Potato: Para-paraan.

27 1 0
                                    

Chapter Fifteen

During lunch break, nagpasama kay Faye ang kanilang homeroom teacher sa school garden to check what happened on her first day of her task.

"Ms. Rodriguez, you did a great job for your day one. Keep it up!" wika ng guro na sobrang nabilib din sa nakitang resulta ng ginawa ni Faye. Ngunit hindi na niya ito ikinabigla dahil alam niyang kayang-kaya ni Faye ang parusa, alam niyang hindi papayag si Faye na hindi perpekto ang kaniyang mga ginagawa.

"Thank you, sir! I'm just doing what I have to do." tuwang-tuwang tugon ni Faye sa papuri ng guro. Natutuwa siya ngunit hindi halata sa kaniyang mukha, yes, emotionless.

Patuloy na nagusap sina Faye at ang kanilang guro nang biglang...

"ting ting plak!"

"Arrgh!!" the teacher exclaimed.

Isang lata ng juice ang nahulog mula sa bintana ng ikalawang palapag ng building, ang masama pa nito, tumama ito sa bunbunan ng guro. Hindi naman ito gaanong nasaktan pero tila nasaktan ang damdamin nito dahil nakakahiya nga namang tamaan ng ligaw na lata sa ulo.

"Sino yan!!! Show yourself this instant!!!" galit na galit na tanong ng guro.

Rubbing his head, he picked up the can and looked around to find out who the culprit was.

"Sir Faustino! I'm so sorry! That can was mine." the boy shouted from the second floor window admitting the mistake he did.

"Mr. Gabriel! You??! Very well, then. Meet me at the faculty, A-S-A-P!" the teacher strictly and firmly commanded Brix. He angrily dunked the juice can into the garbage bin and leave, making his way to the faculty.

Hindi na nagawa pang makaimik ni Faye sa bilis ng mga pangyayari. Hindi pa rin nagsi-sink in sa kaniya na si Brix ang may kasalanan. Naisip niya na kakalinis at kakaayos niya lang ng hardin ay mayroon na agad magkakalat dito. And of all people, si Brix pa.

Samantala, si Brix naman ay takot at kinakabahan sa maaring kahantungan ng kaniyang nagawa sa guro. Hindi niya naisip na ganito katindi ang magiging galit nito sa kaniya. Pero wala siyang magagawa, nangyari ang dapat mangyari. Nag-atubili siyang pumunta sa faculty para hindi na madagdagan pa ang inis at galit ng guro sa kaniya.

Upon arriving, nakita niyang kinakausap ng homeroom teacher nila Faye ang homeroom teacher niya, ipinaalam nito ang nangyari sa school garden.

Pinalapit si Brix ng kanilang guro upang marinig naman nila ang side niya. There, Brix began to explain what really happened.

"I'm really sorry sir Faustino. What really happened, me and my friends are just chatting by the window, when I finished drinking my juice, I stepped away from the trash bin and tried to throw shoot the can, parang basketball. Pero napalakas po at lumagpas sa bintana. Then it fell on your head, sir. I'm so sorry!" butil-butil na pawis ang lumalabas sa mukha at leeg ni Brix habang nagpapaliwanag tungkol sa tunay na nangyari. Nakayuko na lamang siya habang hinihintay ang sintensya sa kaniya ng guro.

"Your alibi is good. Pero hindi pa rin iyon tama. If you want to play basketball, then do it on our basketball court, not in our school corridors!" sir Faustino objected.

"I understand, sir. Hindi na po ito mauulit. I'm sorry!" paulit-ulit na paghingi niya ng paumanhin sa guro.

"Talagang hindi na ito dapat pang maulit, Mr. Gabriel. You've been here for three weeks pa lang pero may bad record ka na agad. For now, bumalik ka muna sa klase mo. We will discuss this with the principal first para malaman namin ang karampatang parusa na ibibigay sa iyo. Ipapatawag ka namin after ng last period." ma'am Salcedo, their homeroom teacher, explained calmly, patting the boy's shoulder.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 07, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Through the EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon