Update II
Iniwan ko muna sila sa sala kasi may plano kaming gumala nung Bessy ko. Kaso ung maong ko, dipa natuyo! T3T Kaya heto at paplantsahin ko ng paplantsahin hangga't sa matuyo.
"Ay takte! Sirang plantsa. Matatagalan ako nito!"
After 30minutes...
"Huy! Kanina ka pa namin hinihintay, kumakain na sila ng cake at lapit ng matapos pero ikaw nagpaplantsa pa rin!" tita ko, biglang pumasok. :/
"Kasi naman Baby (a/n: read as Bibi) dipa natuyo yung pants ko, pero eto lapit na. ^^."
"Sige nanga, bilisan mo, sasama rin ako, magbihis rin kami ni Aymie."
At un, nagbihis na sila. Haay, natapos ko rin plantsahin. BIHIS NA!
Lumabas na ako sa kwarto namin sa baba.
"Oh, bes, tara? Sama kapatid ko pati yung tita ko. :)) "
"Sige. :)"
Lumabas na kaming bahay at naglakad papuntang sakayan ng jeep. Pero dahil sa matakaw kong kapatid sa softdrink, lahat kami napastop sa tindahan at bumili ng inumin. Tinawagan ko muna si Ranz kasi balak ko ng ipakilala sa bestfriend ko ang boyfriend ko. After few rings..
"Uhm hello?"
"Hello? Wala dito si Ranz, iniwan muna niya sa amin tong phone niya. Magkaklase kami. "
Hulaan niyo ang sumagot.
Oo tama kayo. BABAE ang sumagot. Shitts! >.<
"Ahh okay. Pakisabi tumawag ako. Thank you." pinatay ko na.
Kabanas naman oh. Excited ako, pero mababatrip lang naman pala. :3
Naglakad na ulit kami hangga't sa makasakay na kami ng jeep. Nakakatawa nga eh kasi parang baliw si Bessy at yung pinsan niyang si Cathy, pinagaagawan ang pinsan nilang bata. Hahaha! Kami lang ata pinakamaingay na nakasakay eh.
"Guys, san ba tayo pupunta? Magraround nalang ba tayo?"
"Pwede rin. ^^" si Bessy.
"Shunga! Lahat nalang ba ng isusuggest ko ng kapatid ko agree ka lang? Sa golfcourse nalang tayo. May katabing park dun. "
"Sa ukayukay nalang, di naman palagi. " si Cathy.
"Ang baho kaya dun, market katabi nun noh!"
"Enjoy lang natin. Carry yan. :))" si Bessy, baliw. Okay lang kahit san.
"Hmpf, sige nanga! Never pa naman ako nakapasok dun. XD"
"Four years ka na dito bes, di kapa nakakaputa dun? Wow lang ha. :))"
"Eh kasi ho, di ako mahilig sumama sa pag mamarket nila. Bahay lang ako palagi, good girl eh. ;)"
"Oy! Maniwala kayo! Lakwatsera yan! " sabat ng magaling kong kapatid. >.<
"Kasama ka naman lagi Aymie ah! :P"
"Kasi ayaw ka payagan ni mama ng wala ako. :P"
"Osige away lang kayo jan!" tita ko. :3
"Ehem, makababa nanga lang. Walang peace of mind dito! Manong para!" pasahero. Haha, nairita na sa amin.
"Ayan, ang iingay kasi."
"Maingay naman talaga, lalo na't nasa daan. O.A masyado." kapatid ko, haha. :))
Pagkatapos ng kulitan, ingay at bangayan sa jeep dumating na kami sa ukay ukayan. Nakakatawa nga kasi binubugaw nalang kami ng mga tindera dahil ang iingay daw namin. Anong magagawa nila eh sa trip namin yun, at masaya kami. Mamatay sila sa irita! Joke. :D
While patingin-tingin at palakad-lakad, nag-tetext ako. Katext ko na naman si Bee. Natutuwa nga ako kasi halos everyday mag-kausap kami kahit na nung summer classes pa. Minsan nga na-guguilty ako kay Hon eh kasi madalang nalang kami mag-usap nun. Simula nung nalaman ng mama ko. >.<
"Maya, baka ma-snatch sayo ang phone mo kaka-text sa Bee mo na yan!"
"Aba, kala ko Honey tawagan niyo ng bf mo, sino yan? Hala bes ah..."
"Bestfriend turing ko dito, si Nathan. Ang bait nga at ang sweet. Haha." tinago ko na yung phone ko baka mawala nga. :))
"Sumakay na nga tayo ulit, malapit na mag alas-tres, baka magalit si mama." -bessy
"Sige. Sabay na tayo dun sa bahay ni Cathy tapos saka na kami uuwi. :))"
"Sige ba!"
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Haha, I managed to update. Ngayon lang ginanahan ulit eh. I have to finish this story kasi eh pero syempre, marami pa po itong chaps. Happy reading nalang po. :)
--123--