Chapter 2: A new day

31 0 0
                                    

Pagkagising ko ng umaga, agad akong pumasok sa banyo at nag-ayos. You know, mga laging ginagawa ng estudyante bago pumasok ng eskwelahan.

Pagtapos nun ay kumain na ko at biglang nagtanong yung nanay ko na "ang aga mo yata magising. Anong bang nakain mo? e pandesal palang yung nasa lamesa." sabi ko naman na, "ayaw mo ba neto ma? sipag na nga ng anak mo ayaw mo pa? tas pag tamad ako sinesermonan mo naman." Sabay tawa kaming dalawa. teka, bakit nga ba ako nagmamadali? tas bigla nalang pumasok sa isip ko na may itatanong pa pala ako kay Dr. Lea.

Agad agad akong pumunta ng clinic pagkapasok ko ng school. Sa kasamaang palad, 3 days pa pala ako maghihintay para makita si Dr. Lea.

Kumaripas na ko sa classroom ko dahil malapit na magsimula yung klase. Habang naglalakad ako, madaming tumitingin sakin. Pano ba naman, May dalawa akong Band-aid sa mukha at halos pasa sa mukha at buong katawan. Andyan pa ang mga chismoso't chismosa. Mga magaganda at feeling maganda. Hay nako, buhay talaga nakakastress.

Sa di inaasahan araw, nakasalubong ko si James. Nagtinginan kami ng matagal na para bang nagyayaya kami ng away sa isat-isa. Hangga't sa biglang tumunog na yung bell at nagsitakbuhan na ang mga estudyante papunta sa kani-kanilang klase.

At ayun nanaman, Natapos nanaman ang walang kwentang araw. Natulog lang ako sa buong klase at bukas ay may mga changes DAW na mangyayari.

Ewan ko ba sa school na yun, napakadaming arte kala mo naman maganda. Hay life, nakakastress ka. 

Pagtapos ng klase ay umuwi na ko dahil di pa ganun kaayos ang pakiramdam ko simula nangyari yung kahapon. 

Di ko talaga alam kung anong gagawin ko. Andaming pumapasok sa ulo ko.

GUSTO KONG KUMAIN, GUMALA, MAGPC ALL DAY LONG, WATCH ANIME, WATCH K-NOVELAS. 

ahh. Basta andami. 

Sabay biglang may nagtext sakin at sya daw si.......

...........................

Little thing called "Ewan."Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon