Kabanata 3

16 2 0
                                    


"Anong nangyari? Namumugto ata ang mata mo, sinaktan ka ba?" Umiling lang siya bago pumikit ng mataimtim saka ako tinignan habang dahan-dahang tumutulo ang mga luha niya.

"S-si Andrew, naghalfday kasi sumasakit yung pasa niya. His lips were swollen, naaawa ako sa kanya Micah." sabi nito saka umiyak.

"T-talaga? Grabe naman yung pinsan niya, ano bang pinagawayan nila at galit na galit siya kay Andrew?"

"P-pinsan?"

"Ang sabi niya, yung pinsan niya ang may gawa nun."

"Hindi pinsan niya ang may gawa nun Micah. Saksi ako sa pangyayari kahapon."

"Huh? What do you mean?" Nagtataka kong tanong.

Lumunok muna siya na parang hindi niya kayang sabihin. She's trembling. Takot na takot siya. "S-si Louie ang may gawa nun."

"A-ano?! That can't be!" hindi niya yun magagawa. Hindi talaga.

"Totoo Mic, during our CAT, pinahirapan niya si Andrew he even insulted him saka minura ng minura. A-alam mo namang okay lang ang magmura pag nasa CAT ka, lalo na if ikaw yung commander." umiiyak na sabi nito.

"Sabi niya may mga Trainee daw kaya matatagalan kayong makauwinng mga CAT."

"May mga trainee nga pero mga 30 minutes lang yung CAT saka pinauwi niya kaming lahat except kay Andrew. W-wala akong nagawa Micah, kasi mapapahamak din ako kung aawat ako sa pinaggagawa niya. Kaya after nung pinauwi niya kami, hindi ako umuwi." napalunok siya bago nagpatuloy. "It was already PM 6:30 ng makita ko sila sa likod ng building ng Grade 10. Kasama ni Louie yung mga barkda niya--"

"S-sila Kyle ba?" putol ko dito na ikinatango niya. Bigla niyang nilabas yung phone niya galing sa kanyang bag. "E-eto yung video." sabi nito at ini-play iyon.

Hindi masyadong madilim ang paligid kaya kitang-kita ko ang mga mukha nila.

May mga kasama silang Grade 11 at 12 na pinagtatawanan lang si Andrew na nakahiga sa sahig. Nandoon din si Kyle at yung iba pa niyang barkada. Marami sila.

Ngunit isang tao lang ang kumuha ng atensyon ko, yung lalaking nakangisi ngunit kitang-kita mo ang galit na nangingibabaw sa kanyang mata. Shit, si Louie!

Mas nangilabot ako sa sunod na nakita ko sa video, tinadyak-tadyakan ni Louie si Andrew habang umuubo na ng dugo si Andrew. Umiyak pa lalo si Melissa sa tabi ko habang pumipikit. Ngunit alam kong naririnig niya parin ang mga boses sa video kaya mas lalo itong napaiyak.

"Gago! Ano?! Sasabihin mo talaga sa kanya? Tinext-text mo pa talaga siya ah." galit nitong saad habang patuloy ang kanyang pagtadyak kay Andrew, nanunuya siyang tumawa bago nagmura ulit. "Motherfucker."

"S-she deserves to know the t-truth Louie!  W-wag mong ginagago s-si Micah!" Kapos nitong saad habang umuubo parin ng dugo.

Naiyak ako, shit! He's cheating on me? Hindi ako tanga para hindi malaman kung ano ang pinaguusapan nila.

Napakaga't ng labi si Louie at mas nanlisik ang mga mata nito. May dinukot siya sa kanyang CAT na bulsa at inilabas non'ang cellphone ko.

"At sa tingin mo papayag ako?" nanunuya ang kanyang pagkasabi nito. Hindi ko insahan ang kanyang ginawa, bigla niyang itinapon ang phone ko sa sementong sahig.  Sira-sira ito dahil sa tindi ng impact.

Ang sabi niya nahulog at natapakan ni Kyle. Hindi ganito, hindi ito. Nakita ko pang nagulat ang ang mga Grade 11 at 12 sa ginawa ni Louie, habang mataman at seryoso naman ang mukha ng kanyang kabarkada na parang inaasahan na nilang mangyayari iyon.

Tinignan ni Louie yung phone ko na sirang-sira. Kaagad nag-igting ang bagang niya, bahagyang tumagilid ang kanyang ulo na parang sinasabing may magligpit non' kaagad na pinulot Ito ni Almaden na Grade 12 na kilalang leader ng isang Frat.

Dito ko nalamang maimpluwensiya si Louie. Marami siyang kilala na akala koy hindi niya gugustuhing maging kaibigan dahil alam niyang bad influence to sa kanya. Ngunit mali ako, hindi ko pa talaga siya lubusang kilala.

"Stop being delusional with your hopeless actions Andrew, akin lang si Micah. Di' mo siya maaagaw." he said mockingly na nakapagigting sa bagang ni Andrew.

Sinubukang tumayo ni Andrew kahit pa namimilipit na ito sa sakit.Tinawanan lang siya ng mga kasama ni Louie habang mariin lang itong nakatingin sa kanya. Pinapanood kong ano ang gagawin nito.

"Hindi ko siya inaagaw Louie, I just wanted her to open her eyes. Dahil bulag siya, bulag siya sa katotohanan. At kung mamulat man siya, I'll be willing to spread my arms for her. For her to be mine, soon." ngumisi ito kay Louie,  dumilim ang mukha ni Louie. Hindi niya ito nagustuhan.

In just a nanosecond, sinuntok niya si Andrew na walang tigil. Mas umiyak pa si Melissa, nakita kong inawat na si Louie ng mga kabarkada niya, at biglang natapos yung video.

Napalunok ako at tumingin kay Melissa. "H-hindi ko tinapos yung pagv-video Micah. Masakit makita ang pangyayari. Masakit din yung sinabi niya, sobrang sakit." pumikit siya, alam kong dinadamdam niya yung sakit.

Wala akong masabi sa mga nangyayari. Nanatili akong tahimik habang nangingig ang mga kamay ko sa takot at galit...

XXXX

Vote and Comment please ☺☺

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 12, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

His TerritoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon