/ Kaya nagtungo na si Helerie papunta sa Room neto, Sa sobrang excitement ni Helerie, Tumatakbo-takbo na siya sa Hallway ng Building.
Sobrang namimiss na ni Helerie si Nate.
Kaya hindi niya alam kung ano ang una niyang sasabihin. :)
Konti nalang at Malapit na siya sa Pinto ng Silid-aralan ni Nate..
Nang ilang hakbang nalang siya, Aktong sisigaw na sana siya ng "Nate Rio Chua" ngunit di niya ito naisigaw at Labis na niyang ikinabigla ang bumulaga sakanyang mga paningin, Nasasaksihan ni Helerie ang ginagawang aksyon ni Nate sa ibang babae..
At ang babaeng ito ay ang Tinuring Bestfriend ni Helerie mula noong nasa HighSchool palang sila.
/ Hindi na niya nagawang makapagsalita pa bagkus bigla nalang siyang napaupo sa Sahig..
Hindi pa rin siya nakikita nang dalawa sapagkat nakatalikod at medyo malayo sila sa kung nasaan si Helerie.
/ Lumipas ang ilang minuto at tuloy pa rin ang dalawa sa kanilang ginagawa..
Nang tumahan at Nakapagpakalma na si Helerie, Tumayo at Umalis na ito at Naglakad-lakad siya ng parang nasa kawalan.
Ang bigat ng pakiramdam niya, Nanlulumo't nanghihina siya..
Sa tagal niyang Hindi nakasama, nakausap at nakakatext si Nate yun pa ang makikita't masasaksihan niya..
BINABASA MO ANG
You're too Late
Teen FictionDumarating at Darating sa Buhay ang makatamasa ng Lungkot at Saya, Hindi natin alam kung Kelan, Paano o Kung Kanino. Sa buhay, Dapat Sulitin, Enjoyin, Magpakasaya habang Hawak o Nasasa'yo pa.. Dahil sa Buhay, Hindi natin alam kung hanggang kelan ba...