CMIMFFY: Chapter3

26 1 0
                                    

Pasukan nanaman, antok na antok pa ako. Ugh!! Kailangan ko na kumilos na mabilis dahil malalate na ako. Kanina pa ako nag aantay ng jeep dito sa kanto at ngayon palang ako nakasakay. Nakakainis! 15 minutes nalang start na ng class namin, super late na ako. Hays! Itong driver pa sobrang hakot sa pasahero sinasabi meron pa kahit wala na. Ugh! Parang pag ibig lang yan e, Akala mo may feelings din sayo ang crush mo yun pala wala.

Assuming much lang teh?

Oh paurong lang meron pa sa kaliwa aniya ng driver.

Siksikan na nga manong. Grabe naman ho ata kayo kulang nalang lahat na nakikita niyo pasakayin niyo na. Huwag niyo na po ipagsiksikan ang sarili niyo, kayo din po masasaktan sa huli. Sambit ko naman.

Napahugot tuloy ako, Aba! Lahat sila nakatingin sakin. What's wrong? Mga inggitera to. Ugh!
Nakakainis lang tong si manong inirapan lang ako aba! Tapyasin ko ilong mo makita mo lang. Ugh! Inis.

At dahil nainis ako na sobra kay manong nanahimik nalang ako, nilibot libot ko nalang ang mata ko sa mga pasahero, at teka nga lang.. Classmate ko ata tong isa na to. Infairness ang cute niya ah. Mamaya nga to sakin.

Hay salamat. Sa wakas nakababa na din teka asan na yung classmate ko. Ayun! Bilis Alex... habulin mo siya para may kasabay ka. Nasa likod niya ako nahiya ako na tawagin siya pano naman kasi di ko pa siya kilala pero alam ko talaga na classmate ko siya. Habang nasa likod niya ako sinitsitan ko lang siya.

Pssttt!!

Aba! Snobero di man lang tumingin. Isa pa nga pag di to tumingin tatapyasin ko ilong nito.

Psst!! Psst!!

Tumingin siya OMG!!
Kaso.... Bigla siya...

Tumakbo! Langya yun akala niya siguro snatcher ako. Grabe lang ah maya ka lang sakin.

JAY POV

Andito ako ngayon sa jeep, grabe lang tong driver na to. Siksikan na nga nag papasakay pa ng mga pasahero. Sobrang init pa. Teka mag papakilala muna ako sainyo.

Ako si John Jay Franco. Maputi, Matangos ilong, Simple lang naman ako, Tahimik lang ako pagdating sa school, di kasi ako sanay na makipag kwentuhan lalo na pag walang kwenta yung pag uusapan. Pero malakas din ako mantrip. Mahilig ako mag laro ng basketball, mahilig din ako kumanta kaso ako lang ang nakaka alam na may talent ako sa pag kanta. Shy type ako eh. Only child lang ako may best friend ako siya si Mic. Best friend ko siya since elementary, siya ang kasama ko sa kalokohan.

Habang nasa jeep ako may nakasabay ako babae na ka schoolmate ko, ano kaya course nito. Natatawa ako sakanya paano ba naman kasi siya lang nag lakas loob na awayin ang driver ang cute nga niya e, halata kasi sa kanya na galit na galit siya yung butas ng ilong niya kasi nalaki. Hahahahaha!!

Habang naglalakad ako papuntang classroom may sumisitsit sa akin, pero di ko siya pinansin. Nakadalawang ulit nga siya na pagsitsit sakin kaya tinignan ko kung sino ba yung sumisitsit sakin. Langya! Yung babae na nakasabay ko sa jeep. Kaya ang ginawa ko bigla ako tumakbo.

Takbo! Takbo!
Sabay tingin sa likod. Ay salamat naman wala na yung babae na yun.

Andito na ako sa classroom habang nag didiscuss ang prof namin may bigla pumasok. Aba siga din to, wala man lang good morning biglang pasok lang ba. Kababaeng tao walang manners.

Teka lang parang kilala ko to ah..

Siya....

Siya...

yung babae na kasabay ko sa jeep na nakipag away pa sa driver, siya din yung babae na panay sitsit sakin kanina.

At sa harapan ko pa siya nakaupo. Di ko alam kung matutuwa ako o maiinis eh. Teka... Bigla siya  lumingon sa likuran tapos ako bigla ako yumuko pero huli na ang lahat dahil namukaan niya ako.

Hoy classmate ikaw pala yan.

Hoy kinakausap kaya kita.

Di ko siya pinapansin. Ano kaya meron dito sa babae to. Sobrang kulit niya. Pero natatawa ako ah, cute niya kasi.

Ay di kinaya ng beauty ko ang pagka snobero ni kuya. Kala mo gwapo di naman.

Natatawa nalang talaga ako sa kanya. Habang nag didiscuss ang prof namin di ako makapag focus pano ba naman kasi tong babae na to, sobrang ingay ugh.

Alex POV

Late na ako sa first class ko pano ba naman habang hinahabol ko yung ka schoolmate ko may nabangga ako lalaki na may dalang juice jusko! Yung uniform ko huhuhu natapunan ng juice. Buwiset yung lalaki na yun ah, siya pa may gana magalit aba habang naglalakad kasi masyado nakafocus sa cellphone niya. Ugh!

Pagkapasok ko sa room diretso lang ako aba wala ako balak na batiin ang prof ko sobrang badtrip talaga! may araw din sakin yung lalaki na yun.

Pagkaupo ko sa upuan, tumingin ako sa likod aba! Classmate ko pala tong umag na to. Kausapin ko nga.

Hoy classmate ikaw pala yan.

Hinintay ko na mag salita siya, may pa yuko yuko pa nalalaman to. Snobero pa. Masaya yata to pagtripan. May araw ka din sakin. Wag mo isnobin ang kagandahan ko aba, naalala ko tuloy yung kasabihan ni inay. Ang tao snobero/snobera ay mamamatay. Isa kang alamat Inay!

-
A/N
Thank you for reading. :)
Vote and Comment.

Catch Me I'm Falling For You.

Catch Me Im Falling For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon