MIM 3.1

28 0 0
                                    

Chapter 3.1

[Chanyeol’s POV]

*inaaaaat*

“owhaaa umaga na pala.” kinusot kusot ko ang mga mata ko

Tumayo ako at kinuha ang towel na nakasabit sa likuran ng pinto ko pagkatapos ay dumiretso ng CR

Ano bang meron? Ano bang nangyari, kahapon? Parang may kakaiba eh.

Pilit kong inaalala kung may nangyari ba kahapon na labag sa kabatas-batasan ng buhay ko hahaha shet ano ba talaga mero---

*TOK* *TOK* TOK*

tskk! Kung makakatok naman sino ba yan?

“ugh! Wait lang!” sigaw ko

*TOK* *TOK* “buksan mo ito! Batugan ka ah!”

Sino yun?! nanlaki ang mga mata ko, kakaibang boses eh, parang maliit na pilit pinapalaki

Dali dali akong lumabas ng CR para pagbuksan ang istorbo

“Sino ba kas—“ sambit ko habang pinipihit ang doorknob naputol naman ang sasabihin ko nang mabuksan ko ang pintuan, how come I forget about HER? Napangisi ako sabay sambit sa aking isipan ‘oo nga pala’

“HOY! Walangya ka talaga! Ipagluto mo ko nagugutom ako!”malakas at nakaririnding sigaw niya, hoy Tivoli! Nasa harap mo lang naman ako! At ako pa tong walanghiya?

“hmn, ipagluto? At bakit naman?” nag-crossarms pa ko at ngumisi nanaman tinignan niya naman ako ng masama ano bang klase ng topak ang meron ito?

“KA-SI GU-TOM na ako! Bwiset ka! Magluto ka ikaw dapat gumawa dahil gusto ko! Ano palag ka pa?”

“aba! Kung makautos ka rin eh noh? kala mo susundin kita? Matigok ka sa gutom” medyo napataas na rin ang boses ko kasi umagang-umaga lakas maka-BV nito grabe bunganga, askal na askal ang dating -_- sinarado ko ng malakas ang pintuan pero bago yun binelatan ko muna siya whahaha!

Tatalikod na sana ako para bumalik sa CR nang makarinig ako ng malakas na kalabog mula sa labas ng kwarto ko and to be exact sa pinto ko pala mismo

*BOGSH* *BOGSH*

“HOY! Kung di mo ito bubuksan hinding-hindi ako magdadalawang isip na sirain tong pinto mo!” what the hell is she doing?!

Inis akong lumapit pabalik ng pinto at agad na binuksan ito

*Blaaaaaag*

Nagulat ako sa nangyari saktong kab-bwelo nya lang para sipain sana ang pinto ko, but too bad dire-diretso siyang na-out of balance sa sahig

“pfft---HAHAHA! Buti nga!” halos mangiyak na ko sa kakatawa sa kanya kasalanan niya naman yan eh buti nga

Himas himas niya ang noo niyang-- uh wait namumula ata?

“ui Tivoli, masakit ba?” alala kong tanong sa kanya oo sincere talaga baka mamaya may mamuong dugo sa utak niyang ewan! At baka lumala pa ang ka-aningan niya tsktsk mahirap na!

She didn’t respond no, I mean nag-respond siya sa pamamagitan ng isang matalim na tingin

psshhh! Ako na nga concern eh

Nakahawak pa rin yung kamay niya sa noo niya umupo naman ako sa sahig yung hindi nakasayad ang puwitan at nilapitan siya pagtapos ay inalis ko ang kamay niyang nakaharang para Makita kung ano bang nangyari, nung una nagmamatigas pa siya at ayaw talaga magpatalo sus eh sa huli Ako rin naman ang nagwagi mehehehe

nagka-bukol pala siya, pero hindi naman ganun kalaki ewan ko kung matatawa ba ko o maawa kasi naman! Napaka-unpredictable talaga ng mga ikikilos niya!

MISSION inside the MANSION =o n g o i n g=Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon