Twenty-one (21)

1.4K 37 2
                                    

LEA/JENN’s POV

 

“Best! Nag-aral ka? Para dito sa susunod na subject?” bulungan namin ni Annie.

Midterm na namin, tapos na din kami sa ibang subject.

“Oo eh, pero di ko masyado kabisado. Ikaw ba?” Kita mo! Bestfriends nga naman oh!

“Di rin best. Basta, swerte swerte lang”

 

“Oh sige best, tignan natin kung saan tayo dalhin ng mga swerte mo.”

Eh totoo naman ah. Magtiwala sa sarili. Baka may masagot din ako. Kahit yung pangalan at date lang ang sigurado kong sagot. At least diba meron!? OH! KITAMS! 

“Best, ayan na si prof. Sige balik na ako sa upuan ko. Good luck best! HAHa”

“Sige best!” Lord! Please, patulong naman oh. Eto kasing subject na ‘to yung pinaka ayaw ko sa lahat, bukod sa masungit yung prof namin dito in and out, eh nakakainis talaga. Kaya di ko na nakayanang mag aral pa dito.

Hate ko kasi talaga ‘tong subject na ‘to. Kaya patulong naman po.

“Oh best, kumusta?” si Annie pala.

“Hay best, swertehin nga sana ako. Eh ikaw kumusta?” tanong ko.

“Ok lang, medyo alam ko din yung ibang sagot. HAY! Bakit di ka kasi nag-aral? Nag aral ka naman diba sa iba nating subject?” HAY! OO NA! ako na hindi nag aral.

“Eh sa hindi ko type yung subject at yung prof.” at nagkibit balikat ako.

“Ganun? Kailangantype mo? Hoy best! Alagaan mo yung grades mo. Ikaw talaga!” oo na.

“Di ka ba kakain best?” gutom na ako.

“DYAN! Yan! Dyan ka matalino best, kakakain.” Eh sa gutom na ako!

“Oo na, best in recess kaya ako nung elementary!” HAHA. Biro lang

“Akalain mo yun! Yun pa yung kaisasang naaalala mo sa nakaraan mo. HANEP!”

 

HAHA. Eto di na ma joke. Kaya siya nagiging lola eh,

“HAHA. Ano kaba! Biro lang yun, tara na! Nang makapasok na ako sa trabaho mamaya.” Hinila ko na siya sa caffeteria . gutom na talaga ako.

My Long Lost Wife (Finally I Found You)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon