Pagkatapos ko magbihis ay agad kung linabas ang aking cellphone at nagselfie sa lahat ng sulok ng kanyang kwarto. Dahil sa minsan lang itong mangyari kaya dapat ng sulitin;) Pagkatapos non ay bumaba na ako para makipag kwentohan ulit sakanila. Pagkatpos ng kunting kwentohan at panonood ay na pagpasyahan na naming matulog lahat dahil maaga pa ang pasok namin bukas lalo na ako na uuwi pa sa bahay namin. Pagdating namin sa kwarto ni kennard ay binigyan nia ako ng unan at sabi niya share nalang daw kami sa kumot dahil malake naman daw ito.
Habang magkatabi kami ay wala kaming kibo-an magkatalikod kame sa isat-isa. Maya-maya ay nakatulog na siya pero ako di pa ko makatulog dahil sa ang katawan koy namamahay. Nagulat ako ng naramdam kung my gumalaw ng kung ano sa likod ko. Kaya naman humarap ko. Pagtingen ko eh di na siya nakatalikod sakin kundi nakaharap na. Kaya humarap na din ako sakanya. Pinagmasdan ko ng mabuti ang kanyang mukha napaka kinis ng mukha,may dimples,ang tangos ng ilong ,redish ang lips inshort ang gwapo!. Napabulong tuloy ako ng "ang cute talaga matulog ng baby ko:)" di ko tuloy maiwasang ipadaos-dos ang daliri ko sa kanyang matangos na ilong. Pati ang labi niya ay hindi nakaligtas sa mga daliri ko ang lambot talaga ng labi niya. Di pa din ako nagsawang titigan ang mukha niya ng papaulit-ulit. Gang sa nakaramdam ako ng antok. Pag gising ko ng umaga ay hindi ko ma ilagaw ang aking katawan ung pakiramdam na parang my mabigat na naka dagan sayo. Pagmulat ko ng mata ko ay ang mukha pa din niya ang nakita ko at sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko. At ang kanyang isang paa ay nakadantay sa mga legs ko pati ang kanyang mga kamay ay nakadanjay sa mga braso ko ung tipong nakayakap siya sakin ng di niya namamalayan. Inferness ang gulo pala niyang matulog. Dahil sa posisyon naming dalawa di tuloy ako makabngon kaya ang ginawa ko ay tinitigan ko nalang muna siya. Maya-maya ay bigla ko nalang siyang hinalikan. Kinbahan ako pagkatapos non dahil bigla nalang siyang gumalaw. Inalis ang kamay at paa niya pagkakayapos sa aking katawan. Akala ko ay nagising siya at agad akong pumikit. Pag dilat ko ay tulog pa din siya. Buti nalang at di siya nagising ewan ko ba kung bakit ko yon nagawa. Pagbangon ko ay hinobad ko na ang mga damit na pinahiram niya sa akin, Tiniklop ko ng maayos at saka linapag sa may study table niya sa sobrang pagka clumsy ko ay my parang malaking libro akong natabig at nahulog sa lapag. Pagpulot at buklat ko ay isa pala itong photo album na puro baby pictures ang laman. Grabe ang cute pala niyang nong baby pa siya. Di ko tuloy naiwasang kumuha ng isang baby picture niya saka ito linagay sa wallet ko at binalik ang photo album sa may study table niya. Paglabas ko ng kwarto niya ay nakita ko si tita na naghahanda ng agahan at binati ko siya ng good morning. Inaya din niya ako na mag agahan na daw ako para makauwi na ako ng bahay para daw di ako malate sa klase namin maya. Pagkatapos ko mag almusal ay nagpasalamat ako kay tita sa lahat at sinabi ko din na tita pakisabi po kay kennard na thank you din. Sabi pa niya na bumalik daw ako ulit sa susunod at ngumiti naman ako sabay sabing "opo tita babalik po ako." saka na ako umalis pauwi sa bahay.
BINABASA MO ANG
"SWEET REVENGE"
RomanceActually this is my first time na sumulat at bumuo ng kwentong M2M love story. So i'am excited for ur feedback. I hope u would like it. Some part of the story eh base on my own experience. Sorry for those errors. Alam kong mbabasa ng mga close frien...