We started off as strangers and now we're friends. And sadly, hanggang dun nalang talaga yun.
Hindi ko nga alam kung bakit sa dinami-dami ng tao sa mundo. Sa kanya pa ako nagka-gusto.
Bakit kasi kay Jisoo pa?
Ang hirap mag-panggap na okay —kahit hindi, sa tuwing magku-kwento siya tungkol sa mga nagiging girlfriend niya.
Ako naman si tanga, todo advice pa sa kanya kahit masakit. Ano naman ba kasing karapatan kong magalit? Magkaibigan lang kami. At hindi tama 'tong nararamdaman ko para sa kanya.
*buzz*
Nag-text si Jisoo. Magkita daw kami sa SVT Park. Nag-reply ako na hindi ako makakapunta dahil may gagawin ako kahit na wala naman talaga. Napag-isip isip ko kasi siguro kailangan ko muna siyang iwasan para hindi na lumalim pa yung nararamdaman ko sa kanya.
Maya-maya nag-vibrate na naman yung cellphone ko. Si Seungcheol naman yung nagtext. Sabi niya magkita daw kami sa SVT Cafe. Cafe siya sa SVT Park. Nagreply ako at sinabing papunta na ako.
Si Seungcheol, siya yung isa sa mga manliligaw ko. Sa lahat ng nanliligaw sa akin, siya yung pinaka-gusto ko. Sweet kasi siya at gentleman. Masarap din siyang kasama kasi ang taas ng sense of humor niya.
Pero iba pa rin si Jisoo. Aish, nakakainis. Jisoo na naman.
Pagdating ko sa SVT Cafe, nandun na si Seungcheol. Nung makita niya ako, bigla siyang ngumiti at kumaway. Kaso parang may iba. May halong... lungkot? Ewan. Hindi ako sigurado.
Lumapit ako sa kanya. Inalalayan niya ako sa pag-upo. Gentleman talaga.
"Kanina ka pa ba?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi naman. Nung sinabi mo lang na papunta ka na, tumakbo agad ako papunta dito. Nakalimutan ko kasing sabihin yung oras, e. Dapat mamaya pang hapon." Paliwanag niya habang nakangiti.
Napatango nalang ako sa sinabi niya. Nag-order na kaming dalawa. Sabi niya, siya na daw magbabayad. Sabi ko, ako na. Lagi nalang kasi siya yung nagbabayad kapag nagkikita kami. Hindi siya pumayag at pinilit na siya nalang. Wala naman akong magagawa kaya um-oo na ako.
Habang hinihintay yung mga in-order namin. May iniabot siya sa akin na maliit na box.
Pagbukas ko, nakita ko yung kwintas na gusto ko dun sa isang shop sa Pledis Mall. Diamond necklace siya. Maliit lang pero maganda. Matagal ko nang gustong bilhin yun pero hindi sapat yung pera ko.
Paano nalaman ni Seungcheol na gusto ko yun?
"P-paano mo nalaman?" Gulat kong tanong sa kanya.
"Kasi sa tuwing dumadaan tayo sa DL Shop, nakikita kong tinitignan mo yan. Syempre alam mo naman na mahal kita, kaya naisipan kong bilhin yan." Sabi niya. Lumapit siya sa akin. Kinuha niya sa kamay ko yung kwintas at isinuot sa leeg ko.
Tinignan ko yung kwintas habang suot ko. Ang ganda talaga.
Bumalik siya sa upuan niya. Tatanggalin ko na sana yung kwintas ng pigilan niya ako. Napakagat ako sa labi ko. Gustuhin ko mang tanggapin 'to hindi pwede. Mahal kasi ito masyado at nakakapang-hinayang kung ako lang ang magsusuot.
"Hindi ko matatanggap 'to. Hindi ko deserve na bigyan mo ako ng ganito. Siguro mas maganda kung ibigay mo nalang 'to sa babaeng mamahalin mo."
Biglang dumating yung in-order naming pagkain.
Sumubo siya ng cake. "No, take it." Sabi niya habang nakangiti. Kumikislap yung mata niya katulad nung diamond sa kwintas. "Kaya ko nga binili yan, kasi alam kong gusto mo yan. Wala akong pakialam kung anong sabihin mo. Isa pa... huling regalo ko na yan." Pagpapatuloy niya. Mahinang sabi niya.
