Kapag Lalaki Ang Nasaktan

59 3 1
                                    


Prologue:
Sa pagibig,natural lang daw na masaktan ka,normal lang daw lahat ng nangyayari,nagkakatampuhan,nagkakaasaran, at syempre nagkakaroon ng hindi pagkakaintindihan,pero sabi nila in the end, Magkakaayos din kayo,Magiging maayos ang lahat at higit sa lahat babalik at babalik sa ayos ang lahat. Pero ako?? Tsk. Ewan ko kung magkakaayos pa kami ng ex. ko.

kaya ngayon ito ang istorya ko.
kung paano masaktan ang isang tunay na lalaki! At kung paano niya ito lalampasan at kakayanin. :)

Ako nga pala si Diether James Sotto,17 na ako tubong Manila pero sa batangas na ngayon nakatira,5'6 ang taas at hindi masyadong kaputian,gwapo at cute sabi nila pero di ata sila sure LoL. its been a long time mula nung naghiwalay kami ng ex. ko. 9 months na din kaming wala,pero feeling ko bitter pa din ako,wala akong magagawa MAHAL KO EE, Mahirap pagilan ang damdamin lalo na't minahal mo ng sobra,Kaso ang masakit kasi sa part na yun ay--- Hindi nya sinabi ang reason kung bakit siya nakikipaghiwalay :(

(Flashback muna)
3 yrs and 4 months ganyan kami katagal nagsama ng aking ex. noong kami pa, super saya namin, magkasama kami sa lungkot at ligaya ng aming buhay, yes legal kami sa side ko, pero sa side nya? Hmmp pinsan nya lang ata nakakakilala sakin personally, pero di ko pinansin yun dahil iniisip ko baka natatakot pa syang ipakilala ako sa parents, So ayun. lahat ng bagay pinagkakasunduan namin lahat ng bagay pinagsusumikapan naming kunin, as in feeling ko kami na talaga as in pang lifetime, kaso ISANG MALAKING AKALA LANG PALA,

Jan. 15,2015 monthsary namin, Syempre monthsary so kailangan icelebrate,so ayun naggala lang kami with friends, ang saya namin that time kasi nadagdagan nanaman ng buwan at memories ang aming pagsasama, but lahat ng kasiyahang iyon ay mauuwi lang lahat sa isang hiwalayan (Fast forward) Feb. 4 nagtext siya sakin parang galit, wala na daw akong time sa kanya panay fb at panay txtmate lang daw inaatupag ko, mas inuuna ko pa daw yun kesa sa kanya. Ako naman dahil ayaw ko ng away, nilambing ko lang that day then okay na kami ulit.

A days past Feb,07 maganda ang araw ko, walang badvibes at kung ano man ang tumatakbo sa isip ko, Later at night nagtext sakin yung Gf ko, "MAKIKIPAG HIWALAY NA AKO" yan mismo ang nabasa ko sa text nya :( Sobrang nasaktan ako ng sobra, kasi wala akong ideya kung bakit siya nakikipagbreak kung bakit sya nagdesisyon ng basta basta nalang, so dali dali akong nagpaload para lang mareplyan siya "Bakit ka nakikipagbreak? Anong dahilan??"- ako, "BASTA MAKIKIPAGBREAK NA AKO"-siya,. Hindi ko alam pero tumulo nalang ang luha ko, Di ko alam na matatapos na lamang ang relasyon namin sa BASTA nalang , ilang beses ko sya tinanong kung anong problema at bakit? ang tanging sagot niya lang ay basta ,, Sobrang sakit pero, wala akong lakas para magalit,wala akong lakas para awayim siya kasi feeling ko kapag ginawa ko yun ay baka lalo pang magulo ang lahat !!

Vote Guys

Pafollow nadin po sa fb ko just search DIETHER JAMES SOTTO

Ig: @deejaysotto
Twitter: @dietherjames21

Kapag Lalaki ang NasaktanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon