1

1 0 0
                                    

"Im Louie Sacris, 26. And this is Liza."

She smile, "Im 24. And we're two years happily married." Then she look at me with her pretty smile. And i got frost, i'm caught in her tantalizing eyes like, like, like its speaking to me. Right, its speaking to me.

"CUT!!! Ano ba Louie? Line mo na ang sunod nakailang take na tayo at di mo parin makuha. Ano bang meron at di mo magawa-gawa ang simpleng bagay na to??" Sigaw sakin ng director na nakakabingi sa sobrang tinis ng boses, lalaki naman.

"Sorry direk, may gumugulo lang sa isipan ko." Pagdispensa ko naman.

"Hay! naku naku! Nakakaloka! Baka mamaya mainlove ka kay Liza. Liza, akin lang si Louie, walang sayo. Hay sige break muna tayo, after ten minutes resume tayo."

"Thank you direk." At tumayo na ko sa kinauupuan namin. Buti na lang at crush ako ni direk kung hindi baka maalis na ko sa commercial na to. Salamat sa appeal ko.

Dumiretsyo ako sa cr para makaiwas muna sa lahat. Naku naman, ano bang nangyayari sa'kin at di ako makafocus. Sa loob ba naman ng five years ko sa pagmomodel at pagsabak sa commercial ngayon pa ako pumapalya. Marami narin naman akong nakasama sa commercial, yung iba pa nga mas sexy sa kanya at foreigner pa yung iba. At very seductive pa talaga kung tignan ako, konti na lang nga ay kainin ako. Di naman sa pagmamayabang pero alam nyo na. Pero sa kanya, simple lang pero lutang na ako. Sino ba kasing Liza na yun at natitigilan ako sa tuwing tititig sa mata nya. Di kaya vampire yun at nahi- hypnotize ako, di kaya? O baka naman budul-budol. Di naman siguro, sa gandang yun, impossible. Okay, kailangan ayusin ko na to kung ayaw ko pang mawala ng career. Ano na lang sasabihin sa'kin ni mom kapag nawalan ako ng kita, ipamumukha na naman sa'kin na mali ang path na pinili ko na i better choose study than modelling. Katwiran ko naman sayang ang opportunity na lumalapit sakin, sayang naman kung di mapapakinabangan ng ekonomiya ang mukha ko. Owrayt! Hangin pa more!

Last four minutes, i prepare myself. Habang nag-aayos bigla naman ako na palingon sa direksyon ni Liza. Wow, what a beautiful sight. Nakaupo lang sya habang dahan-dahang tinatangay ng hangin ang kanyang hanggang balikat na buhok. Parang di naman sya napapagod, nakangiti parin sya. Lumingon din sya sakin, wait nakabuka bibig ko, umiwas muna ako ng tingin. Nakakahiya naman kung maisip nya na isang Louie Sacris ay nangnanakaw ng tingin sa kanya. Masusulit ko naman sya mamaya.

"Okay, ayos na tayo. Louie, Liza punta na sa set" Nauna si Liza sa pwesto nya, sumunod rin naman agad ako. Kaya ko to. "Okay, ganito ha, naniniwala naman ako sa inyong dalawa na inlove talaga kayo sa isa't-isa, at tunay kayong nagsasama sa ilalim ng iisang bubong, lalo ka na Louie, yang mga titig mo at hawak sa beywang, parang kakainin mo na tong si Liza. Pero magfocus parin kayo, i need your focus. Focus. Wag nyong sabihing kailangan ko pang sayawin ang Focus ni Ariana Grande para magets nyo. Okay! Start na tayo! Lights, camera, Louie wag ka masyadong katitigan! Action!"


Natapos din ang taping, maayos naman ang kinalabasan after ten hours ng taping na 30 seconds lang ia-air sa tv ay sa wakas ay natapos din. Halos isang araw na kami dito sa set at di ko parin nakakausap ng personal si Liza, nasan na kaya yun? Ayun! Tamang tama mag-isa sya, mukhang pauwi narin sya. "Hi! Liza, right?"

"Yes, Liza Semion." Ito na naman ang ngiti nya. At inabot nya ang kamay nya, inabot ko rin naman.

"Louie, Louie Sacris. Maghapon na tayong magkasama halos di pa tayo magkakilala. Ano ba yan?" Medyo nahihiya mode. TWW kami, (talking while walking).

"Kaya nga, medyo nahihiya kasi ako sa'yo. Ang galing mo kasing umarte kanina."

"Ahh? (Hindi yun arte, kung alam mo lang.) Eh magaling kasi yung partner ko kaya nadala ako sa scene natin. Ikaw itong magaling."

"Talaga? Alam mo ba first time ko to."

"First time mo?"

"Oo, kaya thankful ako kasi nakuha ako sa commercial na to kahit di tayo totoong mag-asawa o magsyota man lang. Akala ko kasi required na mag-asawa talaga ang kailangan. Kailangan ko rin ngayon ng pera kaya kahit di sure eh grinab ko na yung opportunity"

"Deserve mo naman, bukod sa maganda ka bagay pa tayo."

"Anu??"

"Tara kain tayo, gutom na ko."

"Wait lang, wala akong pera." Di na sya nakaangal pa dahil hinila ko. Ngayon HHWR kami (holding hands while running) di ko na to pakakawalan!

StillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon