Chapter 11

115 1 0
                                    

- Elish's POV -

"Na receieve kaya niya?"

"Baka naman nagpalit ng number kagabe kaya hindi parin nag rereply"

"Baka ayaw kalang talagang replayan!"

 Nagtataka na kayo kung sino yang mga yan? Sina Clod, Vince at Sky lang naman. Kanina pa nila pinatatalunan yan. Nagtataka ulit kayo kung ano? Kung nakalimutan nyo na dahil ang tagal mag update ni author. Kinuha ni Clod kay Mommy number ng mommy ni Zurry at hiningi ang number niya. Tinext daw niya agad ito pagkakuha niya sa number pero hanggang ngayon hindi parin siya nag rereply. 

"Hintay kalang kasi pre, malay mo hanggang ngayon nag-iisip pa siya ng irereply niya" sabi ni Sky sabay apir kay Vince.

"Manahimik nga kayo hindi nyo naman katulad si Zurry. Mga slow kasi kayo" ganti naman ni Clod. At hindi na kami nakapag lunch ng maayos dahil puro sila banatan pero bandang huli sumuko din si Sky dahil pinagtutulungan na siya nina Clod at Vince.

Natapos ang lunch at bumalik na kami sa kanya-kanya naming mga klase. Pagpasok ko wala pa kaming prof kaya nagkwentuhan muna kami ni Lara. 

30mins na pero wala parin kaming prof kaya yung iba sa mga classmates namin ay nagsipag labasan na. Lumabas nalang din kami dahil wala naman kaming gagawin sa loob. Pumunta kami sa may field para tumambay sa ilalaim ng puno. May mga naglalaro ng soccer kaya nanood muna kami.

"Lish? Kumusta na kayo ni Clod?" biglang tanong niya.

"Bat mo naman natanong? Syempre mabuti. Kailan ba kami nag away non?" nag-aaway din kami minsan pero agad din namin naaayos.

"Hindi naman kasi yon ang ibig kong sabihin" this time tumingin na ako sa kanya.

"What do you mean?" tanong ko.

Bumuntong hininga muna siya bago magsalita "You know.... Kayo as in KAYO" 

"Alam mo ang gulo mo. Anong kame?" 

"Diba gusto mo siya?" alam ni Lara na matagal ko ng gusto si Clod at alam din niya na wala akong lakas ng loob sabihin sakanya ang nararamdaman ko. 

"Alam mo naman diba?" sabi ko sabay tingin sa lupa

"Alam na ano? Na naduduwag kang sabihin sakanya ang totoo?" hindi na ako nagugulat sa mga sinasabi niya dahil ganyan talaga siya, straight forward. Sasabihin niya ang gusto niyang sabihin.

"Hindi naman kasi ganon kadali yon, Lars. Hindi ko kayang isugal ang pagkakaibigan namin dahil lang sa gusto ko siya. What if hindi pala niya ako gusto? What if iwasan niya ako pagkatapos kong magtapat? What if--"

"Yun nga eh! What if? What if gusto ka pala niya? What if hinihintay kalang pala niya" dugtong niya sa sinsabi ko.

Hindi nalang ako kumibo dahil lalo lang hahaba ang usapan at ayoko ng magtalo pa kami dahil hindi din naman siya magpapaawat. At alam ko rin naman sa sarili ko na hanggang magkaibigan lang kami dahil mukhang nagugustuhan na niya si Zurry. Hindi na din kami nag-usap pagkatapos umupo nalang kami, siya nagbabasa at ako... nakatingin lang sa mga naglalaro. Wala na din naman kaming pasok. Umalis na si Lara kaya ako nalang mag-isa. Maya-maya pa ako makakauwi dahil may practice si Clod ngayon.

Sa sobrang inip pumunta nalang ako sa gym. Mas gusto ko naman makitang si Clod ang naglalaro kesa sa mga soccer players na hindi ko naman kilala,

Pagpasok ko sa gym umupo agad ako sa mga bleachers. Nakita naman agad ako ni Sky at tinuro niya ako kay Clod. Nagpa wait sign, tumango lang ako. Alam ko naman na matagal pa ang practice nila. Binigyan sila ni coach ng 10mins break at nilapitan agad ako ni Clod. Nilabas ko yung panyo ko at pinunasan yung noo niya. 

He's My Happy EndingWhere stories live. Discover now