Ako si Marie andito ako ngayon sa airport sa NAIA! Actually paalis na ako papuntang america para makita ang father ko at makasama. Nakakalungkot isipin pero my part sakin na ayoko umalis dahil ang dami kung mamimis. na alam ko di ko makikita sa america! ang bahay namin, ang dalawang ate ko, mga pamangkin, mga kaybigan ko,paborito kung palabas at syempre ang kwek-kwek, fishball, squid/chicken balls, hotshots, barbeque(ihaw-ihaw) at ibat ibang masasarap na street foods.
Simple lang naman kasi ako mababaw lang kaligayahan ko. ang makitang lahat ng mahal at mahalaga sa buhay ko na masaya! Oks na ako dun!
Sa pag punta ko sa america di ko alam kung anung naghihintay sakin maliban ky papa at sa aking step mom! Naway di maging madugo ang mga usapan at maintindihan ko naman sana sila!
Well ganto lang yun di naman gera ang pupuntahan ko pero im not to good in english masyado hahaha... english barok hahaha... Di ko first time sumakay ng airplane nakasakay an ako before ng mag bora kami, Yes baby bora as in B-O-R-A-C-A-Y. Ang pinagkaiba lang im alone sa byahe at wala akong kakilala. di paman lumilipas ang isang oras namimis ko na lahat ng naiwan ko especially ang boyfriend ko na si rowel lalo pa magkaka baby na kami. pero kelangan ko piliin ang umalis para samin din naman kasi ito. naway maging ok ang long distance relationship kahit pakiramdam ko di ito uubra. paniniwalaan ko nalang ang kasabihang "pag tunay kang mahal magiging tapat ito at totoo" naks naalala ko pa mga pangaral ng bestfriend ko :)
----
Makalipas 6-8 oras na byahe finally im here. lakas ng kaba sa dibdib ko lalo na ang kaba sa tyan ko doble ang tention dahil di pa alam ni papa ang kalagayan ko ang kinakatakot ko pano ko aaminin na my kasama ako sa byahe. alam ko magagalit sya dahil ang mga ate ko my pamilya na at ako ang bunso, ang pinakamagandang bunsong anak nya. hahaha charot lang. pero syempre seryoso iniisip ko palang pag sinabi ko sa papa ko na. Pa buntis ako ang ama naiwan sa pinas, parag ang pangit naman at baka mamaya masakal ako ng papa ko or worst mawalan sya ng malay sa sasabihin ko. pano ba naman ikaw ba magkaanak na kasing ganda ko diba e nainlove lang ako at nadala ng simoy ng hangin nun panahon na yun. Kaya ang calendar method na yan hay naku 30% of fact lang yan. di kasi umubra. Well dmai kung iniisip hanggang sa pag labas ko papunta sa waiting area. Lingon sa kanan, kaliwa hinahanap sila papa at si step mom ko kaso di ko sila makita. di kaya iba ang istura sa webcam sa personal pero ang lukso ng dugo pwede ko ba maramdaman ngayon. bukod sa kinakabahan ako nagugutom nadin ako at ang baby ko. Maya maya pa ay nakita ko na ang isang malaking papel na my nakasulat "MARIE JOYCE VILLACORTA" well that's me agad akong lumapit ayun nga si papa kaya pala naka bonet kasi kaya di ko namukaan hahaha. si papa di nagsasabing kabilang pala sya sa bonet gangster hahaha... sa sobrang saya ko agad akong napayakap sakanya finally its been morethan 10 years ng huli ko makita si papa. naiiyak ako sa tuwa. ayun nakilala ko nadin ang aking step mom. mabait naman sya, hopefully first impression last. habang papunta na kami sa sasakyan nagtanong si papa "Anak nasan mga bagahe mo?" Napaisip ako oo nga asan na mga bagahe ko, "ay Lechugasdepatatas asan nga ba yun?" "Hala 22 palang ako pero ulyanin na ako anu ba yan. san ko ba yun... hanggang sa maalala ko ng makita ko sila papa at step mom nabitawan ko. shitzu naman magagalit nito sakin si papa e. agad kami bumalik sa waiting area. nagtanong tanong duduguin na ata ako dito english kasi."hello mister, may i ask have you seen my bag its color pink with black lining, you know and a jansport color black and 2 boxes color brown, you know!" di ko na alam if tama mga english ko. bahala na mahanap lang. makalipas ang 30minutes na paghahanap wala padin. di pwede to wala akong pangpalit mga pasalubong at mga pocketbooks ko ohmygooood... maya maya lumapit si papa nakita nya kasing nakaupo ako sa waiting area. "Anak nahanap mo ba?", Di ko alam anu sasabihn ko ky papa, "a-e-i-o... papa s-sor-sorry po nawala ko po mga gamit ko". di ko na napigilan ang luha ko. agad naman sinabi ni papa wag ka magalala nakita nanamin ng tita mo kelangan lang i confirm na gamit mo yun. Aba ok din pala dito di tulad s a pinas pag nawala wala na talaga pero dito my pag asa pa. agad kami pumunta sa lugar na sinasabi ni papa. Maya maya napatalon ako sa tuwa. "Papa ayun nga mga gamit ko". ang saya epic man kanin masaya naman kasi nabawasan ang isipin. pagkakuha ng gamit ko agad na kami umalis. byahe nanaman maya maya ay nakatulog na ako sa byahe....
"Anak gising na, andito na tayo sa bahay natin." Pag mulat ko ng mata agad na bumungad sakin ang sobrang lamig grabe lang mas malamig pa ito sa bagiuo city. pinagkaiba lang dito di maingay. tahimik parang walang katao tao sa paligid. freaky masyado. well pag pasok ko sa loob. jumpstart ang peg ko sa eksena ng magulantang ako sa mga nakita ko at narinig. "WELCOME MARIE JOYCE TO AMERICA" HOLA talagang my ganto maya maya napansin ko mga pinsan ko ang karamihan at iba naman ay mukang vietnamese and mga american, OH MY GOD! english mode please activate now na! halos lahat binate ako beso beso yakap and everything chika chika parang ang mga nasabi ko lang ata "hi, hello, yeah, umm. ah, yup, yes..." not bad to start naman pero anung gusto nilang sabihin ko tagalog e puro sila english english. kadugo ng utak. Hay sana pala nun nagaaral pa ako nagpaka major english sana ako... ayun matapos ang mga batian syempre kainan na. habang nasa hapag kainan napansin ng mga pinsan ko na bakit parang my kakaiba sakin agad kung tinaas ang zipper ng jacket ko to cover up "No, Im ok im just hungry". Nalimutan ko na sa sobrang tuwa ko na mahahalatang im preggy baka masira ang pa welcome pag nalaman nila pero gang kelan ko to itatago hayz... kaka pressure pero ayoko muna mag isip mahahagard lang ako. after a short prayer syempre kainan na ayun ang saya kahit papano pero mejo nakaka homesick ng konti kamusta na kaya ang mga kapatid ko, mga pamangkin, mga kaybigan at syempre ang rowel ko... Matapos ang mga kwentuhan at kainan nun gabi na yun syempre oras na para magpahinga hinatid ako ni papa sa kwarto ko pag bukas nito nanibago ako dahil ang kwarto ko sa pinas ay puro muka ni avril lavigne kahit san ka mapalingon. dito plane color light blue my sarili akong tv and dvd player also computer, guess what apple mac first time ko makakagamit ng ganto agad na nilapag ni papa mga gamit ko "Anak magpahinga kana maaga tayo bukas mag mamall tayo"Pagkasara ng pinto agad akong humiga dinedma ko muna mga gamit ko at kelangan ko ng magpahinga. Well Lord ikaw na bahala sakin dito. bless me and my baby. tomorrow is a new start! Goodnight America... :')
To be continue....

BINABASA MO ANG
Marie's Choice (SlowUpdate)
Non-Fictionchoosing Pride over Love is not an option its a choice!