Chapter 32: Gabriel's fear

15 0 0
                                    

[A.N:]
Unang una sa lahat, nais ko pong humingi ng isang napaka laking paumanhin para sa mga mambabasa ng istoryang ito, yun ay sa kadahilanang napakatagal akong hindi nakapag paramdam sa inyo at nakapag update.
Sadyang busy lang po talaga ako sa kung anu-ano, at kapag may free time ay nagbabasa ako ng mga manga or (japanese comics) kaso medyo nasarapan ata.,
So ayun !! Ito na ulit !! Tuloy na natin !!
Pasensya na po talaga.
(^_____^)V

-Gaibeah L.





**
Ckarisma.

"Young Master Gabriel ??"

"Do you have a minute ?? I wanna talk."

"H--ha ??"

"You heard me. I said i want a word with you."

At yan po ang momentum dito sa kwarto ko ngayon, ang akala ko si butler kai yung kumakatok, pero nang buksan ko, si young master gabriel pala.

Huling araw na ng short break namin ngayon, bukas, ay may pasok na uli.
Kaya naman umuwi narin sa japan si miss sakura kanina.
Okay nang lahat.
Pero,
Hindi ko alam kung ano na naman to.

"A-ah... sige, tuloy ka."

Hinila kong pabukas ang pintuan para papasukin siya.
Pero nakapagtataka., bakit parang..
May kakaiba sa kanya..

"Gusto ko sanang pag usapan nalang natin to sa eskwelahan bukas but, i think i might be busy that time. "
Normal niyang sabi habang nakatanaw ng malayo mula sa bintana.
Ano kayang pinagsasasabi niya ??

"Bakit ?? Anong gusto mong pag usapan ?? May problema ba ??"

"Heh.,"
Ngumisi siya at biglang tumingin ng masama sa akin.
Napaatras ako nang di sinasadya, jusmiyo..., nakakatakot ang itsura niya.

"Y-young master Gabriel ??"
Unti-unti siyang humakbang papalapit sa akin kasabay nang pag atras ko palayo.,

"You know, i'm really a straight forward person, so now i'm going straight to the point."
Pabulong niyang sabi, anak ng tokwa, wala na kong maatrasan.
Naramdaman ko nalang ang pinto na sumayad sa likuran ko.

"So.., miss bride,"
Napansin kong gumapang ang kanyang kanang kamay papunta sa knob ng pinto at ini-lock ito. Habang nakaharang naman sa kaliwang bahagi ko ang isang kamay pa.
Natatakot ako.
Ang napaka bait at napaka gentle ba talagang si Young Master Gabriel ang taong kasama ko ngayon ??

lumapit ang labi niya sa tenga ko.
"T-teka young Masterr--"

"HOW MANY INFORMATIONS HAVE YOU COLLECTED ??"

"H--huh ?? I-impormasyon ??"
ano daw ?? Anong pinuputok ng butchi nitong taong to ??

"Tsk. Playing dumb now ?? That's no use."

"H-ha ?? Ano bang pinagsasabi mo Young Master Gabriel ?? Anong impormasyon !! Hindi naman kita maintindihan !! Tsaka !! Lumayu layo ka nga sakin !! Apaka lapit mo !! Mamaya mahanginan ka pa ng demonyo diyan at aksidente mo pang makuha ang first kiss ko !!"
Sigaw ko sa kanya habang tinutulak siyang palayo,

"DON'T MOCK ME YOU TRAITOR !!"
Pabigla niyang hinawakan ng mahigpit ang panga ko., ang sakit.. hindi... hindi si Gabriel to..

"A-arayyy... n-nasasaktan ak--"

"If  you don't wanna get hurt, answer me properly,
You went there right ?? You discovered that place... what did you read ??!!"

"Anong..."
letsche to, sagutin ko raw ng maayos eh ni hindi nga ako makapag salita nang dahil sa paghawak niya sakin..

The Sacrificial BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon