PART 3: Mean (Meanie Couple)

38 2 1
                                    

Mingyu's POV

"Wala bang pamilya si Dino?" Tanong ko kay Wonwoo. Wala kasi akong maisip na topic habang naglalakad kami para bumili ng pagkain. At nagtataka din kasi ako kung bakit parang wala pang dumadating na magulang ni Dino.

Parang nagulat yata si Wonwoo sa tanong ko base sa mukha niya. Pero agad na bumalik sa normal yung mukha niya. Poker face.

"Okay lang kung ayaw mong sabihin. Sorry din kung bigla-bigla akong nagtanong." I said.

"No, it's okay. Siguro kailangan ko rin may pagsabihan nito. I can trust you right?"

Bigla naman akong kinabahan sa sinabi niya. "Oo naman."

Nakarating kami sa cafeteria ng hospital at bumili ng pagkain. Ilang minuto lang nakabili na din kami agad since kaunti lang ang mga tao. Napagpasyahan din namin na bumalik na sa kwarto ni Dino.

Habang naglalakad kami, bigla siyang nagsalita.

"I met Dino when my father introduced him to me. He's 8 years old at that time I think?" Sabi niya na parang inaalala pa yung una nilang pagkikita.

"Dino's parents died on an accident. May nakapag-sabi na sinadya daw yung nangyari. Then years later, I found out that..."

Hinihintay kong ituloy niya yung sasabihin niya.

"...yung mga namatay niyang magulang ay hindi niya totoong magulang. I don't know if Dino knew all of this kasi wala naman siyang sinasabi sa akin, and I chose not to open this topic because I know that even though they were not his real parents, he treated them as if they were his real parents."

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko o kung anong magiging reaction ko sa mga narinig ko. Pinili kong huwag nalang muna magsalita.

"I tried to investigate kung sino ang totoo niyang parents. I want him to know who his real parents are. Kasi ang bata pa niya para mawalan ng magulang. He's so innocent when I first saw him and until now, hindi nagbabago ang tingin ko sa kanya."

"Nakilala mo ba kung sino ang totoo niyang magulang?" Tanong ko sa kanya.

Nakita kong ngumiti ulit siya. Hindi lang basta ngiti, parang may halong galit? Agad naman na nawala 'yon. Ewan. Siguro imagination ko lang?

"Oo. Nalaman ko kung sino ang tatay niya... Walang iba kung hindi ang magaling kong ama."

Napangiti na naman siya. Pero ngayon nakita ko sa mga mata niya ang lungkot.

"Ang galing diba? Kapatid ko pala si Dino. At parang nag-iipon ng anak sa labas yung tatay ko. Nakakainis pero I can't blame him. Nagpapasalamat pa rin naman ako at kahit paano, binibigay niya yung mga kailangan namin. Nung una ko siyang nakilala, hindi ko siya masyadong pinapansin. Typical me. Akala ko kasi kung saan lang siya napulot ni dad. Naging magkasundo kami nung nagpaturo siyang mag-basketball sa akin. Nung nalaman kong magkapatid kami, nag-iba din ang turing ko kay Dino. Tinuring ko siyang kapatid at ganun din naman siya sakin."

Napangiti naman ako sa sinabi niya. Mabait naman pala siya eh. Nami-misenterpret lang siya ng mga tao. Sa school kasi, nakakatakot siyang lapitan. Parang palagi siyang galit sa mundo. Well, bukod sa mga close friends niya, wala na siyang pinapansing iba. Kaya siguro nung sinabi na kailangan ko siyang turuan natakot talaga ako.

"I feel like Dino already knew these things pero ayoko pa ring kausapin siya about this. Ang bakla kasi. Can you imagine that?" Tumawa naman siya. Pati tuloy ako natawa.

Seventeen (FanFic Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon