Nakasilip ako sa bintana at tinitignan yung mga taong naglalakad. Nakita ko yung love birds na naglalakad sa labas ng dorm namin. Sino pa ba? Edi si Jisoo at Jeonghan.
Simula ng nagkaaminan silang dalawa, ayun date dito, PDA doon. Ang sakit sa mata! Akala mo naman sila lang ang tao sa mundo na 'to tsk!
"Wonwoo! May naghahanap sayo!" Sabi ni Dino, kasama ko sa dorm.
Tinignan ko siya ng masama. Hindi talaga marunong kumatok 'tong batang 'to. Sa susunod nga, ila-lock ko na 'tong pinto.
"Hindi ka talaga marunong kumatok, Lee Chan." Pang-aasar ko sa kanya. Ayaw niya kasing tinatawag siya sa totoong pangalan niya.
"Hindi uso sa akin 'yon. Tsaka pwede ba, sinabi ko na sayong wag mo kong tawagin sa pangalan na yan." Asar na sagot niya.
Natawa ako sa reaction niya. Ang sarap talaga sa pakiramdam kapag nakakakita ka ng taong naaasar sayo.
"Oh, sino yung naghahanap sa akin?" Tanong ko sa kanya.
"Mi..Mingyu? Mingyu yata 'yon."
Mingyu? Sino 'yon?
"Ano daw kailangan?"
"Hindi ko na tinanong. Nagmamadali daw kasi siya."
Tumingin ako sa orasan. Maaga pa naman.
"Sige. Paakyatin mo nalang dito sa kwarto ko." Utos ko sa kanya.
Nilibot niya yung mata niya sa kwarto ko. "Seryoso ka?" Tanong niya sa akin.
May problema ba sa kwarto ko? Maayos naman ah?
May mga maruming damit sa sahig. May nagkalat na mga papel sa may table. Yung kama ko, hindi nakaayos. Normal naman yung kwarto ko ah?
"Mukha ba akong nagbibiro?"
Napabuntong hininga siya. "Hindi."
Napangiti ako. Kahit ano naman kasing sabihin niya, wala siyang magagawa. Ako ang masusunod. Ako ang batas dito.
"Ayun naman pala eh. Ano pang hinihintay mo?"
Hindi na siya sumagot at umalis nalang ng kwarto ko. Alam kong naiinis siya sa akin. Lahat naman sila ganun eh. Wala namang nagmamahal sa akin. Shit ang drama. Hahahaha.
Habang hinihintay ko yung Mingyu, kinuha ko yung laptop ko at dumiretso ako sa Facebook.
Wala akong ibang makita kundi puro post ng mga schoolmate ko sa Adore University tungkol sa Seventeen. Sila yung representative ng school namin pagdating sa kantahan at sayawan. May talent sila, oo. Pero hindi naman sila sobrang gwapo. Hindi ko din alam kung bakit Seventeen pangalan ng grupo nila eh hindi naman sila Seventeen. May sira siguro sa utak yung nag-isip ng pangalan nila.
Ako? Varsity player ako sa Adore U. Hindi naman sa pagmamayabang pero marami ang nagsasabing magaling talaga ako.
Maya-maya nakarinig ako ng katok. Pinapasok ko siya.
Pagpasok nung Mingyu, tumingin din siya sa kwarto ko. "May problema ba sa kwarto ko?" Tanong ko sa kanya.
Nakita kong medyo nagulat siya sa tanong ko. Nagtatanong lang naman ako ah?
"W-wala naman."
"Ano nga pala kailangan mo?" Tanong ko sa kanya.
"Pwede bang umupo muna ako?"
Ha? Diba nagmamadali siya? "Hindi pwede. Ano ba yung sasabihin mo?" Seryosong tanong ko.
Napalunok naman siya. "Ano kasi... Kinausap ako ni dean. Pinapasabi niya na bumaba daw kasi grades mo. At hindi ka daw pumapasok. At tuwing practice ka lang daw pumupunta. Hindi mo daw pina-prioritize yung pag-aaral mo." Sunud-sunod niyang sabi na wala naman akong pakialam.
