September 20, 2013
Ako si Bernadette , 5 taon ng namamasukan sa isang kompanya sa Manila bilang isang computer programmer , 4 na taong probitionary at ngayong taon na to sa wakas! regular na ako. Nung una wala naman talaga akong balak na seryosohin at iprioritize ang company na to , needed ko lang talaga as newly grad. para lang sa experience at mabilis na pera. Sa ngayon sayang naman kung bibitawan ko na malamang kaka regular ko lang at mahirap talaga ang maghanap ng trabaho.
10:00 na ng umaga na-late na naman ako ng gising at sigurado ako na mallate na ako sa trabaho, ewan ko ba siguro kasi matagal na ako sa company namin di kagaya nung una na pagbago ka palang paunahan. siguro kasi nakakaumay yung paulit-ulit ang iyong nakikita at paulit-ulit din yung environment. regular na kaya medyo tumigas-tigas na din ang ulo hehehe safe ng ma-late at umabsent.
recently din kasi naging stressfull ang naging week ko maraming projects at execution ang pinapagawa sa akin regular na daw eh. puro over time at extra work ang pinapa gawa.
10:20 na at pa alis pa lang ako office hour namin is exactly 10 bongga late na late na di ba? at musta naman sa Paranaque pa ako nakatira at halos 1 hour pa yung biyahe mula sa amin hanggang sa office kung kaya't super mega goodluck sa akin pagdating.
Bandang Buendia na ako nang biglang tinext na ako ng ka officemate ko
1 Message Recieved :
From : office.atelenny
Bernadette, nasaan ka na? hinahanap ka na dito ngayon daw darating ang papalit kay sir Arlie.
hala! ou nga pala ngayon ang turn-over ni sir Arlie sa bagong CEO ng company namin , naku kailangan na kailangan nga nila ako dun pagnagkataon na hinanap at wala ako yari ako sa mga boss neto. ba't pala ako nag bus! naku lagot na!
************************************************************************************************************************************************************************************************************************
-Tumigil ang Bus sa may Quirino para magsakay ng pasahero samantalang si Bernadette ay di mapakali iniisip kung anung palusot ang sasabihin sa kompanya.
( umakyat ang pasahero at naghahanap ng pwesto................)
"bayad ko po."
"saan to? " tanong ng konductor
"UN po manong."
"sige dun ka na lang oh may pwesto pa dun sir." turo ng konductor.
(habang papalapit sa upuan..................)
Teka, si Angelo to ah aba at dito pa nga ata uupo . Siya ang EX ko 5 years ago iniwan na lang ako ng basta-basta ni di ko nga alam kung anung dahilan di kami nagkausap ng maayos at bigla nalang nawala ng walang sinasabi sa akin.
ahem, pambihira oh sirang-sira talaga ang araw na to!
"ikaw pala musta ka na ?" (pang asar na ngiti ...)
hindi okay di ba obvious?
"ah. san ka na ba ngayon nagwwork dun pa rin? late ka na ah. ano kaya ang sasabihin ko kung ako yung boss mo?"