Chapter 5

5 0 0
                                    

Domiinique POV*

"Ughm. Im Dominique Perreira. Nice to meet you Nicko." 

"Nice to meet you too, D-domini-que :)"-Nicko

"Are you okay?"

"Yes. Of course."-Nicko

"Okay. I gotta go, nice to meet you ulit. :)"

Ano kayang meron dun? Parang ewan. Titig na titig siya sa mukha ko? Oh no! Nagagandahan niya ako? Infairness, gwapo siya. Hay chos! Andito ako para mag-aral hindi para mag you know! Maglandi -.-

Nicko POV*

Grabe! Hindi ko alam ang gagawin ko ng malaman kong Perreira rin siya. Ano kayang ugnay niya kay Ley? Im so depressed, di pa man nag-aaral nadedepressed na agad ako. Ano ba to! Tama na tong tadhanang naglalaro saakin. Hindi ko na kaya. :(

"Ano na pare? Ano name nung babae?"-Myco

Parang hindi ako makapagsalita sa mga nalalaman ko, ano ba to. :( Parang bumalik yung mga alaala naming dalawa, yung masasaya, sweet at masasakit na nangyari saamin at lalong-lalo na sakanya. Hindi ko sinadya yun. Mahal na mahal ko si Ley, ayaw ko siyang nasasaktan pero sa isang iglap, nawala siya.

"Hoy pre! Natulala ka na diyan."- Brad

"Guys, siya si Do-dominique...." Hindi ko masabi ang apilyido niya. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Parang bumalik ang pagmamahal ko kay Ley pero hindi si Ley ang bumalik at nagpakita saakin kundi si Dominique. Handa ko ba siyang mahalin? Handa ba ulit akong mag mahal? Tangeneng buhay to. Bumabalik yung sakit na naramdaman ko dati, unti-unti. :'( Parang gusto ko ng mamatay ngayon. Oo ngayon. Shet

"Dominique? Dominique Ochoa?"-Brad

"Gago ka. Tignan mo nga si Nicko, seryoso na nga nagawa mo pang magbiro." -Blake

"Sorry naman. Sino nga ba siya Nicko?"-Brad

"Siya si Dominique Per-rreira :/" 

"Perreira?!" -Myco

"Wag mong sabihing kapatid ni Ley yun?"-Blake

"I don't know. Ang alam ko lang, parang bumalik yung mga sakit na naramdaman ko nuon. Yung mga alaala namin ni Ley pero pati ata ang pagmamahal ko kay Ley bumalik pero..." hindi ko masabi, naguguluhan ako. "pero hindi kay Ley yung pagmamahal? Parang bumalik yun hindi para kay Ley kundi para kay Dominique, parang natamaan ako sakanya." Naiiyak na ako, hindi ko alam kung bakit ko nasasabi lahat ng iyon sakanila.

"Pare, baka nasasabi mo lang yan ngayon. Pero siguro hindi pa tama yang nararamdaman mo para kay Dominique siguro kaya mo nasasbi yan kasi sobrang mahal mo parin si Ley at never yun nawala sayo. Siguro hindi mo kayang wala si Ley kaya mo na sasabi yan saamin." -Blake

"Ewan ko pare. Naguguluhan na ako."

Maghapong hindi na tanggal sa isip ko yung mga nanyari kanina. Hanggang ngayon naguguluhan parin ako, tama nga ba yung sinabi saakin ni Blake? Na talagang mahal ko parin si Ley at hindi ko kayang mawala siya sakain kahit ang totoo eh, hindi na ulit mangyayari yung mga nakaraan namin dahil wala na siya.

Ayoko ng masaktan ulit ako, ayoko ng makasakit ako ng damdamin ng tao. Pero paano? Dumating si Dominique sa buhay ko. Nilalaro ba talaga ako ng tadhana kaya siya dumating sa buhay ko? :/

Sa mga mata ni Dominique parang puro kainosentehan ang nasa mata niya at pagmamahal. Hindi ko magagawang saktan ang katulad niya....

Pero paano na ako? :(

-----

ANO KAYANG MANGYAYARI? ANO KAYANG GAGAWIN NI NICKO NG DUMATING SA BUHAY NIYA SI DOMINIQUE? 

MAGANDA NA BA? Sorry hindi ako expert eh. Hahaha! :D

God bless. :*

Chasing My Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon