Chapter 4.2

1.3K 51 3
                                    

"Last two minutes," announcement ni Mr. Camara sa tono na parang nasa basketball. Lalo siyang nataranta. Pikit-matang lumapit siya sa lalaki.

"A-are you Jerod Villamore?" nanginginig pa na tanong niya.

"Yes," he answered flatly, his forehead still crumpled.

"Ahm, I just want to inform you that we are partners. We will introduce each other to the class as instructed by our professor."

His left eyebrow slightly raised. "So?"

Naramdaman niya ang pag-iinit ng kanyang magkabilang pisingi dahil sa nagbabagong inis pero nagtimpi pa rin siya.

"Do I need to tell you that you have to cooperate? Ang sabi ko,magka-partner tayo at ipakikilala natin ang isa't-isa sa klase ngayon din mismo."

"Really? But how? We don't know each other?"

Naramdaman na niya ang pag-akyat ng dugo sa ulo niya dahil sa sarkastikong tugon ng lalaki. Bigla'y parang naglaho ang kaguwapuhan nito. "How? Eh, hindi mo nga alam dahil late ka. Kaya nga ako lumapit sa iyo para i-explain ang gagawin natin."

"Sorry, but I don't talk to strangers,"kibit-balikat nitong tugon.

Wow! Hindi lang umakyat ang dugo niya sa ulo, kumulo pa ito nang bonggang-bongga. Para tuloy sasabog na siya sa sobrang inis.

"So, ganon? Dahil sa 'you don't talk to strangers', hindi ka na magpa-participate? At damay pa ako, ganon?"

"Kasalanan ko ba'ng ayaw kong makipag-usap sa hindi ko kilala?"

"Kasalanan ko ba'ng minalas ako na ikaw ang maka-partner ko sa letseng activity na ito?" Tumaas ang tono ng boses niya dahilan upang maagaw ang pansin ng propesor nila.

"Any problem, Miss Balagbag?" tanong nito sa kanila na akmang lalapit sa kanila ni Jerod.

"N-nothing, sir," ninenerbiyos na tugon niya. Hindi na itinuloy ng propesor ang paglapit sa kanila. When she returned her eyes to Jerod, he was waving something on his hand.

"What is it?"

"Identification card ko, gusto mo akong makilala? Nandiyan na ang lahat nang gusto mong malaman."

"ID? Dito ko kukunin lahat ng sasabihin ko tungkol sa iyo?"

"Oo. Bakit? Meron ka pang gustong malaman tungkol sa akin maliban sa pangalan at address ko?"

Inis na hinablot niya ang ID ni Jerod at padabog na tinanggal ang sarili niyang ID mula sa kanyang leeg. Iniabot niya ito sa lalaki. Parang walang anoman na kinuha nito ang maliit na card na iyon pagkatapos ay patay-malisyang binasa. Parang nakakalokong napangiti ito nang mabasa ang kanyang pangalan.

"Bakit? May nakakatawa ba?"

"Cinderella?" mahinang basa nito sa pangalan niya, bahagya pa ring nakangiti ang mga labi.

"Oo. Eh, ano ngayon?" inis na tanong niya.

"Ang dami namang pangalan, bakit Cinderella pa ang napili ng nanay mo?"

"Wala kang pakialam. At huwag mong isama ang nanay ko sa usapang ito."

"Okay. Bakit ba beast mode ka agad?"

"Dahil hindi ka nakakatuwa."

"Fine. I was not born to please anybody." He shrugged his shoulders, sarcastic smile was still plastered on his lips.

"Ikaw nga, eh ang ganda ng pangalan mo pero parang ang pangit ng ugali mo. Ang dami namang pangalan, pero bakit Jerod ang napili ng nanay mo na itawag sa iyo?"

Biglang nawala ang ngiti nito. Matalim na tumitig sa kanya ang singkit nitong mga mata. "Huwag na huwag mong isasali sa kahit na ano'ng usapan ang mommy ko."

"Ah, ganoon ba? Well, quits!" Pagkasabi noon ay agad siyang bumalik sa kanyang upuan, dala ang ID ni Jerod.

Pagkaupong-pagkaupo ay agad niyang binasa ang mga nakasulat sa ID.

Name: Jerod L. Villamore

Birthdate: March 17, 1997

Address: Lot 14 Blk 70 High Grove St, Baguio City

Course: BS Biology - Second Year

Parent: Dr. Pete R. Villamore

Napanganga siya. Muntik pa niyang mabitiwan ang hawak na ID.

She binked her eyes several times. Diyata't si Jerod Villamore na ubod nang yabang at suplado ay anak ni Dr. Pete R. Villamore? Ang may-ari ng Summerville University School of Medicine?

She slowly turned her head to see him. Tahimik lang ito at hindi nakikipag-usap kahit kanino. Tila may sariling mundo ito at walang pakialam sa nangyayari sa paligid.

Hindi lang pala ubod ng yabang ang lalaking ito, ubod pa ng yaman. Nakaramdam siya ng panliliit ng sarili dahil sa naging pagtataray niya rito kanina.



CINDERELLA IN THE CITY (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon