3

1 0 0
                                    

Dinala ko sya sa condominium ko. Di naman ako naka drugs but i feel so high like heaven.

I wrap her in my embrace. On my bed, only the two of us covered under the dark. Listening to our own beat. And i love this feeling she brings to me. I love this girl.

Nagising ako ng 7:30 ng umaga. Ang sarap ng feeling ko. Im still in heaven with this girl in my si... side?...side. Wait! Nasaan si Liza? Bakit wala sya sa tabi ko? Ang tanda ko ai..., naku naman baka nag-iilusyon lang ako all this time. O baka magnanakaw yun. Naku naman! Naloko pa ako!

Hmmmp! Ang bango hah! May nagluluto ba? Baka si Liza ang nagluluto. How thoughtful naman.

At tinungo ko sya sa kusina at di nga ako nagkamali, sya yung nakaharap sa kalan. Nilapitan ko sya at kinulong sa aking mga braso.

"Good morning, Liza!"

"Good morning! Ang aga mo namang magising, di pa nga ako tapos magluto. Wait lang ha, mamaya na tayo magyakapan para matapos ko na tong breakfast natin."

"Eeehhh, mamaya na yan. Namiss kita eh."

"Namiss? Ewan ko sayo. Magkasama lang naman tayo dito eh."

"Kahit pa, namiss kita. Akala ko wala ka na matapos kong magising nang wala ka sa tabi ko."

At hinigpitan ko pa ang pagkakayakap sa kanya, para akong bata sa ginagawa ko.

"Oh sya, matatapos na ako dito. Pero gusto ko maligo ka muna, dahil may sorpresa ako sayo."

"Talaga? Ano naman yun?"

"Surprise nga diba! Sige na maligo ka na! Goooow!"

Dali-dali naman akong tumakbo papuntang banyo para maligo. Excited ako sa surprise na sinasabi nya. Di kaya buntis na sya? Huh! Buntis agad! Hindi hindi, impossible naman yang iniisip mo. O di kaya naman mag-aabroad sya! Huh! Iiwan nya na ako!!! I can't. I can't.

Binilisan ko na ang ligo ko. Sana good news ang surprise nya para sa'kin.

Pagbalik ko, nakahain na ang niluto nyang scrammble egg at fried rice.

"Hmmmm! Ang bango naman ng luto ng asawa ko."

"Asawa ka dyan? Di pa nga tayo kasal asawa agad?"

"Bakit ayaw mo ba?"

"Ewan ko sayo, kumain ka na lang nga. Oh kape mo."

"Sungit naman. Ahmmm Liza, gusto mo bang dito na tumira?"

"Huh???"

"I mean, gusto kita at seryoso ako dun. At gusto kong lagi kang nasa paningin ko."

"Pero..." Ito na ang pero nya, siguro tungkol 'to sa sorpresa nya na sinasabi kanina at nararamdaman kong di ko to ikatutuwa. "Pero, Louie..."

"Okay lang Liza, naiintindihan ko na kailangan mong umalis. Di ka pa handa sa ganitong set-up. I understand."

"Lou..."

At tinutukan ko na lang yung pagkain ko. Naghahari man sa isipan ko ang lungkot but who am i stop her.

"Louie, di naman sa ganun. Gusto rin naman kita." Gusto nya rin ako! Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. "Pero, usapan kasi ng manager ko bawal pa akong mag-asawa."

"Talaga?" Ibig sabihin ba nito gusto nya rin akong makasama ng forever? "Ano nga pala yung sorpresa mo?" Naglakas loob na akong magtanung ngayong nalaman ko na gusto nya rin ako at baka may future.

"Kakatext lang sa'kin ng manager ko kaninang madaling araw, magfafashion show ako sa Vegas!!!" Wow, aalis nga sya.

"Ibig sabihin?"

"Ibig sabihin makakapunta na ako ng America for the first time." Kaya naman kitang dalhin sa America kung sasabihin mo lang. "Di ka banatutuwa?" No.

"Yes, yes Liza. Masaya ako para sayo syempre." Kung alam mo lang. Kahapon lang kita nakilala at bukas aalis ka narin. I feel broken. Di ko alam kung ano ang sasabihin ko, alam ko na ang ganitong feeling yung bagay na gusto mo ay bigla-biglang aagawin sayo. "Kailan ang alis mo?" Matabang kong tanung sa kanya.

"Next week, may set of training pa kasing gagawin. Pero madali na yun." Tuwang tuwa talaga sya, kita mo sa kislap ng kanyang mga mata ang excitement.

"Pwede ka bang magback-out?"

"Huh? Bakit??"

"Dahil, ayaw ko. Di ko gustong yung ideyang di kita makikita sa mahabang panahon."

"Louie..."

"Pwede ba?"

"Pangarap ko to. Simula ng mapasok ako sa ganitong trabaho wala na akong ibang gustong gawin kundi ang libutin ang mundo sa pagmomodel."

"Kaya ko naman gawin yan para sayo, na libutin ang mundo."

"Wala kang alam Louie."

"Anong di ko alam?"

"Di mo alam kung gano kahalaga to sa'kin. Dahil akalamo lahat ng gusto mo ay kayang kaya mong kunin."

Di na ko nakasagot sa kanya. Tumagos lahat sa puso ko ang mga salitang iyon. Alam ko to. Alam ko to. Nangyari na ito dati.

"Sorry Louie, but i have to go."

At agad-agad syang umalis sa harapan ko.

"Wait."

Hinawakan ko sya sa kanyang braso ng kay higpit tulad ng dati.

StillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon