Chapter 1: piggy

20 0 0
                                    

Breanna

"Breanna.. Naaalala mo na ba?.. "
Nilapit niya yung mukha niya!, hahalikan niya na ba ako ? Omg ito na yon! Prince charming ko ! Ipipikit ko nalang mata ko at hihintayin ko yung pag halik mo sakin ! ..

"Breanna .. Oras na! .."

Oo alam ko na oras na para halikan mo ako ! Yihh kinikilig ako sayo

"Ang sabi ko oras na! Late ka na!!"

"AY PALAKA! mama naman eh! Nakakagulat naman kayo"

Panaginip lang pala ang kabayo . Epal itong nanay ko haha . Sayang eh . Ayun na eh hahalikan na ako ni prince charming eh . Akalq ko kung sino nag sasabi ng "oras na" nanay ko lang pala . Hays pasukan nanaman 2nd year college na nga ako

"Anong palaka naman ! Sa ganda kong ito !? At hoy . .Ano nanaman yang napanaginipan mo ah? May bf naba anak ko? Dalaga na talaga"

Ako ? May bf daw? Saya ko na sana kaso wala eh . Wala naman magkakagusto sakin at sa itsura kong ito.
Sa panaginip lang talaga ako may bf haha sus .

"Wala wala kalimutan mo na ma "

"O sige , dali na kumain ka na ay maligo ka na ma lelate ka na niyan"

" mag titinapay nalang ako ma "

Pagkatapos kumain nag paalam na ako sakanila . Aba kung kailan ako papaalis dun palang nagising kapatid ko .

"Bye yaya, morning leanne!"

"Ingat maam breanna"
Si manang talaga minamaam maam pa ako

"Anong good sa morning ate!"
Aba itong kapatid ko siguro lumalovelife.

"Ma itong si leanne may problema oh ! "

Nagmadali akong umalis sa bahay namin habang naglalakad nakita ko si William Aquino kasabay kong maglakad Grabe ang pogi niya , prince charming ko .. Pinakatitigan ko siya habang naglalakad bigla siyang tumingin sakin at nag smile . Omo syempre nag smile din ako . And then nauna na siya binilisan niya paglakad niya . Late din pala siya ah ?
Nakita ko naman si Alexa Bondoc best friend ko .nasa harapan ko pala di ko napansin . Tinawag ko nga ..

"Alexa!"

Aba hindi humarap sakin bingi ata itong babaeng ito ,kaya lumapit ako tapos kinalbit ko siya

"Hm? Uy breanna ! Kamusta!? "

"Okay lang naman .ikaw?" Sabay ngiti at yakap ko sakaniya

"Okay lang din haha! Tara sabay na tayo ! Buti nalang malapit lang satin yung sfp university "

"Oo nga eh "

Sabay na kaming pumunta sa school . Naghiwalay din kami agad kasi yung unang subject na papasukan nila is math . Kami naman science . Hinanap ko yung science room na papasukan ko . Nasa science building na ako kaso hindi ko mahanap yung room ko .

"Science room #3 ? Ah ito pala "

Nung pagkabukas nang pinto marami ng mga studyante .. Pero wala pa yung teacher? Bakit ganon? Na late din siguro
yung teacher haha buti nalang . Ang problema niyan saan ako uupo ? Ang ingay sa room . Wala kasing teacher eh.

"Psst!"

Huh? May tumawag ba sakin ? Ah si ... -_- Myrrh Anderson lang pala oh eh ano ngayong tinawag niya ako ?

"Dito ka umupo"
tinuro niya yung upuan sa tabi niya -_- ..No Way Stair Way ... Baka asarin o pagtripan niya pa ako . Pero sige choosy pa ako haha . Sabagay siya lang naman kilala ko dito sa science class eh . Umupo na ako sa tabi niya .

"Ngayon ko lang na realize... Na Ang taba mo pala haha"

Sheteng mokong na ito ah sabi ko na nga ba eh aasarin lang ako . Sabagay.. Totoo naman sinabi niya eh huhuhuhu
Pero mas mataba ako noon eh haha pumayat na ako ngayon di niya pa na appreciate di ba niya man lang ako kakamustahin!?

"Biro lang ,haha magsalita ka naman ganun ka parin eh noh? Tahimik. Parang nung 1st year college tayo .Kamusta ka na pala piggy ? "

Aba aba .. Kinakamusta ako ..kaso may kasama pang piggy .

"Okay naman .." Sabi ko ng hindi tumitingin sakaniya .

"Oh okay naman pala eh bakit hindi ka tumingin saakin piggy? May kailangan ba akong ipaayos sa mukha ko? Dahil ba sa sobrang pogi ko haha "

Aba buti alam mo. Meron ka nga dapat ipaayos . Itong abno na ito kung maka piggy akala mo naman close kame
Habang hindi naman ako nakatingin sakaniya ito namang mga babae sa harap ko ang sama ng tingin saakin. Dahil siguro sa katabi ko si myrrh . Aba tinarayan ba naman ako ng tingin . Sobrang kapal naman ng mga makeup kulang nalang mas kakapal pa yung makeup nila sa kaysa sa mukha nila .hmp. Biglang lumapit sakin yung isang babae..

"Excuse me diyan talaga ako nakaupo eh . Tsupi tsupi "

"Ah okay .. Sorry " Ah gAnun ba bakit hindi ka dito umupo kanina -_- .

"Im sorry pero kanina pa siya nakaupo dito eh so ..Dito siya . "

Aba aba si abno ah talagang sinabi niya yon haha . Tinarayan ako ng babae atsaka siya umupo sa dati niyang inuupuan kanina . Idol ko na itong mokong na ito haha

"Crush mo na ako niyan? "
Lakas talaga ng loob nitong sabihing crush ko siya . YUCK!

"Lakas ng loob mong sabihin yan . Hindi noh . May iba akong crush "

"Palusot ka pa . Style mo . Ikaw baboy ka talaga asa ka din namang magkakagusto ako sayo haha . "

Jusme kailan ba ito titigil . Hindi namin napansin time na pala para sa second class . Sa english building niyan ako pupunta. Pagkalabas ko ng room namin biglang may yumakap kay myrrh na babae. Gf niya siguro . Aba yung mokong na toh may gf pala .di ko akalain dahil sa ugali niya . Yung babae naman nag smile saakin. Huh? Bakit kaya? Hindi ko naman kilala eh . Pero mukhang mabait . Then nakita ko si Kevin gonzales may dalang english book!? Hindi kaya makakaklase ko siya sa english subject namin . Hinayaan ko na si mokong at yun gf niya . Pumunta nalang ako sa english building . Habang nag lalakad may biglang nang gulat saakin ..

"AY DAMULAG!" Jusme si myrrh lang pala akala ko kung ano bakit kase kailangan pa akong gulatin eh

"Excuse me , sa pogi kong ito? Ako ? Damulag? English din yung next subject ko eh room 8 ako "

Pogi daw..sus
Aba aba kaklase ko parin siya haha pati sa english ba naman . Hanggang kailan ko kaya titiisin pang aasar nitong tangkad na toh .

"Room 8 din ako"
Habang papunta kami sa english room namin nakita ko si william , pinagpapawisan ako huhuhu , Maayos lang kaya buhok ko? , grabe ang pogi niya nakakainlove , ito namang si myrrh ..

"Bro! How are you!?English class din ba second subject mo? Room 8 din ba! "

" im fine , haha oo room 8 . Nice haha"

Grabeh na out of place ako sa kanilang dalawa .. Papunta na ako ng room nang may biglang humila sa kamay ko...

Itutuloy...


Perfect PartnersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon