**School
“Guys, mauna na ako sa baba ha, tignan ko pa kasi task ko ngayon e”, saad ko kina Alaine bago ako dumiretso sa baba
“O, Sige”, sagot ni Alaine
Task?
Part kasi ako ng Student Council namin, at every week may iaasign na task sayo,
OD- Officer of the Day- yung magchecheck ng mga late, improper uniform etc.
Mic- yung magsaalita sa mic among the whole student body
Bell- yung magriring ng bell pag time na magbreak, pumila, o magdismiss
Rounds- yung magpapababa ng mga staying sa kanikanilang classroom
Stairs- yung magbabantay sa staircase tapos mananaway sa maiingay
<higpit no? kahit saan may nagbabantay>
Mahirap? Medyo. Ok lang may week-off naman e.
~~~First Floor
Nanghinahanap ko ang task ko nakasabay ko si Angel
*Si Angel Lopez kaklase ko, part ng student council, president namin, kaibigan ko daw dati,(dati?daw? haha kasi hindi ko naman feel yung presence niya as a friend e. Such a bully siya actually), so demanding, bossy, chikadora, basta I can sense a dark side. Yun lang ang masasabi ko *
“Saira, rounds ka”, sabi niya sa akin nangmakita niya ang task ko
“Ahh, ok, thank you”, sabi ko
“Pakisabihan na rin si Daniel Guevarra, na OD siya ngayon”
“Ha? ” ako?!, geez!!! “Ahh e sige”
“Thank You ” sabi niya ng akmang aalis na
“Wait, Angel” tapos lumingon siya “Asan si Daniel?”
“Nandoon siguro sa room nila tignan mo nalang pagnagrounds ka” sabi niya
Eh?! Ako talaga! Kainis!!!!!!
“Sige bye puntahan ko na sila Cham”
Wala siguro siyang task!
Ano ba yan?
Makapag-rounds na nga. KAINIS!
Nang makarating na ako sa 3rd floor ay nakita ko sa classroom niya si Daniel
Ang awkward naman nito. babae ang tumatawag sa lalaki, ang dami pang tao sa classroom nila.
‘Saira kaya mo ‘to.’kalma ko sa sarili ko
Katok muna
*tok* *tok* *tok*
“Kuya Daniel?”
Hay bakit lumabas yung kuya?! Tss. Kakahiya e. masyadong FC.
Lumingon sila sakin lahat ng mga katropa niya at medyo tumigil sa pagtawa mula sa di naman yata nakakatawang topic
Ehh? Ang dami na palang Daniel Guevarra ngayon?
“Kuya DANIEL” with emphasis kasi ang dami nilang nakatingin e. yun bumalik sa pagkukwentuhan nila ng marinig yung diin ng pangalan. Kasi naman hindi pangalan lumilingon. Yung totoo?!
Sabay tingin sa akin ng ‘ano-yun’ look
“Ahh- e- OD daw po kayo ngayon”
“OD ako ehh?”
Ayaw pa maniwala e. mukha ba akong nagsisinungaling ha?
“opo”
“ahh e sige thank you”
BINABASA MO ANG
No Crush Since Birth is Officially Closed [NCSB-IOC] (ON HOLD)
Romance"No Crush Since Birth ", yan ang tawag sa kanya ng mga tao.... wala siyang pakialam sa sasabihin ng iba basta ayaw niya matulad sa iba na masasaktan lang sa huli pero what if, pumasok na siya sa complicated world at makakilala ng tao na sisira sa sc...