Kabanata 4

41 5 2
                                    

Grey's POV

Ang daming nagbago...

Ngayon ko lang naramdaman na ang dami ko pa lang di natuklasan... lalo na kung ano ang nangyari sa kanya simula ng mawala ako...

Isa akong tindero ngayon... hindi ko alam kay Master kung bakit ginawa niya akong tindero ng street foods -______-

Tssss... bahala na basta ang gusto ko ngayon ay ang makita si--

"Manong pabili nga po ng sampung kwek kwek at limang pisong fish ball." sabi ng babaeng bumibili sa KATABI kong matanda.

Akala ko rin sa akin eh tsss -_-

Nasa gilid kasi ang pwesto namin ni manong malapit sa daan...

Tinignan ko yung babae...

Pero naka talikod siya sakin na parang may kinukuha sa bag niya...

Pagharap niya kay manong... gumawi yung muka niya sa ak--

W-Wait l-lang... O_________________O

S-si Bl---

"Salamat po manong!" sabi niya sabay alis!?

SI BLAIRE BA YUN?! O______O

HINDI AKO PWEDENG MAGKAMALI!?

S-SIYA YUN!

Pero huli na ako... di ko siya naabutan dahil nakasakay na siya ng kotse niya...

Napasabunot na lamang ako sa buhok ko at iniisip kung paano ko ulit siya makikita.

Sana sa susunod na makita ko ulit siya...

Makilala niya ako kahit ganito ang ayos ko...
Gustung-gusto ko na siya mayakap...

At muling tumulo ang luha ko...

--------

Blair's POV

b-biglang may t-tumawid na pusang itim...

Hindi ko alam pero kinabahan ako.

Parang may mangyayaring hindi maganda.

Dumiretso na lang ako sa bahay.

Pagkarating ko dun... may nakaparadang kotse..

Kotse nila papa.

Nagtaka ako dahil minsan lang umuwi sila papa at mama dahil inaasikaso nila yung company namin. Madalas silang wala at umuuwi lang sila kapag may occasion.

Pagpasok ko ng bahay...

*BOOM!*





























"HAPPY 16th BIRTHDAY BLAIR!!!"

Nagulat ako dahil pagpasok ko.

At nagsimula ng tumulo ang mga luha ko ng mapansin kong nandito ang mga mahal ko sa buhay... bukod sa kanya.

Nandito sina Mama, Papa, Khione, yung mga pinsan ko, sina tito, tita at sina lolo at lola.

"Wala ka bang sasabihin iha?" mama

"Hindi mo ba nagustuhan?" papa

"Ang choosy mo naman Blair! Alam mo bang ang hirap magpigil para di ko masabi sayo na may suprise kami?!" si Khione

-__________-

Napaka talaga nitong babaeng to eh tsk

"Ewan ko sayo Khione tsk. Pagsalitaan mo muna ako ano? -____- Uhm, Mama, Papa at sa inyong lahat... Maraming maraming salamat dahil pina-alala niyo sa akin na kaarawan ko pala ngayon... *sabay tulo ng luha* Wala akong masabi dahil natutuwa ako... alam niyo naman siguro at di na kayo magtataka kung bakit di ko naalala na Birthday ko ngayon diba? *sabay punas ng luha* Salamat dahil hindi kayo sumusuko sa akin... Salamat dahil nandiyan kayo sa tabi ko sa oras na kailangan ko ng masasandalan sa loob ng limang ta--"

Pinutol ako ni Khione -_- tsk lagi na lang

"Hep hep---"

Pinutol ko rin siya. Kala niya ah hah!

"Horray?" sabi ko sabay tawa naming lahat pwera siya Hahaha

"Ang daya mo talaga Blair! *sabay pout* napaka mo hmmmp!" siya

Tsk pa-pout pout pa di naman bagay hahaha muka lang siyang si Flaffy Bird na pagkahaba-haba ng nguso tsk.

"Girls tama na yan haha pag untugin ko kayong dalawa jan eh ^_^"

Oo si mama yan -_- masyado siyang jolly.

"Oo nga tara na haha nagugutom na kami." lolo

Sabay-sabay kaming pumunta sa kusina...

May kaunting dasalan na naganap bago kumain...

"Blair, di mo ba siya dadalawin mamaya?" papa

Lahat sila ay tumingin sakin ng tanungin ako ni papa

"U-Uhm... hindi po muna siguro papa" ako

Baka kasi di ako makapag dasal at umiyak lang ako dun hays...

"Hmmm... Nasa sa iyo naman yan eh. Pero kung handa ka na pwede mo naman siyang puntahan." Mama

Tumango na lamang ako....

Simula kasi nung mawala siya di ko na siya kayang makita...

Bumabalik kasi yung sakit eh.

Pagkatapos naming kumain nagsi alisan na rin sila.

Kami na lamang nila mama at papa ang naiwan.

"Ma...Pa... Alis po muna ako ah. Maglalakad-lakad lang po ako jan sa may park dito sa subdivision." ako

"Sige basta mag-ingat ka anak ah." sabi ni papa sabay halik nilang dalawa sa noo ko.

"Opo papa, sige po alis na po ako."

Kinuha ko ang hoodie at cellphone ko bago lumabas.

(Play the music: Without You by Aj Rafael)

Tinignan ko ang langit.

Ang daming stars.

Pero may isang star na nakakuha ng atensyon ko.

Malayo siya sa karamihan at nagi-isa.

Parang ako... nag-iisa na lang simula nung mawala siya...

Muli na namang tumulo ang luha ko.

Bakit ba ayaw ako tantanan ng konsensya ko?! Bakit?!

Limang taon na ang nakakalipas pero nandito pa rin eh!?

Sawang-sawa na ako sa paulit-ulit na pangyayaring to!

Ayoko na... TT_____TT

Umupo ako sa duyan.

"D-Dude... kung nasaan ka man ngayon... sana masaya ka. Napatawad mo na ba ako? Ako kasi sa sarili ko hindi eh... Dude, k-kunin mo na lang kaya ako? Sige na! P-please."

Humahagulgol na ako.

Pagtingin ko sa langit wala ng stars...

Mukang uulan.

"Hayaan mo... bibisitahin kita sa susunod." ako

Napagdesisyunan kong umuwi na dahil baka maabutan ako ng ulan.

Aalis na sana ako ng may mapansin ako...

----
Pabitin muna hehe
Thank you sa mga readers ko!
Kayo ang dahilan kung bakit ko pinagpapatuloy to ^_^
Lalo na ikaw... oo ikaw hahaha alam kong kilala mo kung sino yung tinutukoy ko.

- Riri💙

Last Chance (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon