Five (5) Here I Come!

2K 54 3
                                    

(A/N) Ito na po yung update ko! Kahit wala naman po talagang nag request na mag update ako, okay lang yun. gusto ko po kasing mabuo to. Kaya po fight! Fight! Fight! ^_^ enjoy po! Godbless.



~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~





LEA/JENN’s POV

 

 

“Uy, best ano nga pala yung ikukwento mo sa akin kanina? Naputol pag-uusap natin eh.” Tanong sa akin ni Annie, kung sabagay 2hours naman kaming walang klase, sige kuwentuhan nalang muna kami.


“Ah, yun ba. Kasi may kumatok kanina sa bahay, di ko kilala sino..” naputol na naman yung sinasabi ko


“Naku! Best baka may sta…”


 

“BEST! Kanina mo pa ako binabara ah, pag salitain mo muna ako. Oh sige, ikaw kumwento” bigla naman siyang naputol.


“Ahehe, sorry best oh sige ano yun? ^_^” –Annie


“Tapos may inabot siya saking sulat. Ito oh” sabay abot ko nung sulat.



Habang binabasa niya ito nanlaki yung mga mata niya. Na parang di makapaniwala.


“Grabeh best! Ikaw na talaga! ^_^ ito na ang simula mo, magiging mayaman kana! Woooh!” halos ipagsigawan niya ito.


“Loka! Agad-agad? Kailangan ko pa ngang i-inquire yan, malay mo mali yung napagbigyan. Wala nga akong pangalang nakalagay oh. Kaya pupuntahan ko nalang yang address na nakalagay diyan ^_^” Sabi ko naman sa kanya. Para mahinto na.


“Sige best, Go ka diyan!” sabi niya, tapos kinuha ko na yung sulat at nilagay sa bag ko.

“Hmm.. Teka best..” tanong naman nito. Napalingon naman ako.

“An yun best?” tanong ko naman,



“Kung sa Buenavista Companies yun… Katulad nung apilyido sa sing-sing na nasa bulsa mo! O__O” nagulat naman siya, at ako din.

My Long Lost Wife (Finally I Found You)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon