Prolouge

244 4 0
                                    


"Mamili ka Taeyeon! Ang babaeng yan?! O ang pag-aaral mo?" a guy in mid-40's said in a very loud voice habang nakahawak sa kwelyo ng kanyang anak na babae ngunit kung magdamit ay parang panlalaki.

"But Pa, mahal ko siya" mahinang sagot sakanya ng anak niya.

"Mahal?! Tsk! Pareho kayong babae! Wala sa lahi natin ang tibo at bakla!" nanggigigil na Sabi ng lalaki sa anak niya.

"Kung hindi mo ititigil ang kademonyohan mong ito. Itatakwil na kita at hindi kita pag-aaralin! AT HINDI LANG YON! PUPUNTAHAN KO YANG BABAE NA YAN AT AKO MISMO ANG MAGPAPATANGGAL SAKANYA SA KANYANG ESKWELAHAN! GAGAWIN KONG MISERABLE ANG BUHAY NIYA!" pagbabanta ng lalaki sa kanyang anak at umalis.

Iyak lang ng iyak ang batang babae. Wala siyang magawa laban sa kanyang ama, hindi niya alam ang gagawin at tanging nasa isip niya ay ang mahal niya.

"Gawin muna ang utos ng iyong Papa kung ayaw mong madamay pa sa gulong ito yang babaen yan. Ipangako mo na titigilan muna siya. No communication. Alam mong malalaman din naming kung hindi ka susunod sa amin ng Papa mo" dagdag pa ng kanyang Ina. Napakasakit ng gagawin niyang desisyon pero ito ang kailangan niyang gawin para sakanyang mahal.

"opo ma, ipinapangako ko po" sabi niya. Masukal na masukal sa kanyang loob ang kanyang gagawin ngunit ito ang dapat. Umalis ang kanyang ina at naian siyang mag-isa sa kanyang kwarto. Agad niyang kinuha ang Cellphone niya at tinawagan ang kanyang mahal.

"Hello? Bae?" sagot ng tao sa kabilng linya.

"Bae? Mahal na mahal kita. Mahal na mahal" umiiyak niyang lintaya sa kanyang kasuap.

"Ano nangyari Bae? Bakit ka umiiyak djan?" nag-alalang tanong ng dalaga.

"Basta. Tatandaan mo lagi mahal na mahal~~" hindi natapos ng dalaga ang kanyang sasabihin dahil biglang pumasok ang kanyang ama at sinampal siya sa pisngi.

"ang sabi ko sayo tigilan muna ang katarantaduhang toh!" gigil na gigil ang kanyang ama habang hawak hawak ang Cellphone niya.

"Bae?! Bae?! Ano nangyayari?!" nag-aalalang tanong ng dalaga sa kabilang linya.

"Tigilan muna ang anak ko!" bulyaw ng kanyang ama at ibinagsak ng malakas ang kanyang telepono. Sinira ito ng kanyang ama at pinutol pa ang sim. Iyak ng iyak ang batang Babae. Durog na durog na ang puso niya. Sobrang bilis ng mga pangyayari parang kalian lang ay masaya pa sila. Bakit napaka-Unfair ng mundo? Nagmamahal lang naman tayo? Bakit kailangan pang maging ganito? Bakit kung kalian masaya kana saka nalang biglang may aagaw ng kasiyahan mo? Bakit kailangan pang paghiwalayin kayo ng taong mahal mo? Napakaraming tanong ng dalaga sa kanyang sarili. Umalis ang kanyang ama at ikinulong siya sa kanyang silid. Siya naman ay walang ginawa kundi umiyak. Puro sakit lang ang kanyang nararamdaman. Tila namanhid na siya. Lahat ng kaligayahan niya ay tila naubos na at napalitan ng kalungkutan, galit, at sakit. Nang buong gabi na iyak lang siya ng iyak ay ipinangako niya sa kanyang sa sarili na pagbubutihan niya ang kanyang pag-aaral, papatunyan niya ang kanyang sarili sa kanyang mg magulng at titiyakin niyang magiging proud sakanya ang mga ito. At kapag nakatapos na siya at nakapagtrabaho na, hahanapin at babalikan niya ang kanyang pinaka-mamahal....

"Babalikan kita Tiff. Hahanapin kita."sabi niya at hinalika ang kwintas na simbolo ng kanilang pag-iibigan.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

hi guys! as i said in the discription this is my 1st ever story so please support and dont expect too much. so how was it? dont forget to vote and comment guys :). you can pm me if you have any suggestion. im not snob :)


to my katropa, (alam niyo na kung sino kayo)

guys! here is it na. but unlike your stories instead of bxg its a gxg. hope you understand. i dont know how a bxg story runs at hnd ako makakarelate kasi nga dba im a Bi. 

with kind regards,

your katropa Batchie



Our little Secret </3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon