Chapter.2: Old Friend.Lumipas ang mga araw na naging normal ang lahat.
Buzy kami sa Shop pag'ganitong weekdays.Natatapos ang araw namin sa pagseserve ng mga order ng customer. Pati na rin pagdeliver.
Araw-araw kasi may mga tawag kami para umorder at magpadeliver. Minsan ang iba nagpapareserved para sa mga occasions.
Hindi lang kasi Cupcake mabenta saamin pati na mga Cakes.Pabagsak akong nahiga sa bench dito sa rooftop. Gabi na kasi at talagang pagod ako.
"Woh! Sarap talaga ng hangin dito.!" Sigaw ko habang nakataas ang dalawang kamay. Isa pa ito sa gustong-gusto kong tumambay dito sa rooftop. Tuwing gabi kasi humihiga ako dito sa bench at tinataas ang mga kamay. Para kasing abot ko ang mga star.Parang bata lang noh? Eh, sa nag'eenjoy ako eh. Paki nyo.? Hmpf!
*blagg!*
Luh? Anu yun?
Napaupo ako at napatingin sa kabilang building na katabi lang ng shop namin.
May bukas na bintana doon at nakabukas na ilaw.May umupa na kaya dyan.? Tanong ko sa sarili ko. Isa kasing Apartment ang sa katabing building namin.
Hindi pa ako nakuntinto at lumapit pa ako sa railings ng rooftop. Hindi naman kasi ganun kalayo. Mga tatlo o apat na dipa lang naman ang layo
Pilit kong tinitingnan kong may tao ba.
Maya-maya may napansin akong lalaki sa loob na unti-unting tumatayo. Hawak-hawak nito ang baywang nya at ulo. Mukhang nahulog sya.
Napatingin ito saakin. Kaya nagsalita na ako.
"Okay ka lang?" Medyo nilakasan ko boses ko. Baka hindi nya marinig eh.Pilit syang tumayo ng tuwid. At inayos ang malaking sunglasses nyang suot at pinagpag pa ang damit nya.
"O-okay lang he he he" Pilit nyang tawa habang naka'thumbs up pa. Pero makikita mo sa mukha nyang hindi."Sigurado ka? Anu ba ginagawa mo?" Tanong ko sakanya. Pakamot-kamot sya sa ulo nya at yumuko. Parang may pinulot.
Pinakita nya saakin ang walis tambo at upuan na bali ang isang paa."Kakalipat ko lang kasi. Kaya naglilinis ako." Sabi nya habang naka'ngiti.
"Ahhh, ganun ba?" Napatango ako. Siguro pumatong sya doon sa silya at nilinisan ng agiw ang kisame.
"Oy? May umupa na pala dyan? Hi, kuya!"
"Ay! Palaka ka?!" Halos mapatalon ako sa gulat sa sigaw ni Vanessa. Tiningnan ko agad sya ng masama ng tumabi sya saakin. "Ikaw talagang babae ka! Papatayin mo ba ako sa gulat ha?!" Hinampas ko sya sa braso.
Diyos ko! Dito yata ako mamatay kay Vanessa eh.
"Ouch naman! Kumatok kaya ako. Malay ko ba hindi mo narinig." Nakanguso nyang sabi habang hinihimas ang braso nya.
"Nag'tao po ka man lang sana. Heller?! Bakit ka ba nandito?!" Irap kong sabi pa.
Napatingin ako sa kabilang building at nakatulala lang yung lalaki saamin. Naka'nganga pa yan.
"Hi, kuya!! Anu name mo?" Tumaas ang kilay ko kay Vanessa. Feeling close talaga ang babaeng 'to. Hindi pa sinagot ang tanong ko.
Para namang bumalik sa katinuan ang lalaki.
"A-ahh.. H-hi, Im Liam. Ikaw?" Sagot naman nya.Abah! Hello? May tao pa dito?!
Nakataas lang ang kilay ko sa kanila."Just Call me Nessa. Short of Vanessa. Single pa. Hehe" Tumaas pati gilid ng lips ko sa inaasal ni Vanessa.
BINABASA MO ANG
The Protector and Me
FanficSya si Zhoey Lynn Orzatti, 24yr/o. Pinalaking mag-isa ng Papa nya. Isang simpleng babae, mabait, masayahin at matulungin. Pero biglang nagbago ang lahat ng dumating sa buhay nya ang Night Courier na may codename na 'The Protector' Sino ba ang 'Prote...