Tinawag ko na nga ang waitress ulit para umorder ng apat na bote ng san mig na apple flavor. Sa totoo lang kahit na nasaktan ako sa sinabi niya kanina ay nawala na ito ng unti-unti at napalitan na ng saya dahil sa kasama ko siya ngaun iniisip ko nga na parang kami ang magkarelasyon at nagdedate kami:') habang hinihintay namin ung order naming san mig ay nagpaalam muna ako sakanya na magccr lang ako. Habang papunta sa cr ay nadaanan ko si ate na binubuksan ung mga order naming san mig, naisipan ko tuloy na hingen nalang ung mga tansan para naman my remembrance naman ako sa date namin ngaun. Pumayag naman si ate at binigay niya sakin saka ko naman ito ibinulsa saka dumiretcho sa cr. Pag labas ko nasa table na namin ung mga order naming san mig at gumagawa na siya ng sawsawan niya na pinaghalong suka at toya pero napansin ko na di niya ginalaw yong sili kaya naman tinanong ko siya kung bakit di niya hinalo yong sili sinabi naman niya na "takot kasi ako sa maanghang e." sabi niya "pareho pala tayo takot din ako sa maanghang."sabi ko. Sabay kaming nagtawanan tinuruan na din niya ako kung pano gawin ung sawsawan, pagkatapos naming kumain at uminom ay umuwi na kami ni kennard.
Hindi naman pala talaga siya suplado mabait pala siya, masayang masaya ako ngaung gabi. Pagdating ko nga sa bahay ay di ma e pinta sa mukha ko ang sobrang tuwa. Kaya naman tinanong ako ni Mama agad kung bkit daw sobrang tuwa ko ngaun samantalang kahapon ay napaka lungkot ko sinagot ko naman siya ng "secret ma!" sabay tawa at takbo papunta sa kwarto ko. Pagktpos ko magbihis ay lumabas na ako sa kwarto para manood ng t.v maya maya ay tinawag na ako ni mama para kumain pero sabi ko ay kumain na ako sa labas kanina. Habang kumakain si mama ay kinakausap niya ako.
"anak, kailangan na ba kitang ipatingen sa psychiatrist."
"bakit naman ma?"
"baliw kana ata eh. kahapon sobra kang malungkot halos di kna makakain pero ngaun sobrang tuwa mu naman.. bi polar ka na ata."
"mama talaga patawa kung ano ano tinatanong parang kaw ata ang baliw ma eh..hahaha.."
Pagkatpos namin manood nila mama,papa at ako ay pumasok na kami sa kanya kanya naming kwarto. Bago ako natulog ay kinuha ko muna ung tansan sa bag ko at ung barya na galing kay kennard sa drawer ng study table ko saka ko linagay sa mag kahiwalay na zip lock na plastick saka sinulatan ng 1 st ride at 1st date na my kasamang date. Saka linagay sa isang maliit na box at linagay ko sa ilalim ng kama ko para hindi makita ng mama ko.
BINABASA MO ANG
"SWEET REVENGE"
RomanceActually this is my first time na sumulat at bumuo ng kwentong M2M love story. So i'am excited for ur feedback. I hope u would like it. Some part of the story eh base on my own experience. Sorry for those errors. Alam kong mbabasa ng mga close frien...