Kabanata 1

57 2 5
                                    

"Micah sama ka bukas?"

Tanong ng kaklase ko, napatingin muna ako sa aking relo bago nakangiting sinagot siya.

"Hindi muna. Preliminary examination na natin this monday, kailangan kong magstudy. Next time nalang Kath."

Sagot ko, napatango siya bago mabilis na nagpaalam at umalis sa classroom. Ako nalang mag-isa dahil inaayos ko pa ang gamit ko, tutal hindi pa naman tapos si Louie doon sa CAT. Exactly six pa sila matatapos, PM 5:36 pa naman.

Sinarado ko yung pintuan ng classroom at ini-on yung aircon,  nasa GYM yung mga CAT Officers and Louie was the commander. Malayo ang GYM dito sa classroom ko kaya umupo nalang ako sa aking upuan at itinext siya.

Sa room lang ako maghintay.

Umabot ng 10 minutes bago siya magreply.

Okay. Malapit na din kaming matapos.

Naggames ako sa phone ko dahil sa boredom, nalilibang ako sa nilalaro ko kayat hindi ko napansin ang oras.

Nang mag 25,000 yung pera ko sa Moy 3 napangisi nalang ako at muling tinignan ang oras.

It was already PM 6:38 ngunit wala pa rin si Louie, napakunot ako ng noo dahil sobrang late na pala. Kinuha ko yung bag ko at mabilis na ini-off yung aircon na lumalamig na at sinara ang classroom.

Being the president ng aming section I have a spare key besides sa aming adviser. I was about to click the key to lock the door ng may maramdaman akong mainit na presensya sa aking likod.

"Hey."

Nilingon ko ito at ngumiti sa kanya.

"Oh, hi."

Sagot ko. Suot niya parin yung lower part uniform ng CAT habang nakasuot naman siya ng bluegreen na T-shirt.

"Asan si Louie?"

Tanong ko. Napakagat ng labi si Andrew bago may narinig kaming lalaking tumatawa kasama ang isang kapwa CAT. Si Louie at Leanna.

Nalihis bigla ang pagtawa ni Louie at mabilis na nakarating sa amin ni Andrew, madali niyang nahapit ang aking bewang gamit ang kanyang kaliwang braso.

Kaagad kong naamoy ang bango niya, Shit, ang bango parin. "Bakit ang tagal mo?" kagat-labi kong tanong.

"Shower babe." He stated while staring at Andrew. "Hindi ka pa uuwi Torres?" malamig niyang tanong kay Andrew, kumunot ang noo ni Andrew at nakita kong umigting ang kanyang panga habang nakatitig kay Louie pabalik sa akin.

"Una nako Micah."

"Sabay na ako sayo Andrew."

Saad ni Leanne, bago matamis na ngumiti kay Andrew. Umigting uli ang panga ni Andrew bago tumango kay Leanne.

Napatingin ako kay Louie na nakatitig lang sa akin, napagmasdan ko yung ayos niya.

He's wearing a white v-neck shirt na medyo gusot-gusot at yung pambabang CAT uniform. Basa yung buhok niya at sobrang pula nung labi. Napangisi ako, ang sarap halikan.

"What?"

Taas kilay na tanong nito.

"Ang pula ng labi mo, naglipstick ka?" Nakangisi kong tanong.

Dinilaan niya lang yung labi niya at hindi na sumagot. Ang suplado.

Hinatid niya ako sa sakayan ng jeep. Hindi kami legal sa parents namin pero legal kami kung makapaglandian sa school.

"Pag nakita mo yung sasakyan, sumakay kana okay?"

He said while caressing my hair. Tumango ako at tumayo sa sakayan ng jeep. Nagjog siya papunta sa itim na sasakyan hindi kalayuan sa sakayan ng Jeep, ng makita ko  na umilaw yung sasakyan sumakay na ako sa pulang jeep na mabilis ding umalis nung nakasakay na ako.

Nasa kalagitnaan ako ng byahe at nakatingin lamang sa sasakyan na nasa likod nitong jeep na sinasakyan ko. Ang sasakyan nila Louie.

Nakarating ako sa bahay na safe  at napansin ang itim na sasakyan ni Louie na nakapark di' kalayuan sa bahay namin. Pumasok na ako sa bahay at nakasalubong si Yaya Matette.

"Oh, Micah. Andyan kana pala, pumunta kana sa kusina ready na ang dinner mo."

Sabi ni Yaya, "Napapadalas na ata ang paggagabi mo ng paguwi Micah, ni' hindi yan alam ng mommy at daddy mo ah." saad ulit ni yaya.

"Ya, nagpractice po kami ng sayaw. Project namin sa Mapeh." pagdadahilan ko nalang.

"Naku Micah ah, Grade 8 ka palang tandaan mo yan.Ewan ko nalang anong mangyayari sayo kung Grade 9 kana. Baka nagboyfr--"

"Ya hindi po. Nagaaral pa ako." napalunok nalang ako sa sarili kong sagot kasi alam ko ang totoo.

***

Naligo ako ulit at humiga sa kama kahit medyo basa pa yung buhok ko. Naramdaman ko na ang pagbigat ng aking pilik-mata dahan-dahan na akong napapaidlip ng biglang umilaw yung screen ng cellphone ko.

I thought it was Louie pero iba yung sender.

He's not what you think he is Micah, lalaki si Louie. Nagpapadala rin sa temptasyon.

It was Andrew, may mga pumapasok sa isip ko about sa message niya pero ayokong magconclude kaagad lalo na kung negative ito at masakit tanggapin.

His TerritoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon