MIM 3.2

18 0 0
                                    

Chapter 3.2

ENJOY READING! :**

--

[JUDE’S POV]

*buuuurppp*

“sarap ng luto mo Kris!” masayang bati ko grabe! Sarap talaga kaming dalawa na lang ang naiwan dito dahil nasa sala na sina Sehun at Luhan.

yung isa naman ay nowhere to be found! Yaan na nga natin kalimutan niyo na siya sa storyang ito! Ako nga limot ko na siya ano pangalan? Osho? Badong? Haay ewan

“That’s gross.” Iritang sabi niya, hala bakit?

“Yung ano?”  pansin ko lang ang hilig niya mag-english, duduguin ang ilong ko sa kanya eh ano ba yung sinasabi niya? Hindi ko talaga maintindihan ang weirdo niya. lahat pala sila dito

“Nag-patay malisya pa, ikaw ang mag-huhugas ng mga pinggan tumayo ka na.” anong ako? Sa tanang buhay ko di pa ata ako nakakapaghugas ng mga pinggan!

“Hala ayoko di ako marunong!” pag-p-protesta ko, ipaglalaban ko talaga ang katamaran ko! Napatayo pa nga ako sa kinauupuan ko at nakapatong parin sa mesa ang dalawa kong kamay

“What are you? A kindergarten student? For pete’s sake, hindi pwede yang ugali mo na yan dito.” Hala ang sakit naman mag-salita yabang nito!

“TSS! Grabe naman oo na, oo na! basta wag niyo kong sisihin pag nakabasag ako hah!”

babasagin ko talaga yun kunwari di ko sinasadya wahahah!

Dumeretso na ko sa countertop kung nasaan ang lababo, bakit ba kasi wala yung makinang pang-hugas ng pinggan? Kailangan talaga manu-mano anong klaseng mansion ito?!

"Make sure you'll finish it" nilingunan ko siya at nakita kong nakasandal siya sa pader nang naka-crossarms binalik ko na lang yung tingin ko dun sa huhugasan ko kabanas eh pero paano niya kaya ako napapasunod? kung tutuusin pwede naman ako tumanggi? diba? 

nagbalak na kong iwanan ang huhugasan ko, lumapit ako sa kanya 

"Ayokong gawin,tinatamad ako."

barumbadong pagkakasabi ko tinitigan niya ako ng mata sa mata at nararamdaman kong lumalamig at dumidilim na ang aura habang nakatitig siya sakin grabe hah! bakit ganoon? napalunok ako at napaatras pakiramdam ko din kasi nagtataasan ang balahibo ko eh

"Go back and finish it." malamig na pagkakasabi niya kumunot ang noo ko, tinalikuran ko siya at bumalik na sa lababo

"Arte arte eh noh. utusero pa tas english ng english kala mo naman kano tss." nilakasan ko yung pagkakasabi para marinig niya hahaha gusto ko asarin eh 

*hugas* *hugas*

"YOU." may narmdaman akong kakaibang presensya sa likuran ko madali ring nakapasok ang malamig at mababa ngunit malaking boses sa tenga ko 

*blaaaagaaagshh*

"WAH! potek ano yon!" napasigaw ako at nabitawan ang platong hawak ko potek oh! hinarap ko ang halimaw na nasa likod ko ughh! nauntog pa ko sa dibdib niya, tiningala ko pa siya dahil napakatangkad niya sa akin oo na maliit na ako! 

"look what you've done, alam mo ba kung magkano yang binasag mo?" hala ako pa sinisi!

"HAH! ako ba may kasalanan?! bigla bigla kang pumunta jan sa likuran ko may pabulong-bulong ka pa para takutin ako 'no? kala mo hah tas ako sisihin mo ngayon? grabe ka na tas inutusan mo pa ko maghugas ng pinggan eh sinabi ko naman na di ako marunong! lakas topak mo dre ah!" 

"ANO? ANO? totoo sinabi ko diba?" nakatingin lang siya sa akin, ay hindi sa kamay ko pala

"HOY! ano? topak nito ah!" tinalikuran ko na siya ulit at bumalik na sa paghuhugas peste ay bobo may nabasag nga pala tss pupulutin ko na sana yung mga hinayupak na bubog nang biglang may pumigil sa kamay ko at hinigit ako palayo sa lababo

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 23, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MISSION inside the MANSION =o n g o i n g=Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon