Chapter 2: No One Knows Me

24 0 2
                                    

[2] No One Knows Me

“Ms. Ramirez?”

“…”

“Ms. Ramirez?!”

“Ha!” , hanla si Ms. Catapang pala

“Ms. Ramirez what are you daydreaming at? Huh?”

“Ahh, no ma’am nothing”, sabay iling

“Alright then. Don’t do that in my class again. Well then, go to board and answer Test I of your assignment yesterday”

“O-Ok ma’am”,nauutal na gulat kong sabi

Geez. Kanina pa pala ako nakatulala at tinatawag. Si Ms. Catapang pa ang nakahuli sa akin e. Bakit naman sa lahat pa ng teacher e si Ms. Catapang pa. Naku naman!

Well, anong meron? Siya lang naman ang isa sa mga kinakatakutan na teacher dito sa Rauiela High. Sana hindi makaapekto sa conduct ko ito. Graduating pa naman ako.

Ayan tapos ko na sagutan ang Test I ng aming assignment. At bumalik na ako sa upuan ko.

“Thank You Ms.Ramirez.”, sabi ni Ms. Catapang ng makabalik na ako sa upuan ko.  “Next time don’t do that again. This shall serve as a warning to you, I guess.” Sabay tingin sa akin na sinundan ng tingin ng mga kaklase ko at lalo na ni Alaine.

Yup, si Alaine lang na best ko kasi si Jaira at Lorrayne ay nasa kabilang section.  Well dito kasi sa school na ‘to, sa tuwing graduating na pinaghihiwalay ang mga magkakatropa at palaging magkakasection.

“Ang galing talaga ni Saira no? ”, sabi nung isa kong kaklase

“Oo nga e, kahit nakatulala lang siya diyan e nakakasagot”, sumbat naman nung isa

“Kahit yata hindi yan making e alam parin niya ang pinagaaralan natin”, sumbat pa nung isa

“Huwag kayo maingay baka marinig tayo ni Ms. Catapang”, babala pa nung isa

Nagbubulungan pala sila. Akala ko nagpaparinig at naghihintay na matawag di ni Ms. Catapang e.

Hindi niyo pa ako kilala no? Kilala niyo lang ako sa pangalan at edad. Magpapakilala ulit ako tulad nang pagkakakilala sa akin ng mga taong nakapaligid sakin.

Ako nga pala si Saira Ramirez. 12 y/o. Nag-aaral dito sa Rauiela High recently Grade 6, graduating? Yes, as obvious. Since Kinder na ako dito. Well, it had been 8 years, yeah, 8 years nang nandito sa nakakasakal na buhay. Well, kilala ako mula pa noon bilang isang

>matalino

>nerd

>mabait

>tahimik

>mapagkumbaba

>mahina

>responsable

>mahinhin

>walang lovelife

>NCSB

Iyan ang pagkakakilala sa akin ng karamihan…

WELL, my emphasis ang NCSB. Bakit? Ewan.  xD

So kilala niyo na ako?

Yeah, I think so…

But those are traits na kilala ako ng iba.

Well, yun na ang tumatak sa kanila

Yun na ang pagkakakilala ng marami sa akin

Dahil doon yun na rin ang nakasanayan ko

Yun na ang katangian na sinubukan kong pinanindigan

Yun ang mga katangian na ninais ko nang paburan, para masanay ako tulad ng pagkakakilala nila sakin

Yun ang mga katangian kung bakit hindi naging normal ang buhay ko

Oo, mula pa man noong bata ako ganito na ang buhay ko

Malaki ang expectation sa akin ng mga tao sa paligid ko

Maraming matang nakaabang sa bawat hakbang ko

Maraming naghihintay sa pagkakamali ko

Maraming nagkukunwari

Maraming pinakikisamahan

Iyan ang buhay na aking sinubukang lagpasan

Iyan ang buhay ko mula pa man noon

Isang pagkatao na alam kong hindi ako

BAKIT?

Dahil, parang may mali.

Yung mistulang parang hindi ganito ang buhay na gusto ko.

Hindi ito ang buhay na MASAYA ako.

No Crush Since Birth is Officially Closed [NCSB-IOC] (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon