II

6 0 0
                                    

Si Kristine ay isang kristyano, lumaki na sya sa mensahe dahil pareho ang mother at father nya ay kristyano.

Simula palang active na sya sa kanilang simbahan kaya kilala nya ang lahat ng tao sa simbahan nila.

Isang araw may bagong youth na lumipat sa church nila inasign agad ng kanilang pastor na isa sya na maging myembro ng musician ng church nila, wala masyadong kumakausap sa kanya na youth maliban sa mga young profesional o ung mga youth na in the age na ng 20 and above.

Pah uwian na sa labas ng simbahan nila mahilig tumambay sila Kristine dahil mahilig si Kristine kumain ng mga streetfoods kaya niyayaya nya yung mga kachurchmates nya na kumain dun.

Isang araw habang kumakain sila Kristine ng fishballs napadaan yung bagong youth, hindi pinansin ni Kristine dahil busy sya sa kakakain nya kaya yung mga kasama nya ang kumausap sa bagong youth, nag pakilala na ang lahat at nakilala narin nila ito, ang pangalan nya ay Patrick.

Lumipas ang ilang buwan naging malapit si Patrick sa mga youth at kay Kristine narin, hindi nag tagal inadd ni Patrick si Kristine sa facebook dahil madalang lang nya makatxt ito dahil wala syang panload pero mayaman sya sa data.

Naging malapit si Patrick at si Kristine at dahil sa nag a-outreach sila Kristine sumasama na din si Patrick, madalas nasa bahay ni Kristine sila Patrick kasama yung mga kasamahan nila sa outreach dahil twing uwian dun sila tumutuloy at dun natutulog para kinaumagahan linggo na ay sabay sabay na sila mag sisimba.

Isang gabi habang nag kakainan sila nasa sala ang lahat at si Ruth na pinaka close ni Kristine at si Kristine ay nasa kusina at dun kumakain, pumunta si Patrick sa kusina at humingi ng tubig dahil yung mga pitsel ay nasa lamesa sa kusina.

Patrick: tin pahinge naman ng tubig oh.
Kristine: osige yung baso nandun sa lababo wala na dyan sa lalagyan ei.
Patrick: bat mo pa ko ituturo sa iba pwede namang ikaw nalang.

(nag katinginan si Ruth at si Kristine habang nanlalaki ang mga mata)

Ruth: kuya Pat ha ahahahahaha may ganun??
Patrick: bakit hindi ba??
Kristine: (nasamid)
Patrick: oh tubig, ikaw ata nangangailangan ng tubig

(inabot at tinapik tapik ang likod ni Kristine)

Ruth: ano ba yan nilalanggam ako dito ha (sabay alis)

Kristine: salamat sige na ok na ko alis na, RUTH BUMALIK KA DITO!!!

Lumipas ang mga araw unti unti ng nag paparamdam si Patrick kay Kristine, isang beses nag send pa ito ng picture na my nakasulat sa tissue ng pangalan ni Kristine at my mga nakasulat, blinured ni Patrick yung parte ng sulat at yung pangalan lang nila ang malinaw.

Parati na silang nag kakachat, minsan pag nakikita ni Patrick si Kristine na gising pa at naka online pa kahit madaling araw na pinapagalitan nya ito at hindi nya titigilan hanggat di mag out si Kristine, parati narin inaupdate ni Patrick si Kristine sa lahat ng ginagawa nya.

Sa outreach nila pag tapos nila mag turo at magpakain sa mga bata ay nag kakaroon sila ng gawain yung mga kabataan na mga nasa 13 rs old pataas at isa si Patrick sa mga youth na nangangaral sa mga batang iyon, kaya madalas pag mag kachat sila ni Kristine ay nag shasharing silang dalawa, minsan pag may pantawag si Patrick tumatawag ito kay Kristine at kinukulit.

Pag nasa bahay naman nila Kristine si Patrick lagi nya itong tinutugtugan at kinakantahan, tinuturuan nya ring mag gitara at minsan ay mag organ.

Isang araw 2 linggo na hindi nag paramdam si Patrick hindi lang kay Kristine kundi pati sa simbahan nila kaya nag alala na sila, kinagabihan nalaman ni Kristine kay Ruth na kaya pala hindi na nakakasimba at di na nakakapunta si Patrick dahil sa wala itong pera kaya naisipan ng daddy ni Ruth na sa bahay nila muna si Patrick tutuloy.

Twing nag oovernight si Kristine kila Ruth dahil kinagawian na ni Kristine na mag stay kila Ruth twing walang pasok at pag may long weekend, tuwang tuwa si Patrick dahil nakakasama nya si Kristine.

Gumawa pa nga sila ng video yung Dubsmash at cute na cute yung lola nila Ruth sa kanilang dalawa, biro pa nga nito ay bagay na bagay daw sila dahil parehong kwela at mag kahawig nasila dahil sa lagi silang magkasama.

My Crazy LoverTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang