CHAPTER 1. Bus

27 1 0
                                    

Zhoey Lynn POV.

Maaga akong ginising ni Papa para bumili sa mga kailangan sa Cake 'N Pastries Shop namin. Baka daw maubusan kami ng mga ingredients. Kaya buti na daw yung maagang bumili.

At heto hingal na hingal ako para makahabol sa papaalis na Bus sa Station. Pina'commute pa ako ni Papa dahil daw ang delivery truck namin nasa kay Uncle Goerge.
Buti nalang at timing lang pag'akyat ko.

Naghanap agad ako ng mauupo'an.
At pagminamalas ka nga naman. Walang mauupo'an.!

Standing position tayo.
Ay hindi. Ako lang pala.
Ayaw ko pa naman ng nakatayo sa Bus.

Paano kasi..

Hindi ko abot ang hawakan.
Bakit kasi ang pandak ko.
Matangkad naman si Papa. Ang daya.!

Hindi pa ako nakaka'hawak ng maayos sa sandalan ng upuan.

Nang biglang...

"Ayyy! Kabayo ka!!" Napasigaw ako. Muntik na kasi ako maout balance dahil umabante na si Kuyang Driver.

Buti nalang may matipunong mga bisig ang sumalo saakin este humawak saakin.
Humarap agad ako sa humawak saakin para mag'pasalamat ang kaso umiwas agad sya.

Huh.??

Tiningnan ko sya mula ulo hanggang paa habang nakatalikod sya saakin.

Matangkad sya.
Naka'Hood na black Jacket.
Jeans Pants na Black.
Rubber shoes na Black.
At...
Gloves na Black?

Ang weird ah.?

And yeah,puro sya black.
Hindi naman obvious na favorite nya ang black noh?

'Huh? Teka lang.!'
Kinapkap ko agad ang bulsa ko.
Nakahinga ako ng maluwag.
'Buti nalang nandito pa wallet ko.'
Abah! Malay natin. Mandurokot pala si Kuyang Black.
Style nya lang yung pahawak-hawak nya. Hmmm.

May tumayo sa hulihang upuan na babae.
Siguro pababa na sya.
Dali-dali akong pumunta sa pwesto nya at umupo.

'Wooh!! Naka'upo din sa wakas!'
Napatingin ako kay Kuyang Black na nakatayo pa rin habang naka'yuko. Parang tinatago nya ang mukha nya.

Hmm.. Hindi talaga maganda ang pakiramdam ko sa taong 'to. Tss!

Sumandal ako at ipinikit ang mata ko. Inaantok pa ako eh.
Ikaw ba naman gisingin ng maaga.
Bakit kasi ako pa inutusan ni Papa ei. Andoon naman si Vanessa. kainis!

Ay, Oo nga pala. Makakalimutin si Vanessa. Iba inutos mo, iba bibilhin nya. Aish!

Napamulat agad ako dahil biglang may sumigaw. At biglang preno din ni Kuyang Driver. Napahawak ako sa upuan. Nagsibaba-an ang ibang pasahero.
Hindi agad ako naka'galaw.
'Anu nangyayari?' Nakatulog ba ako?

Nagulat ako ng may biglang tumilapon sa harap ko.

Isang lalaking naka'coat na Black.

May dugo sya ilong nya.
Hala!!
'P-patay na ba 'to?' Bigla ako nakaramdam ng takot.

Tumayo ako at lalabas na sana. Ang kaso nasa hulihang upo-an ako. At ako nalang pala ang naiwang pasahero sa loob at si Kuyang Black at apat na lalaki na naka'itim din kagaya ang suot nila sa lalaking naka'hilata. Nakaharang sila sa daanan.

Napahawak ako sa bibig ko ng biglang sumugod ang dalawang lalaki kay Kuyang Black. Pero walang kahirap-hirap na tadyakan at suntokin nya ang dalawa.

'Woah! Ang galing nya.'

At talagang nagawa ko pang humanga.?

Napa'atras ako ng tumingin si Kuyang Black saakin. Tumingin nga ba?
Naka'shade kasi sya ei. At nakarap sya saakin.

The Protector and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon