Nagsimula akong mapadpad sa Wattpad noong 2012, hindi pa ako masyadong aktibo rito sa katunayan niyan ay paminsan-minsan lang ako nakakapunta rito.
Una'y nagustuhan ko ang pagbabasa ng mga maikling kuwento na hindi naglaon ay naging nobela. Ang unang nobela na aking nabasa ay Diary ng Panget ni Ate Denny, nakakatuwang isipin dahil namangha ako sa galing niya sa pagsusulat.
Kaya nama'y sinubukan kong magsulat nang ganoong kategorya na kung saan magpapatawa ka at magpapakilig ka ng iyong mga mambabasa. Hindi ako nagsisi sa huli nang mga panahong tinangkilik din ito ng mga mambabasa rito sa Wattpad.
Nagsimula akong magbago ng kategorya noong 2013 nang dahil na rin sa kakayanan kong makakita ng mga nilalang na hindi nakikita ng isang ordinaryong tao. Sa una'y natatakot ako sa mga nilalang na nagpaparamdam sa 'kin ngunit kalauna'y nasanay na rin ako.
Nang dahil doon ay nagbasa na ako ng mga storyang katatakutan at hilakbot ang pangunahing tema. At ang mga pinakapaborito kong awtor ay nandito, kasama ko sila upang mas lalong palaguin ang komunidad ng Horror.
Ilang beses na akong sumali sa ibang mga paligsahan hindi para sumikat kundi para mas mahasa ko ang kakayanan ko sa pagsusulat ng ganitong kaytegorya. Minsan pinapalad akong manalo at minsan hindi pero ito nga naman talaga ang buhay. Minsan nanalo ka, minsan natatalo ka.
Hindi ko masasabing bihasa na ako sa ganitong kategorya dahil nasubukan ko nang paghaluan ito ng ibang kategorya at sa tingin ko'y nagawa ko naman nang maayos. Hindi ako masyadong bihasa dahil lahat naman ng tao ay hindi perpekto, hindi ba?
Iyon lamang, kung may mga katanungan ka ay pakilagay nalang sa ibaba ng pahinang ito. Humanda ka na sa mga susunod na makikilala mo. Mas nakakahilakbot ang kanilang mga impormasyon sa sarili.
BINABASA MO ANG
#HORRORWRITING101
HorrorAng #HORRORWRITING101 ang siyang magiging susi upang mas lalo pang maging epektibo ang pagsusulat ninyo ng kategoryang horror, may mga impormasyon din po kayong malalaman patungkol sa mga tagapangasiwa ng HorrorCommunityPH kaya sana subaybayan po...