[JUDE'S POV}
sa wakas! Nandito na kami
Shet astig! manghang mangha naman ako sa nakikita ko ang ganda ganda!
Bumungad agad sa harap ko ang malaking water fountain
Mag-gagabi na ng makarating kami dito kaya madilim dilim na.
Ang daming ilaw sa paligid tas ang laki laki talaga! Akalain mo, lima lang kami dito na titira pero ganto kalaki? Kasya ata dito ang mamamayan ng isang barangay eh.
Tas ayun nilibot ko muna ang laki kasi iniwan ko muna sila Aunt Millie at yung driver dun sa harap ng mansion habang binababa yung mga gamit ko bait ko eh no?
So ayun naglakad lakad ako pumunta ako sa likod ng mansion nacucurious kasi ako kung anong meron dun at wow ang ganda ng Garden! Di man ako mahilig sa mga bulaklak at kung anu-anong halaman pero namangha ako dito ang astig kasi
Sementado pa yung part na kinatatayuan ko may statue pa nga ng isang anghel dito na may hawak na pana ata tas mukang baby ah si Cupid!
Oo tama siya nga. naglakad lakad ako sa sementadong hallway sa magkabilang side nun andun yung mga halaman tas pagtingin ko sa taas may Vines astig! Ano ba ito bat ako naaliw sa mga ito?
Tuloy-tuloy akong naglalakad hanggang sa napansin kong may nakaupo dun sa dulo may mga bench kasi dun at kung anoano pang klase ng upuan di ko alam tawag eh xD
Pansin kong nakatitig din siya sa akin at tumayo naman ito at naglakad papalapit sa akin, siguro isa siya sa mga makakasama ko dito mukang gago lalalalala
Nung magkalapit na kami ay tinitigan niya ako at ngumisi siya sabay nagsalita
"So it's you." So so its you its you sino ba ito? Ang yabang pa magsalita!
"Pa English English ka pa eh sino ka ba?" huminga siya ng malalim at pumorma ang nakakalokong ngiti sa kanyang mga labi hinawakan niya ang muka ko at tumingin ng diretso sa mga mata ko fck!
"I'm the one who will take away all your firsts"tas ngumiti nanaman ng nakakaloko Nung una hindi ko nagets yung sinabi nya tas nung nag sink-in na bigla bigla ko siyang sinapak ngunit imbis na magalit ay ngumisi nanaman siya @!$%^& ang manyak nito ah!
*BOOOGSSH*
"GAGO MANYAK! Sino ka ba hah?!" tumingin siya sa uli ng diretso sa akin tas nagsalita seryoso pa ang mukha niya
"I already told you." Sa sobrang inis ko susuntukin ko na sana siya ulit sa mukha kaso nakailag siya eh nasobrahan yung buwelo ko kaya ayun matutumba na ata ako nang---
"haaay joke lang yun! Sineryoso mo naman masyado hahahaha dumampi na yang kamao mo sa muka kong pogi di na ko papayag na maulit pa yon"
"BITAWAN MO KAMAY KO!" bulyaw ko oo nahawakan niya bago pa man ako masubsob
"Ang sama mo naman! Ako na nga tong nag-save sa'yo dahil muntikan ka nang masubsob sa sementong yan oh" nag-pout siya sabay turo dun sa baba
"Ikaw naman may kasalanan eh bakit kita pasasalamatan?" arggh! Parang di ko ata makakaya na ito ang makakasama ko sa buong taon teka siya nga ba?
"t-teka wag mong sabihing isa ka sa mga makakasama ko dito? O_O" sabi ko sa kanya sana hindi ! sana hindi!
"Haay Isn't it obvious?" tas tinignan niya ko ng parang ang tanga-tanga ko!
"yabang mo ah! Gusto mo kalbuhin kita ng mawala yang angas mo?!" sigaw ko ulit habang nakayukom ang mga kamao gigil na gigil na kasi ako eh!
"psh kahit gawin mo yun, pogi pa rin ako." Pagkasabi niya nun ay idinikit niya ang mukha niya sa mukha ko na konting kilos na lang ay m-ma-h-halikan na niya ko! bakit ganito hindi ako makagalaw anong meron sa lalaking ito? Napapikit na lang ako, di ko alam kung bakit nanghina ako bigla ano ba to? Pagkatapos naman ng ilang segundo'y naramdaman kong pinitk niya ako sa ilong SHET!
"ARAY!" sabay himas sa ilong ko
"hahaha nakakatuwa ka jan ka na nga kita na lang tayo sa loob byee." Naglakad na siya palayo habang ako naman iniwan niya doon na nakatayo lang tinitignan ko ang likod niya habang papalayo siya ng papalayo gusto ko siyang habulin at bugbugin naiinis kasi ako!
nagulat naman ako ng bigla siyang huminto at lumingon paharap sa akin kinindatan niya ako at nagflying kiss pa mukang tanga nakakakilabot! Tinignan ko lamang siya ng masama ngunit ngumiti lang siya tuwang tuwa talaga siya sa mga ginawa niya arrrghh!
"
[Chanyeol's POV]
Pagpasok ko ay nakita ko yung tatlong ewan saka si Aunt Millie sa sala mukhang seryoso silang nag-uusap. Lumapit naman ako kaagad sa kanila
"Hey, serious matters?"
"ugh, yeah." Matipid nilang sagot
"So what is it all about?" I asked nonchalantly
"well it's about my niece's stay here,It is best if she wouldn't know anything about the deal we made, okay?" Seryosong sagot ni aunt Millie
"because she will refuse, right? Pero sa palagay ko wala na naman siyang magagawa pag dumating na yung araw na yon, I heard isasabay sa debut niya yung engagement party nila?"
sabi naman ni Kris oo nga wala naman na talagang magagawa yung Tivoli na yun, nakaramdam naman ako ng awa sa kanya.
"Actually, yes I didn't want this to happen pero this is the only choice left."-Aunt Millie hay lagi naman ata ganito ang mga bagay bagay yung may utang tas pakakasal kunwari ganun ganun, yun lang ba talaga ang dahilan?
"I see, paano po ba namin gagawin yon? Kasi nasa tao pa rin naman po kung gusto niya magbago eh." Sabi ni Luhan. Oo tama siya, ngumisi si Auntie sabay nag cross legs.
"It's up to you kung paano niyo gagawin iyon" sabay kindat
"HUH?!" pagrereact namin ni Luhan, yung dalawa seryoso lang lagi naman eh.
Naputol naman ang usapan ng pumasok yung Tivoli nabaling agad ang tingin niya sa akin at tinitigan pa ako ng masama
"What?" pagmamaang-maangan ko tinignan niya Lang ako nang masama
Bigla naman tumayo si Aunt Millie at saka lumapit dun kay Tivoli
"By the way Jushyn sila ang mga makakasama mo." Pagpapakilala ni Aunt Millie sa amin
So Jushyn pala pangalan niya, parang ang weird.
"Boys, this is my NIECE, Jushyn I hope maging maayos ang pagsasamahan ninyo okay?" tumango tango naman kami
"This is Kris Wu, anak siya ng oh-so-famous Cedric Wu. CEO ng YF entertainment sa South Korea."
Tinanguan lang siya ulit ni Kris ganun din naman siya
"And this one" sabay turo kay Sehun
"Oh Se Hun" sabi ni Tivoli Oo nga magkakilala sila
"You two, know each other?!" gulat na tanong ni Aunt Millie
"ah oo kaklase ko siya nung 8th grade, di ko makakalimutan ang muka niyan! Siya yung laging binubully eh!" sagot ni Tivoli ayos nito sumagot kakaiba talaga si Sehun naman ganun pa rin hindi nagbabago ang ekspresyon ng mukha 'p-p-p-poker face'
"Oh I see, I guess hindi ka na masyadong mahihirapan mag-adjust dahil may kakilala ka na dito"
"ewan"
"Okay let's move on, this one" sabay turo kay Luhan, di na ko makapaghintay na ako ang ipakilala hahaha
"He's Luhan, half Japanese his dad is the owner of Taneda Motorcycles"
"Hi! Nice to meet you!" sabay lahad nung kanang kamay niya yung kaliwa naman nasa likod ng ulo niya
"g-ganun din ako" inabot din naman ni Tivoli yung kamay niya
AKO NA YES!
"and this one is---"
-end-
(A/N)
BINABASA MO ANG
MISSION inside the MANSION =o n g o i n g=
Romance"Namulabog lang naman ako kaninang umaga kasi nagugutom na ako, annoying na ba iyon?" -JUDE (Jushyn Delancy Imperial)