUP KA!!" Biglang sigaw ko sa bar, Tsk. Tinginan lahat sila sa akin eh instant artista na ako ...

Pero kasi tangina pa din gino shet! kung di dahil sa ulupong na yun siguro kami pa rin ni lorraine hanggang ngayon

Maya maya pa may mga natanaw akong bouncer na papunta sa akin tss. napaka oa masyado sumigaw lang naman ako

"Sir, halika na po tama na po yan"
Sabi nung isa habang hawak hawak ako sa balikat

"Anong halika na? Anong tama na? Puta kaya ko pa." Tugon ko

"Ilabas nyo na toh" Sigaw nya sa iba pa nyang kasamahan kaya naman lumapit sila sa akin at pilit na inilalabas sa bar

"A-ano ba! Bitawan nyo nga ako! Tss. tangina nyo! Wala naman akong ginagawa ah? Gago ba kayo" ,pagpupumiglas ko

Hila hila nila pa rin nila ako habang ako piglas lang naman nang piglas. Tsk nakakainis puta

"ANO BA! TAMA NA NGA! ITO NA OH! TANGINA NYO AALIS NA! MGA FUCK YOU GAGO" Tss. Nakakaurat! aalis na nga nang ayos eh tss kingina malugi sana may ari ng bar na to! Bwiset

Kaya naman agad na nila akong binitawan nung sumigaw ako. Napailing nalang ako sa nangyari

Lumabas na agad akong bar at dumiretsong parking dahil nandun ang sasakyan ko.

Nang makita ko ang sasakyan ko agad ko na itong binuksan at saka tuluyang pumasok na sa loob

Ini-ub ob ko nalang ang pagmumuka ko sa manobela tsk. Grabe ano ba tong nangyayari sa akin? Kurt! Puta babae lang yun tanginaka madaming iba dyan hindi lang sya. At isa pa naka move on na sya tanging ikaw nalang hindi! Anong kabobohan toh kurt!

Hayyy napabuntong hininga nalang ako sa mga nangyayari sa akin. Nakakapagod din palang magpakatanga sa taong wala naman nang pake pa sayo...


Napatingin nalang ako sa litrato nya na nasa harapan ko ngayon. Napapatawa nalang ako nung makita ko yun at napailing

Kinuha ko yung litratong nyang yun at tinitigan

maya maya pa'y naramdaman kong tumutulo na pala ang mga luha kong kanina pa nagbabadyang tumulo

Nanatili akong nakatitig sa litrato nya at hinahayaan na tumulo lang ang mga luha ko


" I hate you for doing this to me" sambit ko habang nakatitig lang sa litrato .

Nilukot ko ang litrato nya saka ko ito pinunit .

Binuksan ko ang bintana ng sasakyan ko saka ko ito itinapon .

Nang maitapon ko na sinara ko na ang bintana ko


Napasandal at napabuntong hininga nalang ako nang maitapon ko na yun




"Thankyou for the memories lorraine. Malaya ka na"


Sambit ko, At saka ko pina andar ang sasakyan ko.




Whooo. move on na kurt! Mahirap pero dapat kayanin mo shet.


Pakasaya lamang tayong lahat.


---


Pa like nang dp ko sa Fb ples thanks. Hahahaha

- Xander gwapo

Nang Dahil sa RPWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon