Kapag Lalaki ang Nasaktan-Part III

20 0 0
                                    

"Kapag lalaki ang nasaktan"

By: Diether James Sotto

PART III

After kong malaman ang lahat ng iyon mas lalo akong nasaktan,mas lalo akong nanghina,sinabi ko sa sarili ko na tama na, pero yung puso ko, pilit na lumalaban,pilit ipinagsisiksikan ang bagay na di na muling maibabalik pa.

Lumipas ang ilang buwan,Nakipagusap sya sakin, nakikipagayos, nalaman ko din na wala na sila ng bf nya matagal na din daw,ginawa nya lang panakip butas pero ako? Di ako naniniwala,nagbingi bingihan lang ako sa sinasabi nya! ano ako tanga? Makikinig sa wala nyang kwentang paliwanag? E bakit nung nakipaghiwalay ba siya binigyan ba nya ko ng magandang paliwanag? Hindi diba?

Mula noon naging matigas ang aking puso, pilit kong itinatanggi na hindi ko na sya mahal, pero ang totoo habang pinagsasalitaan ko sya ng masasamang salita,ay lalo din akong nasasaktan, pero sa tingin ko ito lang ang tanging paraan para makalimutan siya, Tama na din siguro ang pagiging martir,tama na don siguro ang pagiging tanga, wala din naman mangyayari kung pipilitin ko pa ang sarili ko sa wala kaya mula noon.

nagsimula ako ng panibago,panibagong yugto ng aking buhay,walang sakit at walang hinanakit sa akin puso, tamang tama at papasok na din ako sa skwela bilang 1st yr. college sa isang kilalang paaralan saming lugar, so ayun nagaral nalang muna ako. inisantabi ko muna ang lahat ng mga pait na naramdaman ko noon..

August na pala, Matagal tagal na din mula noong naghiwalay kami,unti-unti na din akong nakakalimot,unti-unti na din akong bumabalik sa dati kong sigla...

Pero isang araw......

Nabitin ka ba??<
Intay lang sa sunod na yugto...

Fb: diether james sotto
Ig: @deejaysotto
Tw: @dietherjames21

Kapag Lalaki ang NasaktanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon