Chapter 12

78 1 0
                                    

- Elish's POV -

Blank. Walang laman ang utak ko ngayon. Hindi ako makapag-isip ng maayos. Naguguluhan ako. Hindi ko alam kung anong dapat kong mararamdaman. Dapat ba akong maging masaya bilang isang bestfriend? Oh malungkot bilang isang taong nagmamahal? Hindi ko alam. 

Gusto kong sasabihin "Oo naman! may pag-asa ka" dahil yon naman ang totoo. Sino bang hindi magkakagusto sakanya? He's every girls dream. Pero dapat ko bang sabihin yon? Dapat ko ba siyang bigyan ng lakas ng loob? Pano naman ako? I know I sounded like a selfish bitch but let's face it. This is reality. And I don't want to feel alone. I dont want to be alone.

"S-siguro" yun lang ang nasabi ko. Pagkatapos kong sabihin parang gusto kong bawiin pero hindi ko magawa dahil nakikita kung paano nagliliwananag ang mukha niya. Gusto kong umiyak dahil ako mismo ang nagtutulak sakanya palayo sakin. 

"Talaga?!" tska siya humiga sa kama at tinabihan ako. 

"O-Oo. Malay mo diba?" 

"Sana nga"

"Alis nako Bru" sabi ko at tumayo na.

"Bukas sabay tayo mag lunch"

*****

Palipat na ako sa next class ko ng makita ko si Clod sa corridor kasama sina Vince at Sky.

"Wala kayong pasok?" tanong ko ng makalapit ako sakanila.

"Meron" sagot ni Clod habang nagt-text.

Nagkatinginan lang kami ni Lara "Anong ginagawa niyo dito?"

"Eh kase itong si Clod nagkaron na rin ng lakas ng loob na itext si Zurry at nakausap pa niya!" at nag apir sila ni Vince

Nakatext na niya si Zurry? Sinabi naba niya?

"T-Talaga?" yun lang ang nasabi ko.

Tinignan ko si Clod. Nakangiti siya habang nagt-text. At some point, nasasaktan ako. Nasasaktan akong makita na hindi na ako ang dahilan ng bawat pagngiti niya. 

"Oo! At masaya siya ngayon" biglang sabi ni Vince.

"Bakit naman?" mataray na tanong ni Lara "Don't tell me sabay silang magla-lunch ni Clod dahil sa pagkakaalam ko si Elish ang kasabay ni Clod ngayong lunch. Diba Lish?"

Biglang tumingin si Clod sakin pagkasabi ni Lara non. Parang humihingi ng sorry ang tingin niya. At doon palang alam ko na. At kailangan ko na rin sigurong sanayin ang sarili sa ganon. 

"Lish?" sabi ni Clod habang nakatingin parin sakin "Pwdeng bukas nalang tayo sabay mag lunch? Nakalimutan ko kasi eh" paliwanag niya.

Ngumiti nalang ako "Okay lang. Sige alis na kame baka ma-late na kami eh"

Pagtalikod namin huminga ako ng malalim "Oh ano? Kaya mo pa?" tanong ni Lara

"Lars, please" hindi ko kailangan ng sermon niya ngayon. Alam ko naman eh. Hindi na niya kailangan sabihin.

"Bahala ka. Ang sinasabi ko lang naman hindi mo kailangan magpaka martir dyan. Mauna na ko" tska na siya umalis.

Hindi na ako pumasok sa klase ko. Dumeretso ako sa field. Atleast dito tahimik. Walang Lara na mas alam pa sakin ang lahat. Walang Clod na sinasaktan ako at walang Sk---

"Boo!"

"Ano ba Sky!" 

"Bat ang loner mo?" umupo siya sa tabi ko

He's My Happy EndingWhere stories live. Discover now