Chapter 18.1

1.2K 43 16
                                    

Ngayon ay kausap ni Ella si Jerod sa library. Tapos na ang duty niya at naghahanda na siya pauwi nang lumapit sa kanya ang binata at nakiusap na mag-usap sila.

Kakaba-kabang sumunod na lang siya nang niyaya siya nito sa sulok ng library. Mabuti na lang at wala nang estudyante sa loob dahil hapon na.

Isang maamong Jerod ang kaharap niya ngayon. Malayo sa dating Jerod na mayabang at mapagmataas.

"I'm sorry for what I've done to you, Ella. I know I had been very mean to you, pero sana mapatawad mo ako."

Wala sa loob na hinila ni Ella ang dulo ng kanyang buhok at ipinulupot iyon sa dalawa niyang daliri. Ninenerbyos na naman siya kung kaya ginagawa na naman niya ang kanyang mannerism.

"You should say sorry to Grace and not to me. Balita ko'y you broke up with her," sabi niya ngunit napansin niyang hindi sa sinabi niya nakatuon ang tingin ng binata. Nanlalaki ang mga mata nito na nakatingin sa kanyang ginagawa.

"I broke up with her because I never loved her. Ibang babae ang minamahal ko. Sabi nito na nakatingin pa rin sa kanya. "My God, you could be that girl," tila hindi nakatiis na bulalas nito.

"What?" Namutla siya. "B-bakit mo naman nasabi iyan?"

"Your mannerism. Ganyan din ang ginawi ng babaeng kasayaw ko noong party nang tinanong ko kung ano ang pangalan niya."

Nagulat siya nang bigla siyang hinawakan ni Jerod sa magkabilang balikat. "Ikaw ba ang babaeng iyon?"

"A-ano ba ang sinasabi mo? How could I be that girl? Wala ako sa party ng gabing iyon."

Jerod shook his head. "I don't know the reason why you're denying but I have my way to know."

Bigla siyang kinabig ng binata at mariing hinalikan sa labi. Nagulat man ay napapikit siya nang maramdaman muli ang tamis ng halik mula sa lalaking lihim na minamahal.

Hindi niya alam kung gaano katagal ang halik na iyon hanggang maramdaman niya na dahan-dahang inilalayo ni Jerod ang mukha sa kanya. Namumungay ang mga mata nito nang muling magsalita. "My God. How could I be so blind. Noon ko pa pala natagpuan ang babaeng mamahalin ko ngunit naging bulag ako. Bakit hindi mo agad sinabi sa akin na ikaw pala ang babaeng iyon?"

"I was afraid, Jerod," kandautal na tugon niya. "Natakot ako na pagtawanan mo ang isang mahirap na babaeng katulad ko. Sa simula pa lang ay galit na galit ka sa akin sa hindi ko malamang dahilan. How much more kapag nalaman mo na ako pala ang babaeng iyon."

"Inaamin ko, I hated women for quite some time. At isa ka sa mga babaeng iyon dahil sa koneksyon mo sa foundation ng aming pamilya. Sa foundation na iyon nagsimula ang pagkamuhi ko sa mga babae but I can change, Ella. Magbabago ako para sa iyo."

"Jerod?"

"Alam kong hindi magiging madali para sa iyo ang patawarin at tangggapin ako dahil sa mga atraso ko sa iyo. But I will prove to you that I can change. Just give me a chance, Ella."

Parang musika sa kanyang pandinig ang mga sinabi ni Jerod.

"I love you, Ella. Nang gabing iyon na isinayaw kita at hinalikan, alam kong mahal na agad kita. Funny. But I am willing to love you forever. "

Napahikbi siya. Hindi pa rin makapaniwala sa mga nangyayari. Narito ngayon sa harap niya ang lalaking parang imposibleng mahalin at magmahal. Pero heto ito ngayon at buong pusong nagpapahayag ng pag-ibig sa kanya.

"I love you too, Jerod," binigkas din niya ang matagal na niyang gustong sabihin sa binata.

Kumislap ang mga mata ng binata tanda ng kaligayahan. Siya man ay masayang-masaya rin. Ngayon lang uli siya sumaya nang ganito mula nang pumanaw ang kanyang lola.

Sukat doon ay niyakap siya ni Jerod. Ginantihan naman niya ito ng yakap din. Ngunit sa di kalayuan ay nahagip ng kanyang mga paningin si Denzell. Tahimik lang ito na nagmamasid sa kanilang dalawa. May lungkot ang mga mata nito.


CINDERELLA IN THE CITY (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon