Kabanata 1

85 5 2
                                    

Hays... sobrang nami-miss ko na siya...

Ano kayang ginagawa niya ngayon?

Naaalala pa ba niya ako hanggang ngayon?

Ako kasi hinding hindi ko siya makakalimutan eh...

"Grey! Pinapatawag ka ni Master!"

Ay! Nakakagulat naman tong si Nate! -_____-
Parang kabute! Sulpot ng sulpot kung saan-saan... nagmo-moment yung tao eh tssss.

"Oh? Bakit daw?" ako

Hmmm... himala... ngayon lang kasi ako pinatawag eh... bakit kaya?

"Hindi ko alam! Basta pumunta ka na lang dun BILIS!" siya

"Oo na! Wag ka ngang atat! -_-" ako tsss

Excited masyado eh tsss akala mo naman siya yung pinapatawag tsss. -_____-

"Eh! Nae-excite ako eh Wahahaha!" siya

Sabi na eh. Tss

"Tsss nasaan ba si Master?" ako

"Nandun sa may hardin! Nakaupo sa tabi ng puno ng Acacia." siya

"Sige una na ko... salamat."ako

"Sige haha Good luck sayo!" siya

Maka good luck naman to akala mo naman may ginawa akong masama -_-

Umakyat na ako sa napakahabang hagdan patungo sa hardin -_- oo NAPAKA dahil sobrang haba talaga.

Nang makarating ako sa itaas...

Unti-unti akong lumapit sa kanya...

"Grey, nandiyan ka na pala! Halika dito sa tabi ko." siya

Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya.

"Bakit niyo po ako pinatawag Master?" ako

"Pansin ko kasi nitong nakaraang araw eh malungkot ka. Ano bang nangyayari sayo? May problema ka ba?" siya

"A-Ah Master... nami-miss ko po kasi siya eh..." ako

Oo miss na miss ko na siya... sobra.
Halos limang taon na akong nandito sa langit pero lagi ko pa rin siyang naiisip...

"Sige ganito na lang... kung bibigyan ba kita ng CHANCE na makasama siya eh magiging masaya ka?" siya

"CH-CHANCE?! O_____O"

S-SERYOSO?! PWEDE BA YUN?! EH PATAY NA AKO AH!

"Oo, pero isang araw lamang ang maaari kong ibigay sa--"

"AYOS LANG PO MASTER! KAHIT ISANG ARAW LANG PO AYOS LANG PO SAKIN!" ako

"Oh sige... Bukas ka makakaalis patungo sa mundong ibabaw. Sana wag mong sayangin ang LAST CHANCE na ibibigay ko sayo." siya

"Sige po Master! MARAMING MARAMING SALAMAT PO TALAGA!" ako

Niyakap ko siya sa sobrang tuwa! Hindi ko alam pero naiyak ako sa harapan niya!

Sa loob ng limang taon.... Makikita ko na ulit siya... ang babaeng mahal ko...

Maalala niya pa kaya ako?

---------
Hmmmm... sino kaya yung babaeng mahal ni Grey?

Chapter 1 DONE! Yis! ^_^
Sana po wag kayong magsawang suportahan ang story na to!

- Riri💙

Last Chance (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon