Karisma.
"Huh???!!!"
"Lady karisma, pumasok na po tayo."
"T-teka lang ho! May hindi po ako maintindihan, ano pong sinasabi nila?"
"Mamaya niyo nalang po isipin ang tungkol sa bagay na iyan. Sa ngayon ay kailangan na nating pumasok,
Naghihintay na po ang madam sa inyo."Huh? Yun naba ung pagbibigyan ko netong papeles? Yun na nga siguro. Madam daw eh.,
"Si-sige ho."
Sumang-ayon nalang ako.Halos lumuwa ang dalawang mga mata ko nang buksan na ang pintuan ng bahay para sa akin. nasa pelikula ba ako?
Naupo ako sa upuan sa sulok, mukhang hihintayin ko pang lumabas ung "madam" na sinasabi nila.
Napakalawak,
May isang malaking hagdan sa harap ko, as expected sa isang mansyon.
At andaming mga antigong gamit, halatang ang mamahal, pati ang chandelier sa uluhan ko.
Palagay ko dead on the spot ako kapag nabagsakan ako nito.😂Sobrang ganda.
Ni hindi ako makapag salita sa ganda,
Ang taong may ari ba nito ang pinagkakautangan ni papa?Tsk. Ang taong yon talaga, hindi ba niya nakikitang sisiw lang kami para mga ito? Kung nagkataon pwede nila kaming tapak tapakan.
kaya....Nagtataka talaga ako kung paanong nabayaran ni papa ang utang niya sa kanila,
Hmmm.
Sa bagay kung maliit na halaga lng naman kayang kaya niya yon gawan ng paraan.
Walang anu-ano'y bigla na lamang akong napalingon ako sa isang malaking portrait na nakasabit sa dingding sa kanan ko.
Isang lalaki,Cguro nasa 60's na ang edad nya, balbas sarado na may kahabaan ang buhok--
Teka!
Kilala ko siya!Siya yung kababata ni papa na nakita kong kasama niya sa picture niya noong bata pa siya!
Ah, ngayon napagtanto ko na kung bakit ganoon na lamang ang lakas ng loob ni papa na mangutang sa kanila.Tumayo ako at lumapit sa larawan.
Sa pinakababang dulo nito ay may nakasulat,"Mr. Kuran."
Iniangat ko ang kamay ko para sana haplusin ang painting nang...
"Mula sa japan, Likha yan ni mr. Yamamoto, na isa sa mga investors ng kapatid ko sa negosyo, kung susumahin, nagkakahalaga ang painting na yan ng 500,000 thousand pesos."
"Ay palaka!
s--sorry po! P--pasensya na hindi ko naman ho nagasgasan!"
Naisigaw ko nalang nang dahil sa gulat.parang may kuryenteng dumampi sa mga daliri ko bago ko pa man mahawakan ang larawan nang malaman ko ang presyo nito.
Napangiti na lamang ako sa babaeng nagsalita, na kabababa lang ng hagdan
Sa itsura nya, nasa 30's palang siya., maganda at mahaba ang buhok nya, balingkinita at maputi.
mas lalo lang tuloy akong kinabahan. hayyy hindi bale kapag nagawa ko na ang huling utos ni papa, tapos na ang lahat."Maupo ka., nagpatimpla na ako ng tea sa butler.."
"Umm.. salamat po ma'am.."
"Tawagin mo nalang akong madam lee.,"
"S--sige po. salamat po madam lee."
Ano ba naman bakit ba nauutal ako ??"so, alam mo ba ang rason para magpunta dito sa kuran's villa ??"
"Ah.. Opo! Nandito po ako para bayaran ang utang ng papa ko sa inyo madam.."
"Mabuti naman kung ganoon."
Well... maliit lang to kasi medyo tinatamad ako ngaun.. pero stay put lang kayo guys dahil umpisa na ang t0to0ng st0rya !! Peace !!
^_^Wag kalimutang mag c0mment at pa v0te narin !! Thanky !!
By:gaibeah lauzon
BINABASA MO ANG
The Sacrificial Bride
RomanceAno nga ba ang sacrificial bride ?? Ano ba ang nagagawa nito ?? Nakakain ba ito ?? Malamang yan ang unang tanong niyo sa sandaling mabuksan niyo ang istoryang ito., well, magpapaka spoiler muna ako., ang isang sacrificial bride ay isang babae na kai...