Magkahalong emosyon ang nararamdaman niya nang mga sandaling ito. Hindi niya alam kung magiging masaya siya o magiging malungkot. It was her first day in Summerville University School of Medicine, pero ngayong araw din umalis papuntang Dubai ang kanyang ama. Apat na taon ang kontrata ng kanyang ama bilang isang electrician doon pero puwedeng umuwi isang beses sa isang taon. Nangangahulugan ito nang pamumuhay niya kasama ang stepmother at ang dalawa niyang stepsisters na nakitaan na niya agad nang hindi maayos na pakikitungo sa kanya sa loob lang ilang lingo niyang pagtira sa bahay ng mga ito.
She heaved a weary sigh. She knew that she had no choice. She had to live with Blesy, Charity and Grace for the next four years without her father. Kung hanggang kailan niya kakayanin ay hindi niya alam. What she knew was that she had to hold on her dreams. Kahit ano'ng hirap ay kakayanin niya alang-alang sa katuparan ng kanyang mga pangarap. Alang-alang sa pangako niya sa sarili at sa namayapa niyang lola.
Pero kungsabagay, hindi naman siya talaga nag-iisa sa lungsod na ito ng Baguio. Narito si aunt Portia na mabait at totoong nagmamalasakit sa kanya. In fact, nilakad nito na sa library siya mapa-assign bilang student assistant upang makasama nito. Mamaya pang after lunch ang duty niya sa library, kailangan muna niyang mag-attend ng first period niya. She glanced at her registration form. Psychology ang first subject niya under Mr. Camara, room 110.
Nervously, she went inside the classroom. Marami nang estudyante sa loob pero wala pa ang professor. She knew that most of them were freshmen like her. At dahil occupied na ang lahat ng upuan sa bandang gitna at likod, sa unang hanay ng mga upuan siya napapunta. There were five chairs on the first row. Four chairs were already taken, she sat on the vacant one. Napansin niya ang apat na kaklase na nakaupo sa unang hanay. They were all girls, staring and smiling at her.
"Hi!" she shyly smiled.
"Hi!" The cute girl beside her answered. She noticed her lovely pair of eyes. "Ako si Denzell." She offered her small hand to her for a hand shake. Malugod niyang tinanggap ang pakikipagkamay nito. "Siya naman si Jera," sabay ni Denzell sa katabi na maputi at kulot ang buhok. Kumaway at ngumiti ito sa kanya. "At siya naman si Rizzan," pakilala nito sa katabi ni Jera na may masayahing mukha. "At iyon namang nasa dulo ay si Teri."
"Hello sa inyong lahat," she widened her smile. "Ako naman si Cinderella, Elay for short. Bago lang ako rito sa Baguio, I mean bagong sampa."
"Taga-saan ka, Elay?" tanong ni Teri na medyo nilakasan ang boses para marinig niya. Maingay na kasi ang ibang estudyante.
"Taga-Cavite ako. Tagarito kasi ang papa ko kaya ditto ako mag-aaral."
"Talaga?" si Jera ang nagsalita. "Wow! Cavitena ka pala, Elay. Ang gaganda pala ng mga taga-Cavite."
"Welcome to the club, Elay. Tropa ka na namin,ha? Iyon ay kung okay lang sa iyo?"
"Of course, okay na okay. Gusto ko rin kayong maging kaibigan," masayang tugon niya.
"I like your name, Cinderella," si Denzell uli. "Sana, matagpuan mo si Prince Charming dito sa Baguio." Sinundan nito ng hagikhik ang sinabi. Nagkatawanan silang lahat.
She couldn't erase the smile on her lips. Paano naman, ilang minuto lang ang nakakalipas ay heto at may instant circle of friends na siya agad. Mukha naman silang mababait at tila makakapalagayang-loob niya agad.
BINABASA MO ANG
CINDERELLA IN THE CITY (Published)
Teen FictionShe is the girl who finds her place in this world... He is the boy who finds a place in her heart...