chapter 1: welcome, bride.

148 12 1
                                    

Karisma.


"Malaki sa malaki..."

Yan nlang ang nasabi ko sa sarili ko habang nakatayo sa tapat ng isang napaka laking gate na ang nasa loob ay mala-palasyong mansyon na may malawak na garden.,

Ang totoo? Hindi ko talaga akalain na may ganito talagang kalaking bahay.,akala ko sa mga pelikula lang meron nito eh.. at hindi ko rin alam kung anong ginagawa ko rito.
Basta ang alam ko.
Kapag pumasok ako sa loob, at naibigay ko itong papeles sa kung sino mang alamat na may ari ng bahay na ito, bayad na daw ang utang ni papa.

Hayyy si papa talaga.. pahirap, bakit kasi iniwan nya pa ako eh.. at di lang iniwan, iniwanan pa ng utang.
😥

Muntik ko nang makalimutan.
Ako nga pala si Carmela Karisma Acosta Lopez. Ang haba no?
A.k.a carmi, kakai,kari,karisma, kare kare, o kahit ano pa mang gusto niyong itawag sakin.
Inartehan lng naman kasi ng napakagaling kong papa tong pangalan ko,
Im 17 years old, 4th year highschool..
namatay ang mama ko noong tatlong taong gulang palang ako, si papa naman.,
Nung nakaraang buwan lang,

0o.
Kakamatay lang niya dahil sa sakit, at ang iniwan nya ?
NAPAKALAKING UTANG.
Bakit hindi ako umiiyak? Bakit hindi ako malungkot?

malungkot ako.
Sobrang lungkot.
Pero, yon ang ayaw ni papa, ang malungkot ako at umiyak dahil sa wala na siya...
Yon ang huling sinabi niya bago siya mawala.
Ay... may isa pa pala,
humihingi siya ng tawad,
hindi ko talaga alam kung para saan yun pero sobrang lungkot niya.
Naging mabuting ama naman siya sakin at napalaki niya naman ako ng maayos. kaya tingin ko wala siyang dapat na ihingi ng tawad, dahil nagampanan niya naman ang pagiging ama sa akin.

Ngayon, sa pamamagitan ng pagpunta ko dito, matatapos na ang lahat.
Yun ang alam ko.




Hays.... nakaka apat na doorbell na ako!
Tama ba talaga tong napuntahan ko? Ito naman yung nakalagay sa address ah... tsaka,
Wala namang ibang bahay dito.
Hayy ang lamig pa naman dito sa labas.

Unti-unti kong hinakbang ang naninigas kong paa dahil sa lamig at nagdesisyong umalis nalang..
Mali nga siguro tong napuntahan ko.
Hayyyyyy.
😓



"Lady ckarisma ??"

"Huh ??"

Biglang may lumabas na mga boses mula sa doorbell monitor.

"Umm. O--opo, ako nga po."
Sagot ko.

"Sya naba talaga yan ??"

"hindi nga ?"

"Ang ganda niya pala ano?"


May mga boses akong naririnig mula sa monitor na parang pinag uusapan nila ako.
Bakit?

"Tumahimik muna kayo. Mula sa impormasyong ibinigay sa atin ng tiyahin niya, nakasuot siya ng bughaw na bistida kaya siya na nga yan."

Impormasyon? blue na dress? tiyahin?
Si tyang letty ba yung tinutukoy nila ? Ano bang meron dito ? Hindi kaya mga sindikato tong mga ito?
Paano nilang nalaman ang kulay ng suot ko?
At bakit ba ang dami kong tanong?

nagulat ako nang biglang bumukas ang gate sa harapan ko.
Mas lalo kong natanaw ang napakagandang hardin sa harapan ko.
napahawak nalang ako sa nakabukas ng gate habang manghang manghang tinatanaw ang buong lugar.

Maya maya pa ay may dumating na isang itim na lemo mula sa loob ng bahay at huminto sa harapan ko.
Lumabas ang isang ginang na parang nakapang maid na suot.

"Kanina ka pa po namin hinihintay, Young Lady."
Bungad nung ginang.

"Ah ganoon ho ba, pasensya na ho kayo.."

"Wag niyo na pong isipin.. sumakay na po kayo at baka mas lalo kayong lamigin lady ckarisma.."

"Ah... salamat po., pero hindi niyo na po kailangang maging masyadong pormal ma'am.."
Naiilang kong sagot.

"Huwag po kayong mabahala.. bahagi po ito ng trabaho namin, halina kayo."
.
.
.
.
.
.
.
.
.





Hindi ko akalaing ganto pala kalawak ang garden at kailangan pa naming gumamit ng sasakyan para makarating sa mismong bahay.

Sa laki kasi, malayo palang tanaw mo na ito kaya aakalain mong malapit lang.

Sobrang tahimik.

Walang nagsasalita ni isa sa amin, tatlo lang kaming nasa loob ng sasakyan, yung driver, ako, at ung ginang na sumalubong sa akin.

Sa boses nya kanina, nakikilala kong sya yung nagsalita sa monitor na alam na alam pati kulay ng suot ko.

Di ko alam pero.

Parang......




Kinakabahan ako.

Huminto ang sinasakyan namin sa tapat ng isang napakalaking pintuan ng mismong bahay,
Opo. Lahat nalang malaki.😂
Pinagbuksan ako ng pinto ng driver,

At pinayungan naman ako nung ale,
Ganito ba talaga nila itrato ang may utang?
O baka naman natutuwa sila kasi magbabayad na ako?

nagtataka ako dahil Habang naglalakad sa hagdan papunta sa pintuan ay may mga nakapilang mga maid sa magkabilang gilid ng hagdan at lahat sila naka bow sa akin.,

At pagkatapos ay sabay-sabay silang nagsalita.

.
.
.
.
.
"WELCOME...., BRIDE."

"HUHHHHH ?????????"
😨

The Sacrificial BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon