CMIMFFY : Chapter 4

1 0 0
                                    

Sa sobrang inis ko kanina sa school umuwi agad ako, pano ba naman kasi sobrang dugyot ko na. Nakakainis talaga yung lalaki na yun makita ko lang talaga yun sasapakin ko yun. Hay!

Salamat naman walang ibinigay na assignment yung mga prof ko, grabe lang sila no first day palang may assignment na. At dahil bored ako andito ako ngayon sa park, dito ako lagi nag tatambay. Itong park na ito dapat hate ko na to eh, pano ba naman kasi dito ko sinagot ang boyfriend ko noon at dito din siya nakipag break. Ansaya no? Pero ewan ko ba kung bakit ngayon favorite place ko parin to.

Hay!

Naalala ko tuloy, dati sobrang saya namin dalawa dito. Bigla tuloy nag flashback ang lahat nang alanamin dalawa ni Chris. Masaya kami dati sobra, halos araw araw kami nagkikita. Di kompleto araw ko pag di ko siya nakikita, di sapat samin dalawa ang mag usap lang sa chat,text at call. Pero nawala lahat ng sweetness namin dalawa dahil lang di ako pumayag sa gusto niya.

Susubukan lang naman natin baby, sige na please?

Tigilan mo nga ako Chris! Sabi ko ayoko bata pa tayo pwede ba?

Ayaw mo lang ibigay sakin yan dahil wala ka tiwala sakin.

May tiwala ako sayo, ayoko lang gawin natin ang gusto mo. May pangarap pa ako Chris, marami pa ako gusto gawin sa buhay ko. Bakit ganyan kaba ah? Kati kati na ba yang hotdog mo? Punyeta naman Chris oh.

Ang dami mo sinasabi, kaya mo naman abutin yang pangarap mo ah. Sabihin mo lang ayaw mo lang.

Punyeta ka ba? O tanga ka? Bata palang tayo ayoko maging batang Ina, kayo kasi mga lalaki wala naman mawawala sainyo kami mga babae madami mawawala samin. Atat na atat ka masyado.

Kung ayaw mo di wag, punyeta ka eh. Tapusin na natin to. Ayoko na.

Babaw mo dude, ayaw mo na? Okay. Pero punyeta ka humanap ka ng babae mag papatira agad sayo.

Pagkatapos namin mag usap, iniwan nalang niya ako sa park na umiiyak. Kapal lang nang mukha niya. Sobrang mahal ko siya kaya nasaktan ako ng todo, halos gabi-gabi ako umiiyak ng dahil lang sakanya.

Natatawa nalang ako habang iniisip ko yung nangyari samin ni chris dito sa park. Ngayon isang alaala nalang sakin yun.

Pagkatapos ko mag emote, nag lakad lakad ako dito sa park habang na katalikod ako bigla may humatak sakin. Di ko alam kung sino, basta ang sakit lang ng pagkahatak niya sakin. Pag ka tingin ko sakanya. Aba siya yung lalaki nakabangga sakin, at siya yung nakatapon ng juice sa uniform ko.

Hoy, ikaw babae ka. Ang lakas mo mag pakita ulit sakin ah.

Excuse me? Una, Ang kapal ng mukha mo na hatakin ako, punyeta ka eh ang sakit kaya. Pangalawa, ako dapat mag sabi ng ang kapal ng mukha mo na mag pakita ulit sakin, matapos mo maitapon ang juice mo sa uniform ko. Kapal mo din no?

Aba, ako pa ang mali ah! Sino kaya tong tatanga tanga?

Ughhhh!! Ano ba! Tumigil ka na nga, ano ba kailangan mo sa akin?

Ikaw kasi ang sungit mo gusto ko lang naman makipag kaibigan sayo, Ako pala si Mic.

I'm Alex. Sige kailangan ko na umuwi at papagalitan na ako ng nanay ko.

Hoy! Nice to meet again Alex, so Friends?

Hmm, Ano pa nga ba? Osige na nga. Uuwi na ako, papagalitan na ako ng nanay ko.

Sige see you around!

MIC POV

Ang ganda nya, na love at first sight ata ako sakanya. Siya pala si Alex, napaka simple babae nakilala ko. Nakokonsensya tuloy ako sa ginawa ko sakanya, sinadya ko talaga na tapunan siya ng juice para mapansin lang nya ako. Hindi ko alam, iba yung dating nya sa akin, una ko siya nakita sa canteen. Hayyyy!

Hoy Bro!

Oh! Ikaw pala Jay! Saan tayo ngayon?

Bakit parang natutulala ka jan! May iniisip ka ba? Inlove ka ba bro!? Ikaw ah! Sino ba yang iniisip mo?

Bro! Kilala mo ba si alex? Ang ganda nya bro!

JAY POV

Bro! Kilala mo ba si alex? Ang ganda nya bro!

Alex?? Bakit bigla nalang ako napaisip na tinanong sakin ni Mic kung kilala ko ba si Alex? Hindi kaya...

Hoy bro! Okay ka lang ba?

Oo bro, okay lang ako. Teka! oo kilala ko siya, bakit ano ba meron sakanya?

Gusto ko siya bro!

Gusto ko siya bro... Bakit ganito? Bakit iba nararamdaman ko nung sinabi niya na gusto niya si Alex..

Author's Note:
Hi guys! Ngayon lang ako sinipag mag update ulit! Sobrang busy sa school! Anw. Namiss ko kayo!!
Enjoy Reading! ❤️

Catch Me Im Falling For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon