Pumasok ako sa classroom ng late, ngunit wala pa namang teacher nung naabutan ko. Nagising kasi ako ng alas dos ng madaling-araw, pinilit kung matulog muli ngunit ayaw na ng mga mata ko. Nung nag alas singko na, doon ko na nafeel na gusto kong matulog ulit kaya ayun..."Micah! Ba't late ka? First time in the history ata yan." salubong sa akin ng kaklase kong lalaki na si Michael. Ngumisi lang ako sa kanya, First time naman kasi talaga. Hindi pa ako nalate simula nung magHighschool ako. At isang beses lang akong umabsent nung Grade 7 pa yun nung nagkadengue ako, mabuti nalang at Friday yun at naagapan naman.
"Pumunta dito si Louie nung advisory period, di' ka daw niya nakita nung Flag ceremony. Alalang-alala yung mukha na parang iiyak." nakangising saad ni Ella habang sinusuklay ang buhok niya.
Naramdaman ko ang paginit ng pisngi ko kaya tumango nalang ako sa sinabi niya saka dali-daling umupo sa armchair ko dahil dumating na din yung CL teacher namin.
***
"Ba't wala ka kanina? Anong nangyari?"
Bahagya akong napatalon sa gulat ng marinig ang malamig niyang boses. Sinilid ko muna ang phone ko sa bulsa ng aking palda bago siya hinarap.
"Nalate ako ng gising." sagot ko habang mataman siyang pinagmamasadan. As always magulo ang buhok niya na parang nirape ng mga babae habang malinis naman kung tignan ang kanyang uniporme pababa sa kanyang slacks hanggang sa makintab at itim niyang leather shoes.
"Bakit?"
"Anong bakit?"
"Bakit hindi ka nakagising ng maaga?" kitang-kita sa ekspresyon ng kanyang mukha na gusto niyang marinig ang sagot ko. Napangisi ako.
"May kausap kasi ako sa phone magdamag."
Mataman niya lang akong tinignan sandali sabay sabing, "Tara na sa puno." Saka ako tinalikuran.
Di' ko maiwasan mainis. Ganun-ganun nalang yun? Shit lang ha, hindi ko pa talaga siya nakitang nagselos. Parang okay lang sa kanya.
Recess kaya nandito kami sa Puno na tambayan naming dalawa. Walang tao dito at parating kami lang dalawa dahil likod ito ng Grade 7 building. Kahit may gawin kayong kababalaghan ng BF mo, okay lang kasi walang pumupunta dito. Pero hindi kami ganyan, pareho naming nirerespeto ang isa't-isa.
"May number ka ni Kyle?" biglang tanong niya.
"Oo, bakit?"
"Pahingi nga di' ko kasi nakuha kanina, nakalimutan ko. Kagrupo ko kasi siya sa reporting this Thursday." sabi niya. Tumango lang ako saka binigay sa kanya ang phone ko.
Ganyan siya ka-conscious sa grades niya, as a Top 1 overall in Grade 10 kelangan umangat siya. Mapagroupings pa yan or or individual.
Marami akong kilala sa mga higher levels lalo na sa mga popular students kaya ako may number nila. Sumasali ako sa mga events sa school kaya mabilis din akong makahakot ng atensyon. UN, Eloquence, Quizbowl at iba pa.
Busy ako sa pagkain ng bigla siya magsalita. Ten minutes nalang at magb-bell na.
"Ihahatid kita sa sakayan ng jeep, matagal ang mga CAT ngayon makakauwi. May mga trainee kasi."
"Okay." sagot ko nalang.
Maya-maya naglabas siya ng sigarilyo. Sinindihan niya ito kung kaya't nanlaki ang mata ko.
"Nagsisigarilyo ka?!" di' makapaniwalang tanong ko.
Tumaas ang kilay niya bago ako inirapan. Na parang sinasabing Hindi-Ba-Halata-Look na pinasarcastic way.