Chapter 29: The Room of Wisdom (The hide and seek game part 2)

30 3 0
                                    

Ckarisma.

Ang init.
Ang sarap sa pakiramdam.

"Are you still cold milady ??"
I open my eyes little by little, and saw his beautiful brown eyes.
Nakayuko lang siya sa akin habang hinahaplos ang ulo kong nakaunan sa kandungan niya.

"Pwede bang tanggalin mo na yang maskara mo ??"
Tanong ko sa tinatamad na boses habang kinukusot ang mga mata ko.

"Not now."
Ngumiti siya habang hinahaplos haplos parin niya ang ulo ko..

bakit ganito.. parang..
Pamilyar sa akin ang bawat hawak niya..

"Bakit ?? Ang daya mo naman...
Kung ayaw mo, ako nalang ang magtatanggal..."
Unti-unti kong iniangat ang kamay ko at inabot ang maskara niya..
Pinigilan niya ito.

"It's time for you to wake up, milady."

Dahan dahan niyang ibinaba ang mukha niya sa akin at.

**

"AY TETENG KA !!"
Bigla akong napatayo mula sa sahig na kinahinihigaan ko at nakita ang fireplace sa tabi ko., kaya pala ang init...
pero teka ?? pwedeng magtanong ??
ASAN AKO ??!!
At isa pa,
NAKATULOG TALAGA AKO ??!!
Napakagaling.

Luminga-linga ako sa paligid para tingnan kung nasaang dimensyon na ko napunta.,
Pero, parang pamilyar tong lugar na to.

Ay alam ko na !!
ANDITO AKO SA SECRET ROOM !!
ang huli ko lang na naalala, ay nagtatago ako mula sa isang serial killer, este kay sakura. Tapos., natabig ko yung Vase na...
Tama !! Yung vase !!
Kung ganoon ?? Kaya ako andito ay dahil ??

Napangisi ako ng hindi sinasadya.
Ang galing kasi, kung kailan na ako nasa bingit ng kamatayan ay sakto namang nalaglag ako papunta dito sa secret room. Ang swerte ko..

Kung naalala niyo pa ay napunta din ako noon sa lugar na ito nang hindi sinasadya., yun ay nang matabig ko ang vase na nakapatong sa isang lamesita,
Kumbaga, ang vase na yun ang pass papasok dito sa loob. Bawat sulok nitong mansyon ay napapaligiran ng ganoong vase na iisa lang ang itsura..

Ikinalang ko ang kanang kamay ko sa tuhod ko para tumayo, pero napansin kong may hawak hawak pala ako.
Yung kwintas !!
NAKU NAKALIMUTAN KO NA TO !!!!

Pero siguro ito yung dahilan ng swerte ko.

**

"Hayssss.... ano bang gagawin ko sayo ha ??"
Bulong ko sa sarili ko habang nakaupo dito sa study table at hinahaplos tong kwintas na mas mahal pa sa buhay ko.

Nagpasya akong bumalik nalang dito sa kwarto ko tutal wala naman akong kahit na anong gagawin doon sa secret room. Tapos nakakatakot pa doon dahil laging nakasindi yung apoy sa fire place kahit wala namang tao.
Sino naman kayang may ari nung kwartong yun ??
Hay nako hayaan mo na nga.

Ibinaon ko ang mukha ko sa lamesa at nagpasyang matulog nalang.
Nabuburyong na talaga ako.
Sem break kasi kaya wala akong ibang mapupuntahan.
At itong bakasyon din ang dahilan kung bakit bumisita rito si sakura..
Hayyyy....
Ang tagal naman ni butler kai.....

**

May naramdaman akong humahaplos sa ulo ko, yan na naman yung mainit niyang kamay.. o baka naman, napunta uli ako sa secret room ??

"Tadaima."
-I'm home
He said in a gentle warm voice.

Unti unti kong iminulat ang mga mata ko.,
nakita ko si butler kai na nakaupo sa tabi ko at may dala dalang tray ng pagkain.

The Sacrificial BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon