chapter 5:"1st DATE, 1st HEARTBREAK"

7 0 0
                                    

Ng minsang nagkasabay kami sa jeep pauwi hindi ko maiwasang matuwa kapag nag kakadikit ang mga braso namin kapag napupuno ng pasahero ang jeep maya maya ay bigla nalang niya akong kinalabit akala ko my sasabihin siya sakin yon pala magpapaabot lang pala siya ng pamasahe nia. Naisipan ko na din magbayad ung inabot niyang pamasahe na barya ang itinago ko at nagbayad ako ng 50 pesos para sa pamasahe naming dalawa, ewan ko ba kung bakit ko naisipan na e-keep ung baryang pamashe niya eh may barya din naman ako. Pagdating namin sa subdivision ay nagpaalam siya na mauuna na siya kasi tatawid pa ko ng kalsada dahil sa kabilang side pa yong subdivision namin. Sa kada practice namin ganun na ang set up namin sa paguwi ay kontento na ako. Isang araw ay inabangan ko siya sa gate ng school namin para makasbay ko ulit siya sa pag uwi pero nagulat ako ng makita ko siya na kasama niya ung classmate ko na si jovanie at sumakay sa jeep. Naisip ko na gf na niya si jovanie at ihahatid sa bahay nila dahil don ay labis akong nalungkot. Pagdating ko sa bahay ay balisang balisa ako na agad namang napansin ni mama at tinanong ako kung masama daw ba ang pakiramadam ko pero di ko siya pinansin na parang walang narinig at dumiretcho sa kwarto. Pag labas ko ng kwarto ay sakto namang nakapaghanda na ng dinner si mama at tinawag na ako para kumain agad naman akong. pumunta sa dinning table para kumain.

Sa sobrang pagkatuliro ay di ko napansin na kanina pa pala ako kinakausap ni mama hanggang sa binatukan na niya ako sa ulo.

"aray ko naman ma!"

"pano hindi kita babatukan eh kanina pa kita kinakausap parang wala kang naririnig. Kanina ka pa wala sa sarili mo."

"ah wala ma may iniisip lang ako. Sige akyat na po ko sa kwarto."

"oh ang unti ng kanain mo ah nakailang subo ka lang."

"ok lang ako ma, wala lang talaga akong gana kumain ngaun."

"oh sige matulog kana."-

Kinabukasan pagpasok ko sa school ay wala pa din akong ka gana gana. Pagdating sa practice ay mejo ok naman ang performance ko, kinausap naman ako ni lenard dahil napansin daw nia na kaninang umaga pa ko balisa at tolero sinagot ko naman siya na "mejo masama lang talaga ang pakiramdam ko." pagkatapos ng practice uuwi na sana ako ng bigla akong tinawag ni kennard.

"nathan teka lang hintayin mo ko sabay na tayo"

"iba ata ngiti mo ngaun ah? anong meron."

"sinagot na kasi ako ni jovanie kahapon kaya ang saya ko."

Dilang alam ni kennard kung gaano ako nasaktan sa sinabi niya, di ko nalang pinahalata sakanya na napaluha ako.

"kaya pala abot langit ang ngiti mo."

"halika samahan mo ko, mag celebrate tayo."

"sakto gutom na ako."

"may alam akong kainan na masarap mura pa."

Agad na nga kaming sumakay sa jeep at pumunta sa kainan na sinasabi niya. Pagdating namin sa isang maliit na kainan ay umupo na kami at umorder ng 1/2 kilong pigar-pigar si kennard, na curious naman ako kung ano yong pigar-pigar kaya tinanong ko siya sabi niya ang pigar-pigar daw ay karne ng baka na hiniwa ng maliit at maninipis na my kasamang repolyo at cauliflower saka egigisa.

"ahhh.... san mo naman na discobre yang pagkain na yan?"

"yon kasi ang usa samin sa probinsya may isa pa akong paborito yong papaitan masarap din yon pampagana..hehehe."

"san ba probinsya niyo? gusto ko din matikman yang sinasabi mong pampagana..hahahahaha."

"sigeh sa sabado sama ka sa bahay pagkatapos ng practice don kana magdinner papaluto ako kay mama. sa pangasinan taga don kasi papa ko eh."

"sigeh! excited natuloy ako matikman yang papaitan na yan. ahhhh kaya pala...."

"sir, eto na yong order niyong 1/2 kilo ng pigar-pigar."-waitress (sabay alis)

"uhhhmmmmm.... ang bango muka ngang masarap to."

"talagang masarap yan lalo na pag my kasamang kanin."

"tingin ko hindi kanin ang masarap na kapartner niyan kundi malamig na malamig na alak.hehehe."

"pero hindi ako imiinom."

"ako ang bahala soft lang iinomin natin para ka lang umiinom ng juice wala pang hang over kinabukasan."

ITUTULOY....

"SWEET REVENGE"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon