Hi ako nga pala si Justine. Pero palayaw ko "tintin." para mas babae daw sabi ng aking mga kaibigan.
uhm. I'm 15years old. Matangkad, mahaba ang buhok, medyo boyish-type.
Nung bata pa ko, madalas ako tuksuhin na tomboy. Pano ba naman, Maluwag na pantalon at t-shirt ang palaging suot. At halos awayin ko lahat ng mga lalaki kong kaibigan.
Nagtuloy tuloy yun hanggang makaabot ako ng Elementary. Pero mukhang mas lumala. Halos makipagsapakan ako sa mga siga na lalaki sa school.
At may isa akong nakaaway dun at sya si "James." Pinakamayabang kong kaklase. Di kami magkasundo, hanggang umabot na di inaasahang pangyayari, ang pagsusuntukan.
"Ang yabang mo lang porket alam mong di ka papatulan ng mga lalaki." yan ang sabi sakin ni James. At sinabi kong "Baket? sinabi ko bang wag nila ako patulan?" hanggang sa nangyari na ang nangyari.
Tinulak nya ko at pinagsasapak sa mukha at sa tyan. Inaamin kong natatalo na ko at medyo hilo na dahil sa mga malalakas na suntok ni James. Napahiga ako sa sahig at may nagawat samin na isang babae. Pagkatapos nun nawalan na ko ng malay.
Pagkagising ko, puro puting kulay kagad ang nakita ko. Ang akala ko nasa langit na ko. Hanggang sa may lumapit sakin at sinabing "Gising ka na pala. Ok na ba ang pakiramdam mo?" at sinabi ko kagad na "Nasan po ba ko?" gulong gulo ako sa mga nanyayari dahil mukhang unang beses ko palang makapunta sa lugar na yun.
Sinabi nya na sya si Dr. Lea, ang naka-assign na doctor sa clinic ng araw na yun. pagkatapos nun ay sinabi nyang "Napasama ang pagkakasuntok nya sayo kaya ka nawalan ng malay. Ok ka na ba?" at sabe ko naman na "Ok na po ako. uuwi na po ako." tumakbo na ako at agad agad umuwi.
Paguwi ko, agad akong sinermonan ng nanay ko. Alam na pala nila ang nangyari dahil tumawag na ang principal sa bahay namin. pagkatapos ng pagkahaba-habang speech nya, tumigil din sya. Kumain kami at pagkatapos ay pumunta na ko sa kwarto ko.
Tinanong ko yung sarili ko, "Pano kaya ako natalo ng kupal na yun? e bading yun kumilos. Daig pa ang babae kung kumirengkeng. tsk. nakakabadtrip. May araw din yun sakin at............ Sandali, kung nahimatay ako, sino yung tumulong sakin na babae?" napatulala ako at sinabi kong "imposible namang si James kupal yun, ahh. basta! itatanong ko nalang kay Dr. Lea bukas." at kumaripas na ko sa pagtulog dahil pagod din ako.
BINABASA MO ANG
Little thing called "Ewan."
Short StoryHi! ako nga pala si Jasmin. At mahal ko si Yeng, Hayley, at si Chris Drew. Yun lamang at maraming salamat.